3. Bad Blood

19 1 9
                                    

Ngayon lang ako nakalapit sa kaniya ng ganito. We're inches away from each other and I can smell her fresh scent which is very familiar to me. I think it's White T-shirt from Bath and Body Works. Hindi ako maaaring magkamali.

Umatras ako at nag-iwas ng tingin. I suddenly felt awkward. Ngayong nakita niya ako nang malapitan baka isipin niyang mas maganda talaga siya kaysa sa'kin considering that I am wearing BB cream. Wala naman akong tigyawat at hindi rin malalaki ang pores ko pero hindi ako baby skin katulad ng mukha niya.

"B-bakit ka nandito?" At kailan pa ako nautal? Lintik na dila 'to oh!

"Pinapasundo ka ni Grace dahil baka raw tumakas ka't umuwi." Sagot niya na ang tinutukoy ay ang group leader namin.

"Tss! Talaga ba? Buti nalang sinundo mo 'ko, uuwi na sana talaga ako." I answered sarcastically saka iniwan siya.

Nagpatiuna akong lumabas ng classroom para pumunta sa Computer room nang magsalita siya.

"Bakit ba ang init ng dugo mo sa'kin?" Tanong niya na hindi ko namalayang nakasunod na pala siya kaagad.

"At kailan pa tayo nag-usap? If I remember correctly, we never talked. Like ever!" Inirapan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad.

Nahinto lang ako nang marinig ko ang mahinang pagtawa niya. Nagngingitngit ako sa narinig.

"Galit ka ba dahil na-nominate ako bilang campus muse last school year?" She asked in a mocking tone na mas lalong ikina-highblood ko. "Well, that's what I heard. You treated Vanessa the same way when she was nominated as the campus muse during your freshmen years. Tama ba?"

Nanliliit ako. Naiinsulto at nagagalit ako. Whatever she's spewing is all somewhat true. Pero hindi ko alam kung ano pa ang ikinagagalit ng puso ko. I really don't like her. Naiinis ako makita siya, naiinis akong marinig ang boses niya. The way she laughed and the way she looked at me. All of it seems insulting. Ano ba ang ginawa ko sa kaniya para insultohin ako nang ganito? Yes, I was insecure of her. Pero hindi ko siya personal na ina-atake. I took care of my own insecurity without attacking her and her school life. Pero heto siya at harap-harapan akong minamaliit.

"How dare you say that to me? I never treated anyone as bad as you're saying," naikuyom ko ang aking kamao nang makitang tinaasan niya ako ng kilay. "Mock me again and I'll—"

Hindi ko naituloy ang sasabihin nang bigla niyang ilapit ang mukha niya sa mukha ko. Tangina anong ginagawa ng babaeng ito?!

"You'll what, huh?" She plastered another mocking smirk.

Umaatras ako habang siya naman ay lumalapit. She's not breaking the eye contact with me. Hindi ko alam kung saan ko hinuhugot ang lakas ng loob para makipagsukatan ng titig sa kaniya. She's so full of herself, masyadong hambog at mahangin. Gusto ko siyang sampalin dahil hindi ko pa rin nakakalimutan ang mga binitiwan niyang salita kanina. Pero naramdaman ko nalang ang pader sa aking likuran.

She leaned her right hand on the wall while her other hand was in her side pocket. Ngayon ko lang na-realized na mas matangkad siya sa'kin which I think she's around 5'6 while I am 5'3. Kaya pala siya na-nominate dahil bukod sa maganda na siya, matangkad din. Pang beauty pageant talaga siya. Except that she's boyish.

"Alam mo kung anong problema mo, Samantha Rae? Masyado ka kasing insecure. Let it go," inilapit niya ang mukha niya sa gilid ng mukha ko saka bumulong. "Hindi nakakaganda 'yan, love."

Marahas ko siyang itinulak dahil sa narinig. She's a bitch!

Inis ko siyang iniwan doon at lakad-takbo ang ginawa ko para makarating sa Computer room dahil baka makasunod na naman sa'kin ang buwisit na 'yon. The nerve to say those ridiculous things to me? So, anong ibig niyang sabihin? Na insecure ako sa kaniya? Well, totoo naman. But never in this lifetime do I admit that.

"Oh, nandito na pala si Sara. Nasa'n na si George? Pinasundo ka ni Grace eh." Bungad sa akin ni Althea habang may hawak na manila paper at marker pen.

"Papunta na 'yon dito." Tanging sagot ko nalang saka umupo sa bakanteng espasyo katabi ni Christian.

Nakaupo kami lahat sa carpeted floor forming a circle.

Bumukas ang pinto at alam ko na kung sino ang pumasok kahit hindi ko pa tingnan dahil nakatalikod ako mula sa pintuan. Harold and Patrick pave a space for Georgina to sit down.

I regret sitting down beside Christian dahil magkaharap na tuloy kami. Hindi ko siya tinapunan ng tingin at nag busy-busyhan sa laptop ni Althea na katabi ko rin sa right side.

Nagsimula nang i-discuss ni Grace ang tungkol sa topic ng magiging report namin bukas. Inatasan niya rin kami ng kaniya-kaniyang parte sa nasabing topic. If there are questions to be asked from the teacher, it's either Grace or Althea will answer those.

"May gusto ba kayong idagdag sa report natin? How about you, Sara? Baka may idea ka na gusto mong ibahagi? Kanina ka pa tahimik, eh!" Puna ni Grace.

Hindi ko napigilan mag-angat ng tingin sa kaniya na katabi lang ni Patrick na ang katabi naman ni patrick ay si Georgina. Kita sa peripheral vision ko ang pagtitig niya sa akin habang hinihintay akong magsalita.

"Wala na, Grace. Pasensya na, medyo masama kasi ang pakiramdam ko ngayon." Pagsisinungaling ko which made Georgina scoffed a little na hindi naman napansin ng iba naming ka-grupo.

"Ay! Hala, gano'n ba? O, sige. Guys, let's wrap this up para makauwi na tayo kaagad. Tapusin lang natin 'to then we'll head home, okay?" Baling niya sa groupmates namin na nagpakonsensya sa'kin.

Ginawa na namin ang dapat gawin. Patrick and Harold seem to be done with their assignments dahil nag-uusap na sila ng kung anu-ano. Habang si Christian at Althea naman ay nagtatalo dahil si Christian ang gusto na maunang mag-report bukas kaysa kay Althea.

"Talaga? Ako rin eh! Ikaw, George, anong mga tipo mo?" Nahinto ako sa pagtipa sa keyboard sa narinig kong tanong ni Patrick.

"Ako? Hmm..." sagot ni Georgina na umaaktong nag-iisip pa. "Gusto ko 'yong mga mature mag-isip. Ayoko kasi sa mga isip bata o immature."

Kahit nakatutok ang tingin ko sa laptop ay ramdam ko na sa akin siya nakatitig. Nagpaparinig siya sa'kin. It's her bitchy way of saying that I am immature. How dare she!

Ipinagpatuloy ko ang pag-encode sa insights ko sa laptop. Ayokong sirain pa lalo ang araw ko sa mga naririnig kong salita galing sa kaniya.

Pero ang susunod na tanong ni Harold ang nagpatigil nang tuluyan sa iniisip ko.

"Maganda 'yon. Pero, George gusto ko lang itanong. Sana 'wag mong masamain. Anong gusto mo, babae o lakake?"

Hindi ako nag-angat ng tingin at hinintay ang sagot niya. She's dressed like a guy, acts like a guy, walks like a guy. Pero kahit na minsan ay walang nakapagtanong kung ano ba talaga ang kasarian niya. She's linked to Brandon last school year dahil ang chismis, nakita raw ng ibang estudyante si Brandon at Georgina na magkasamang kumakain ng kwek-kwek na silang dalawa lang. Hindi ko alam kung totoo ba 'yon dahil hindi ko naman nakita at hindi na rin nasundan ang chismis na iyon.

"Babae." She simply answered and went back to what she was doing.

"Ano 'yang tina-type mo, Sara? Bakit puro 'hsgfkbfinsbufkblwnhfjuwbjdbdkcblwphf' iyan?"

I swear to god, Christian na sisipain talaga kita paglabas dito!

Under The RainWhere stories live. Discover now