STJ 2.00

17 1 1
                                    

Hindi mo talaga mapapansin ang araw. Hindi mo namamalayan ang takbo ng oras. Tulad ngayon, graduation day na. Nandito kami ngayon sa loob ng gymnasium kung saan idinadaos ang graduation. Nasa kalagitnaan na ng pagtatawag ng mga magtatapos upang kumuha ng diploma sa entablado. Konting tiis ng init nalang at Alhamdulillah, matatapos na rin ang programa.



Hindi ko na rin napansin ang mga pagtawag sa mga pangalan ng mga magtatapos. Nilingon ko yung mga magulang na nakaupo sa benches. May mga umiiyak, siguro sa sobrang saya kasi magtatapos na din ang kani-kanilang anak. May mga nagtatawanan at ngumingiti rin. Meron din namang mga tao na busy sa kani kanilang cellphone, ung iba nag se'selfie pa. Hanep naman talaga oh. Pang Instagram na siguro yan. Hahaha



Hindi ko napansin na patapos na pala ang ceremony at nagsisitayuan na rin ang mga tao para makalabas na ng gym. Tumayo na rin ako agad at nilapitan na ang mga magulang ko.



Agad akong yumakap kay Ummie at kay Abbie. Medyo naluluha pa nga si Ummie eh. Tears of joy siguro. Hehe. Agad naman kaming lumabas ng gym at pumunta na sa parking lot kung nasaan ang sasakyan namin.




Habang naglalakad ay nakita ko mula sa hindi gaanong kalayuan ang isang pamilya na nagsisiiyakan. Mukhang sobrang tears of joy ata yun. Pamilyang muslim rin. Yung lalaki na sa tingin ko ay ang tatay eh hinalikan niya sa bunbunan yung anak nyang bagong graduate. Pagkatapos ay yung nanay naman ang yumakap at humalik sa anak nila. Mukhang only child ata yung babae. Mukhang galling sa magandang pamilya dahil professional ang outfit nung mag asawa.



Isa naman sa ikinagulat ko nung mamukhaan ko yung anak nila. Siya yung.. teka wait. Siya nga ba yun? Mukhang siya nga. Imposible namang magkamali ako. Siya talaga yun eh! Yung babae na may granddaughter instinct. Oo siya nga! Masha Allah. Mukhang mahal na mahal nga siya nung tatay niya.



Graduation ngayon, ibig sabihin tapos na ang pag aaral ko. Ibig sabihin magsisimula na akong magtrabaho at tutulong sa mga magulang ko. Pag aaralin ko pa si Hafina. Ahamdulillah! Alhamdulillah dahil matutulungan ko na rin sawakas ang mga magulang ko. Alhamdulillah!




On my second thought, si babaeng ay granddaughter instinct, wala ng possibility na magkita kami ulit dahil ditto lang naman sa school ko siya madalas makita at minsan sa organization activity. Eh graduate na kami, ibig sabihin we will part ways. Nako naman. Akala mo naman kung magkakilala. Hahaha pero in sha Allah, baka may pagkakataon na magkita kami ulit at magiging magkakilala. May Allah aza wa jaal bless her with the start of her new journey. In sha Allah, if Allah wills and everything will happen according to His plans.




Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Jun 12, 2015 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Stairway to Jannah (Paradise)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang