STJ 1.00

49 1 1
                                    

The place that no eyes have ever seen.

The place where peace conquers everything.

The place I wanted to go.. with you.



No one could ever control your destiny except for the one who created you, the Allah (s.w.t) and He alone. Your destiny might change with the help of your Prayers and Dua. So do not ever underestimate the power of your prayers and the power of Allah, the most gracious and the most merciful.







—-

"Assalamu alaykum akh!" a greeting from a brother as I arrived in the prayer room in our school.



"Wa alaykumusalaam warahmahtullah!" then we shake hands.




I am Abdul Haqeel Abulrahman. A graduating engineering student in sha Allah. Sa nalalapit na dalawang buwan ay ga'graduate na kami. Kasalukyan akong nasa prayer room sapagkat malapit na ang oras ng Duh'r prayer. Most of the time nandirito lang ako sa prayer room kasama ng ibang Akh. Sa makatuwid, halos dito na kami nagpapalipas oras sa tuwing wala kaming pasok. We perform two rakaat of prayer as a Sunnah kapag wala kaming ginagawa.




"Akh, malapit na pala ang foundation day ng Muslim Organization. Saan nga yun ihe'held?" tanong sa akin ni Hakeem. Isa sa mga malapit kong kaibigan at the same time kaklase ko rin.




"Oo nga pala ano. Ang pagkaka'alam ko ay sa Muslim Park ihe'held ang foundation day. Mukhang maraming dadalo. Sa tingin ko may mga Shiek din na pupunta para sa symposium in sha Allah."



"In sha Allah sana maging successful ang foundation day. At sana maraming dadalo para makalagap ng mga bagong kaalaman sa Islam."



"In sha Allah akh."



Ang foundation day na gaganapin ay pinangungunahan ng Muslim Organization sa school namin. Kasama rin sa pag aayos at pag organize ang mga Ukhties na kabilang sa Muslim Org. Medyo nakaka'excite nga kasi dadalo ang ilan sa mga paborito kong preachers na madalas maging guest speaker everytime na may symposium na ginaganap.





Pagkatapos kog mag pray ng Duh'r ay nagmadali akong mag ayos para makabalik na sa classroom, dahil naalala ko na may quiz pala kaming gagawin ngayon. Haaay! Aging problems na ba to? Hindi ko man lang naalala kanina. Nakalimutan ko tuloy mag study.




Habang naglalakad ako sa pathway, may nakita akong isang babae na nakahijab at nakabihis pang nurse na kinakausap ang isang matanda. Ang babae ay hindi ko mamukhaan sapagkat nakatalikod sya sa kinaroroonan ko.

Stairway to Jannah (Paradise)Where stories live. Discover now