Chapter 25: Phoenix.

Beginne am Anfang
                                    

Huminga ako nang malalim at akmang lalampasan na siya nang muli nya 'kong hablutin at pabalibag na isandig sa pader.

Hindi ko alam kung saan kumukuha nang pasensya sina Ian at Steven, pero kagaya ni Lawrence, napupuno rin ako. Binitawan ko ang bag at tinapunan siya nang suntok. Pasensyahan tayo pero punong-puno na 'ko sa taong 'to.

Agad ko siyang pinatungan at pinagsusuntok-suntok. Napatigil ako nang may dalawang braso ang humila sa akin paalis sa ibabaw ni Mark.

"PUTANG INA!" Sigaw ko nang makita ang iba pang special science. Nagpumiglas ako ngunit hinahawakan nang dalawa nilang kasama ang braso ko habang iniipit nang mga binti nila ang akin.

Tinawanan nila ako. Meron pang isang nag-vi-video at nilalapit pa lalo sa akin ang camera tila nang aasar. Na-alarma ako nang makita ang isa sa kanilang buksan ang bag ko. "Hoy!" Sigaw ko nang kuhain niya ang camera ko.

Tumayo si Mark at kinuha sa kaklase ang camera ko. Nanlaki ang mata ko at sisigaw na sana nang tinapon niya camera ko ngunit tinakpan nang mga kaklase niya ang bibig ko.

Tumalbog ang camera ko dahil tumama ito sa garbage bag. Hindi naman na wasak pero alam kong magkakasira 'yon. Hindi naman bago 'yon kaya kaylangan ingatan!

"Puta! Tama na!" Sigaw ko nang pinulot muli nila ang camera at pinagpasa-pasahan.

Ang iba'y sadya pang hindi sinasalo para malaglag. Naluha na ako nang makitang nabasag na ang lense noon.

Napaluhod ako dahil sa panghihina nang katawan. Ang bigat bigat sa loob habang pinapanood silang siraan ang camera ko at wala akong nagawa kundi ang sumigaw.

Natapos ang kahayupan nila at tsaka lang ako binitawan na ako ng mga kaklase niya. Lumuluha ako dahil sa panghihina. Hindi ko na magalaw ang katawan dahil sa awa sa sarili at sa camera ako.

Sapilitang inangat ang muka ko at nakangiting si Mark ang bumungad sakin. Nanlaki ang mata ko't hindi nakagalaw nang unti unting lumapit ang pagmumuka niya sakin. Lumapat ang nakakadiri niyang labi sa akin. At kumalam ang tila bumaliktad ang bituka ko roon.

"Meet me at LV Hotel tomorrow after class, kung gusto mo pang makasama ang pinakamamahal na camera." Lumayo siya sakin at tinignaan ako sa mapanuyang paraan. "Wag kang magkakamaling magdala nang kasama, bata. Sasamain samin 'tong camera mo. At para namang kaya nyo kami."

Unti unti silang nag-si'alisan. Iisa na lamang ang natira sa kanila. Tinignan nya 'ko sa naawang paraan. Punyeta! Ngayon mo pa naisipan ma awa?!

"Ibabalik ko sayo ang camera mo. That's the least I could do." Umalis narin siya kagaya nang mga kasama.








"Tol? The barb daw tayo! Libre ni Lawrence." Aya sakin ni Benjie.

Tinanggal ko ang braso niyang naka'akbay sa akin. "Kaylangan kong umuwi, hinihintay ako ni Mama."

Hindi ko na siya hinintay sumagot at umalis na. Nilakad ko lang ang daan papuntang LV Hotel dahil wala naman akong perang pang sakay.

"Mark Jison?" Tanong ko sa babae.

Alam kong may alam na ang babaeng 'to. Tinignan niya rin ako sa naawang paraan tila alam na kung anong dahilan at sasapitin ko rito.

"VIP building po, room 6." Muli niya 'kong tinignan at nilahad sa akin ang key card habang nanginginig.

Inabot ko iyon at lumakad na. Wala akong marinig o maramdaman sa paligid kundi ang pintig at ingay nang dibdib ko. Alam ko ang sasapitin ko rito. Alam ko kung bakit ako narito. Mashado na siyang maraming nabiktima sa loob nang halos tatlong linggo niya sa special science. Kalat na kalat ang kahayupan niya sa skwelahan. Pati ang putik at trahedyang iniwan niya sa bawat isa ya naroon parin.

A Rose Hidden in The Thorns.Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt