Chapter 15:nahulog

95 3 0
                                    

"Sorry po talaga."

"Ay na ko, hija. Ok ngalang. Wag kang mag-alala ano kaba. Mabuti na rin iyon para hindi ka mabagot rito. O sya, mauuna na kami ng Mommy mo."

Niyakap ako ni Tita Mira bago siya naglakad pa alis.

Aalis sila ni Mommy ngayon. Earlier this morning ay nagising si Mommy dahil naramdaman niya wala raw ako sa tabi niya. Nahuli niya akong nasa labas ng bahay. She met Aidan. Nagkausap na rin sila, nagkaiyakan rin. Mommy already explained to Aidan. And with the help of sibling hood ay napilit namin si Mommy na kausapin si Dad.

Kaya aalis sila ni Tita. I volunteered na ako ang sasama sa kaniya pero kahit anong ulit ni Aidan kay Mommy na hindi galit si Dad ay hindi parin siya mapakali. Kaya imbes na ako ang sumama sa kaniya ay si Tita Mira na lamang.

Anong oras na non kaya napagdisesyonang dito na lang matulog sina Layvance. Pero dahil wala silang extra room, sa sala na lamang natulog sina Layvance.

Na konsensya pa nga ako dahil baka lamigin si Layvance pero wala naman akong magawa dahil hindi siya pwedeng tumabi sa akin. Bakit?

Oo nga naman, bakit nga ba Aidan?

"Hoy! Lumayo layo ka sa kapatid ko!" Pinagtulakan niya si Layvance palayo sa akin.

"Aidan ano ba?!" Ireta kong saway.

"Itong lalaking to, eh. Tsansing lang habol nito!" Tinignan niya nang masama ni Layvance.

Tinaasan lamang siya ng kilay ni Layvance at palihim na inirapan kahit nakita ko naman.

Talim ha.

Simula kagabi ay hindi niya 'ko nilubayan. Kahit napagusapan na namin ang misunderstanding na nangyare. I explained to him na walang nangyare samin ni Layvance, at naniwala naman siya. Hindi parin niya 'ko nilubayan kakabantay. Kapag lumalapit sakin si Layvance ay agad siyang papagitna akala mo'y aagawin ako nong isa.

Hindi naman nagrereklamo si Layvance pero alam kong napipikon na siya kay Aidan. Ni hindi ko siya makausap dahil pagsinusubukan kong kusang lumapit sa kanya ay agad namang magdadabog si Aidan na para bang inaapi siya.

"So what's your plan now?" Diretsong tanong ni Mike.

Nasa hapag kami ngayon, kumakain.

Ramdam ko ang tensyong meron sa paligid ko. LALONG LALO NA 'TONG MGA KATABI KO!

Napapagitnaan kasi ako ni Layvance at Lawrence.

Oo, opo. Nakalapit na sa akin si Layvance. Pano? Itinali lang naman si Aidan ni Fritz at Diego sa upuan. Bakit? Dahil sigaw siya nang sigaw kapag lumalapit sa akin si Leyvance kaya naireta na rin sina Diego kaya tinali siya sa upuan. Nilagyan rin siya nang tape noong una pero tinanggal na namin dahil kakain na.

Yan ngayon matalim parin ang tingin niya kay Leyvance habang salitan siyang sinusubuan ni Charles at Fritz.

"I am still transferring school." Sagot ko sa tanong ni Mike.

My chewing slowed when the atmosphere got heavier. From my peripheral view I saw how Lawrence tighten his grip on his fork.

"Khai..." Nagsusumamo ang boses ni Ricky.

"What?" Pa inosente kong tanong.

"No one is transferring." Lawrence said full of finality.

Kinunutan ko siya nang kilay.

Bati na ba kami nito?

"Well me and your brother is." I said at tinignan siya sa nanghahamon na paraan.

A Rose Hidden in The Thorns.Where stories live. Discover now