Chapter 18: Napabayaan.

84 6 0
                                    

Nakakairita. Ang sarap pagsasampalin. Pag sinampal ko kaya sila ng dos-por-dos back to back makukulong ako?

"Khai! Natatakot nga yung-"

"Wag kang tumigil." I said sarcastically. Mahinahon pero puno ng pagbabanta.

Nagsitawan naman sila. Simula maka balik kami si Kwarto'y wala na silang ginawa kundi ang asarin ako.

Dinala nila ang batang nakita namin sa hagdan rito sa kwarto namin. Nakakausap na siya namin ngayon, or tamang sabihing nakakausap na nila siya ngayon. Takot na takot kasi sakin ang bata. Pagsinusubukan ko siyang kausapin ay bigla na lang siyang tatakbo sa pinakamalapit na robot. Kaya hindi na 'ko tinigilan kaka-asar nang mga bwesit.

Ilang beses na namin siyang tinanong nang iba't ibang tanong para matulongan ngunit wala naman siyang ibang sinasabi kundi ang 'Mama' at 'Mommy'. Malay ba namin kung sino 'yon? Alangan naman sa Nanay ko namin ito dalhin.

Gustohin ko mang mapikon sa pang-aasar nang mga robot ay hindi ko magawa. Pag nakikita ko kasi ang muka ni Mattew na puno parin ng mga ginuhit ko ay hindi ko mapigilang matawa. Kahit ang ibang mga robot ay natatawa rin. Kaya para hindi kami mahalata ay inaasar nila ako para kunwari ay may dahilan sila para matawa, na mukang umuobra naman. Wala parin kasing kamalay-malay si Mattew sa masaklap na sinapit ng muka.

Si Mike ang unang humiwalay sa pagkukumpulan. Lumapit siya sakin with his Usual poker face. "Hey."

I greeted him back bago ibinalik ang tingin sa mga robot. Medyo malayo sila sa akin. Nasa binatana kase sila malapit sa dating inuupuan ni Mattew, ako naman ay nasa pinto, leaning my back on the wall. Umupo si Mike sa sahig, his attention still on the kid.

"Did you get anything from her yet?" I asked him.

Umiling naman siya. "All she talkes about is her Mom."

I nodded in understanding. Boung hapon na kami ganito. Kinausap pa ni Mattew ang mga Teacher para hindi muna sila mag klase. Sayang ngalang hindi niya 'ko kasama noong pumunta siya sa Teacher's office. Hindi ko tuloy nakita ang mga Reaction nila nang makita ang muka ni Mattew.

"Isang oras na lang ay uwian na. You need to give her back to her Mom." I said.

"Me?" Taka akong binalingan ni Mike.

"Well sayo siya umaamo, eh. Alangan naman ako, edi nag tantrums 'yan."

Natawa naman siya sa tinuran ko. Umalis siya sa harap ko nang akmang babatukan ko siya.

Tumaas ang kilay ko nang magkita ang tingin namin ng bata at agad itong umiwas nang tingin sabay hawak sa damit ni Mattew tila takot na takot.

Nakita iyon ng mga robot kaya agad nila 'kong inaasar. Malapit na 'kong mapikon sa kanila kaya mas pinili ko na lang tumalikod at umalis.

I left the Ace building and went to the science Cafeteria. I brought some food for me to eat. Some curls and drinks. Naglalakad-lakad lamang ako sa hallway nang marealize na nasa bandang bakod na pala ako. Behind the auditorium may kaunting space pa roon.

"Gago, tol, hintatin nyoko!"

"Hoy, Pat!"

"Par, yung bag mo oh!"

"Teka lang mwesit!"

"Hinaan nyo lang ang boses nyo!"

"Ahihihihi..."

Somehow those voices sound familiar. May kutob na 'ko sa nangyayare.

Tagong lugar, bakod, walang tao, mga estudyanteng tamad. Ano kaya ang pwede nangyayare diba?

A Rose Hidden in The Thorns.Where stories live. Discover now