Chapter 25: Phoenix.

Start from the beginning
                                    

Hindi ako nakatiis at iniwan sila roon. Subrang lambot talaga ni Aidan. Kahit sa pinakamaliit na bagay ay iiyakan niya basta tungkol 'yon sa aming magkakaklase.

Ang sabi niya samin kami daw ang laman nang malaking parte nang puso niya.

Kami siguro ang cells doon.

Bumibili ako nang makakain sa cafeteria nang makatanggap ako nang text galing kay Steven.

Steven:

Don't agree to whatever deal they'll make. We'll figure this one out.

Alam ko ang tinotukoy niya. Ang batas nang special science. Dati na rin siyang naging biktima non, kaya ganon na lang ang pagbabantay niya samin wag lang sapitin ang sinapit niya.

I texted a 'noted' to him.





"Uwian na!"

"Nomi tayo?"

"Hard pass. May date kami ni bebelabs."

"Pishball!"

"Phoenix,"

Napatingin ako kay Ian nang may iabot siyang kahon sa akin. Nanlaki ang mata ko nang makita kung anong kahon iyon.

Camera!

Tinignan ko siya sa hindi makapaniwalang paraan.

"Yan lang muna." Kinamot niya ang batok niya't nahihiyang umiwas nang tingin. "Pasensya na, second hand lang kaya natin ngayon-"

Walang pasabi ko siyang niyakap. Nakakabakla alam ko. Pero alam kong hindi sapat ang mga salita sa pasasalamat ko sa taong 'to.

Tinapik niya ang braso ko't ngumiti nang maluwag. "Laban lang. Hindi mo kaylangan nang club-club na 'yan. Andito lang kami."

"Tingin sa kabila, miss."

Malawak ang ngiti ko habang kinukuhaan nang litrato ang babae. Malaki-laki ang binayad nila sakin para sa Photoshoot na 'to. Hindi ko sila pwedeng biguin. Lalo na't kilala siyang tao, baka sakaling magustuhan niya ang gawa ko't i-reccomend ako sa mga kakilala.

Natapos ang Photoshoot at nagustuhan naman nang client ko. Nangako pa siyang ipapalam niya sa mga kaibigan ang taglay kong skills.

Naglalakad ako pauwi mag-isa sa kalagitnaan nang gabi. Napatawa ako dahil may nakuha pala akong epic picture nang client. Tinago ko na ang Camera sa loob nang bag nang matapos maningin-ningin.

Nagsitayuan at nanglamig ang katawan ko nang maybiglang tumakip sa bibig ko't hinila ako. Sinubukan kong pumiglas pero mabilis ang paggalaw niya. Dinala niya 'ko sa liblib na lugar at dahil gabi na nga ay madilim na.

"M-mark?" Taka kong tanong nang makilala ang lalaking humila sakin.

Madilim ang paligid, hindi rin ganon nakakatulong ang liwanag nang buwan. Hindi ko siya lubos na nakikita.

Mahina siyang natawa ngunit tunog sarcastic naman ito. "So, naaalala mo pa pala ako?"

"Gago ka ba?!" Irita kong sabi sa kanya. Inayos ko ang pagkakasabit nang bag ko't tinignan siya nang masama. "Problema mo?"

"Problema ko? Ikaw! Ikaw ang problema ko!"

Kumuyom ang kamao ko. Galit parin ako sakanya. Kung hindi dahil sa kanya ay nasa photography club parin ako't hindi sa drama. Pero pinalampas ko iyon dahil kinausap ako ni Mattew at Steven na palampasin na lang muna ito.

Alang alang sa respeto ko sa officers nang klase namin at sa mga hiling ng mga kaibigan ko, kusa na 'kong umiiwas sa taong 'to dahil baka makalimutan ko ang salitang 'hulos dili'.

A Rose Hidden in The Thorns.Where stories live. Discover now