3. Her new miserable life

9 4 8
                                    

Hay nako! Wala na akong maaasahan pang sagot mula sa walang buhay na katawan.

Ni hindi ko man lang alam kung paano ako makakabalik sa katawan ko. Wala man lang manual o orientation ang matanda na iyon!

Nilapitan ko ang katawan ko. Itinayo ko iyon. Buti kaya ang magbalanse.

Nakasayad pa sa sahig ang intestine ko! Imbis na mandiri, pinulot ko iyon at inilagay sa ibabaw ng duguan kong baywang. Hindi ako pwede mandiri dahil katawan ko ito. Akin 'to!

Madilim sa labas pero maliwanag ang buwan. Pumasok ang simoy ng hangin sa bintana. Dalang-dala tuloy ang manipis na kurtina. Tinungo ko iyon at lumabas na.

Malamig sa himpapawid. Gusto ko sanang mag-jacket pero nakalayo na ako.

Mula noong makalipat kami dito sa probinsya, palagi kong hinihiling na sana makalabas naman ako sa bahay ni lola.

Nakalabas nga! Pero kalahating katawan ko naman. Malas!

Hindi bale na. Maganda naman ang tanawin. Bukod sa berdeng kulay ng bundok at mga puno, para namang bituin sa kalupaan ang mga ilaw ng bahay.

May isa pang kumukurap-kurap na ilaw. Pundido na siguro ang bumbilya. Pero papasa na 'to para maging wishing star.

Pumikit ako kahit wala namang hiniling. For clout lang.

Sinuyod ko ang langit. Mukha akong tanga na gusto pang abutin ang ulap. Gusto kong makita kung malambot ba talaga 'to.

Pero nang mahawakan ko na, napatunayan kong boploks nga talaga ako sa science. Evaporation na lang talaga ang naaalala ko.

Pinagaspas ko pa ang pakpak ko. Pasensya na. Gusto ko lang mag-asal fairy ngayong gabi. Papayagan ko munang maging perpektong ignorante ako ngayon. Minsan lang naman.

Habang lumilipad, namimili ako ng kakantahin. Natitipuhan ko ang A Whole New World pero hindi naman ako lumilipad gamit ang carpet. Flying Without Wings naman, ang contradictory kasi may wings ako eh.

Sa huli, nai-belt ko naman ang Skyline Pigeon Fly.

Nangingiti ako habang gumagala. Akala ko hindi ako matutuwa sa pagiging manananggal ko.

Nang makaramdam ng pagod, bumalik ako sa reyalidad. Paano ko ba ibabalik ang sarili ko sa aking katawan?

Nang makaramdam na talaga ng hustong pagod, bumalik na rin ako sa bahay ni lola. Doon pa rin ako dumaan sa bintana.

Maliwanag pa rin ang kwarto dahil sa di mamatay-matay na kandila. Kaya nakikita ko pa ang kalagayan ng lugar. Inilibot ko ang paningin.

Shutainames!

Saan ko hahanapin ang nawawala kong katawan?!

Half Gone MissingWhere stories live. Discover now