5. Half gone missing, so is her life

9 4 6
                                    

Bumalik ang ulirat ko sa present. Flashback lang 'yon. Nakalimutan lang i-italicized.

Nasa eskinita pa rin ako. Mabaho. Maputik. Madilim.

Ayoko mang mamatay na ganito kaso wala eh. Hanggang dito na lang ang kinaya ng powers ko.

Sinubukan kong hanapin si Baby Salvi pero wala. Isang linggo na akong palipad-lipad. 3 days para hanapin siya tapos yung the rest naman para hanapin ang katawan ko.

Hindi ako burara ah! Binalikan ko pa nga kung saan ko iniwan ang katawan ko. Pero may nangtitrip na naman. Kinuha ang katawan ko!

Hindi ko rin ma-sense dahil hindi ko naman alam kung paano. Bigla na lang akong ginawang manananggal na wala man lang kahit isang abiso.

Kaya ngayon, habang nasa iilang oras at minuto na lang ang duration ng buhay ko, nagwiwish na lang ako.

Legit na wish na. Hindi na for clout.

Kahit sana, kaunti lang. Kaunting silip lang ng magandang buhay.

Hindi na ko hihingi ng tawad kasi wala naman akong chance na mapunta pa sa langit. Noong gabi na ginawa akong manananggal ng lola ko, tinanggalan na niya ako ng karapatan para manampalataya.

Hanggang sa huling segundo ng buhay ko, isusumpa ko talaga ang hukluban na 'yon!

Ang magandang ginawa lang niya sa buhay ko ay bigyan ako ng magandang mukha. The rest, wala na! Pahamak siya masyado.

Dahil iilang oras na lang din ang itatagal ko, wala na rin akong chance na magkaroon pa ng lovelife. Peste talaga ang lola ko na 'yon! Ang daming tinanggal sa akin!

Kung magkikita man kami sa impyerno, magbo-volunteer ako para mapahirapan ko siya. Walang lola-lola sa dagat-dagatang apoy!

"Hayst. What a life. Akala ko pa naman magiging happy ending 'to. Tragic pala."

Baka ang perpektong katulad ko ay hindi deserving ng perpektong ending.

Lumalabo man ang paningin ko, matalas pa rin naman ang pandama ko.

"Kung ganito lang pala ang paraan para magkita tayo ulit, sana hindi na ako lumipad pa. Nagpaubos na lang sana ako ng dugo. Go, patayin mo na 'ko. Kung 'yan naman ang magpapagaan ng puso mo kasi na-basted kita dati."

Hangal. Si lola ang nambasted sa kanya pero maigi na rin sigurong magpanggap bilang lola. Baka may katiting pa siyang love para sa akin este sa kanya.

Naku. Magkita lang talaga kami sa ibaba ng Earth! Sasabunutan ko pa siya! Karibal ko pala siya ha!

"Dami mo namang sinabi." Naupo siya sa tabi ko.

"Nasa 'yo ba ang katawan ko?" nanghihina kong tanong sa kanya.

"Pinagbibintangan mo na naman ako, ha!"

"Malay ko bang naaakit ka sa akin tapos kinuha mo pala ang katawan ko para maging souvenir."

Narinig ko ang tawa niya. Mukha ba akong joke?

"Naka-move on na ako sa 'yo?"

Tumaas ang kilay ko. Kalmutin ko kaya siya?

"Weh? Kahit konti? Di mo na ko love?"

Hindi ko narinig ang sagot niya. Hindi ko na rin makita kung umiling ba siya o tumango.

Sana naman sabihin niya na mahal niya ako. Ako pa sasaksak sa sarili ko. Mamatay lang akong nakangiti.

"Di ba sabi ko sayo, kapag nakita kitang lumilipad, papatayin kita?"

"Alam ko 'yon pero 'wag ka. Hindi ako nakalipad ngayon. Kaya hindi mo ako mapapatay."

"Mamamatay ka lang mag-isa."

Half Gone MissingWhere stories live. Discover now