1: Her Life

17 5 3
                                    

Narinig ko mula sa pangmatalinong chismisan na ang tunay na anyo ng tao ay may apat na kamay, apat na paa at dalawang puso. Pinaghati lang iyon sa dalawa. Kaya nasa paglalakbay ang kasalukuyang tao para hanapin ang "other half" nila.

So, ano ako ngayon? One-fourth?!

Isang linggo na akong naglalakbay sa himpapawid. Ang akala lang ng iba, isa akong malaking ibon. Sugatan pa nga raw na ibon.

Mali sila.

Hindi ako ibon. May pakpak lang ako. Mas lalong hindi ako eroplano. At hindi rin ako si superman!

Ang tumutulong dugo sa akin ay mula sa nakalantad kong lamang-loob. Punyemas! Ubos na ang dugo ko. Nilalamig na rin ang sikmura ko. Ang literal kong sikmura.

Baka tatlong oras na lang ang ilagi ko sa mundo na ito.

Malas naman ng Earth. Mababawasan  ng maganda.

Hindi bale. Gagamitin ko na lang ang oras na ito para magnilay at magsisi sa mga kasalanang nagawa ko.

Kahit na alam kong perpekto ako at hindi nagkakamali.

Nangangalay nga lang.

Sinikap kong bumaba sa isang liblib na eskinita. Walang kwentang pakpak! Nanghihina na! Hindi bale. Mas maigi nga rin namang mag-stop over na. O dito na lang kaya ako—

Ang chaka! Ang baho!

Nakakasulasok ang amoy ng basura!

Pesteng mga tao kung saan-saan nagtatapon. Pero peste rin naman ako.

Kung saan ko lang kasi nilagay ang hating katawan ko.

Oo, tama. Kahit perpektong nilalang, natitisod rin paminsan-minsan. Kaya ito ako ngayon, nag-iisa. Naglalakbay sa gitna ng dilim. Lagi na lang akong— ops. Tama na. Baka ma-copyright.

Sinabayan ko lang naman ang kantahan sa hindi kalayuan. Infairness, nasa tono naman.

Nasaan na nga ba ako? Ah—oo. Nasa eskinita na.

Dahan-dahan kong isinara ang pakpak sabay sandal sa pader. Hinihingal ako. Para akong tumakbo sa isang marathon. Habol ko ang hangin sa baga.

Hindi lang pala natitisod ang perpektong tulad ko, nadadapa rin.

Naipikit ko ang mga mata ko. Tama nga sila. Kapag nasa hukay na ang isang pakpak (hindi applicable sa akin ang paa kasi nga nawawala ang ibabang bahagi ng katawan ko!), maaalala mong bigla ang buhay mo.

Mula sa araw na pinanganak ako hanggang sa sandaling pinagdesisyunan kong ialay ang sandali ko para sa huling paglipad.

Hindi naman talaga ako ganito dati pa. Isa akong maarteng bata. Manila girl kung tutuusin.

Kung hindi lang nadamay ang bahay namin sa road widening echos ng gobyerno, baka conyo ako ngayon.

Ipinatapon tuloy ang pamilya pabalik sa probinsya namin. Doon kami nanirahan kina lola. Sa una, maayos naman. Maraming pagkain. Halos hindi na ako matablan pa ng UTI dahil sa araw-araw kong pag-inom ng buko juice. Subject nga lang ako para sa hypertension dahil sa balut.

Mabalik nga sa aking lola. Noong makita ko siya, hindi ako makapaniwala sa edad niya. Ang sabi ng nanay ko, nasa saisenta (60 yon) na ang lola pero mukhang nasa treinta (30 naman) siya!

Ang kinis ng balat niya. Maputi pa! Walang bahid ng kulubot. Parang allergic pa sa kanya ang lamok!

Nahiya tuloy ang mukha ko kahit na magkamukha kami.

Papasa na kaming kambal! Mukha nga akong ate pa niya.

Sikat ang lola ko sa probinsya. Akala ko dahil mala-diyosa ang dating niya. Iyon pala sa ibang dahilan.

Isang gabi, pinagsuot ako ng nanay ko ng isang itim ba bestida. Maingat rin niyang sinuklay ang buhok ko. Ilang beses niya akong hinalikan sa noo.

Nga pala, wala na ang tatay ko. Sumakabilang ano na. Ayoko na lang banggitin.

Going back, may iniabot nang sapatos sa akin si nanay. Nang maayos na ang kolorete sa mukha ko, hinatid niya ako sa kwarto ni lola.

Madilim sa loob. Tumalon pa ang mga balikat ko dahil sa biglang langitngit ng pinto.

Nang maitapak ko ang mga paa sa kwarto, namangha ako. Saksi ang mga mata ko sa ganda ng mga kandila. Isa-isa itong sumiklab at animo'y maliliit na punong sumasayaw sa himig ng hangin.

Kahit wala naman talagang hangin. Or judgmental lang ako? Kasi hindi ko naman alam kung may electric fan sa loob.

Huli ko nang nalaman na madalang nga pala ang kuryente rito.

Nang magkaroon ng munting liwanag sa kwarto, naaninag ko na ang pigura ng aking lola. Malinaw sa paningin ko na papasa nga talaga kaming kambal. Magkaparehas ba naman ang damit naming dalawa!

Pinanuod ko ang paglapit sa akin ni lola. Pagkatapos, hinawakan niya ang mga kamay ko. May inilagay siya sa palad ko. Bago ko pa man makita, pinagsaklob na niya ang kamao ko.

Nakapa ko ang tigas n'on. Maliit lang din. Papasa na sa size ng barya. Hindi ko lang makumpirma kung bato ba ito o ano.

Humigpit ang kapit sa akin ni lola kaya bumalik ang atensyon ko sa kanya.

"Apo, ikaw ang napili ko upang bigyan ng regalo na walang humpay na kabataan."

O...kay? Ano 'to, lola? Care to explain?

Half Gone MissingWhere stories live. Discover now