2: Her new life

12 4 3
                                    

Shemay. What is happening to me?

Bago ko ipagdiwang ang sarili ko dahil sa english na sinabi ko, inuna ko muna ang nangyayari ngayon. Shems! Habang hawak ko pa rin ang bigay ni lola, may ipinapahid siya sa akin na langis.

Amoy ko ang dagat. Sa aroma pa lang, ang alay na. Nangingiwi ako dahil may gana pang tumambay ang amoy sa ilong ko!

"Lola, ano pong—"

"Manahimik ka muna."

Okay. Masunurin naman akong apo.

Halos buong katawan na ang pinahiran niya ng langis. Nailang ako kaunti dahil pati ang kasingit-singitan ng katawan ko ay hindi niya pinalampas. Nauuna ang hiya ko pero kinurot lang niya ako.

Walang duda. Lola ko nga ito.

Ilang sandali ang lumipas, may ipinainom siya sa akin. Mukhang tubig naman dahil walang lasa at amoy— lintek!

Napaluhod ako. Nanginginig ang tuhod ko. Parang kusa na lang gumalaw ang katawan ko para isubo ang ipinahawak sa akin. Tutol man ang diwa ko, tila may sariling desisyon ang isip ko.

Naisubo ko ang bagay na iyon...

At sumigaw ng darna! Charing.

Iba ang nangyari sa akin.

Pinakiramdaman ko ang kalamnan. Mas nanginginig iyon.

"Lola! Tulong! Ang sakit!"

Ibinaba ko na ang pride ko. Akala ko strong girl ako pero hindi ko talaga kaya ang kirot na umiikot sa buong katawan ko!

Imbis na tulungan pa ako ni lola, nakatingin lang siya sa akin.

Humanda ka sa aking hukluban ka! Maitayo ko lang ang sarili ko, isusubsob kita!

Nakatuon lang sa akin ang mga mata ni lola. Hinihintay ko naman ang pagkilos niya pero manhid ang loko! Ayaw akong tulungan!

"Ahhh!"

Dumaing na naman ako sa sakit. Ano bang nangyayari sa akin?!

Lumalakas ang kirot na may kasamang hapdi. May nakasentro na ang sakit sa aking likod. Parang may tutubo na kung ano.

Nanlalabo na ang paningin ko. Nauubos paunti-unti ang lakas ko.

Narinig kong bumulong si lola kaya pinanlisikan ko siya ng mga mata.

"Galingan mo sa paglipad, munting agila."

Ang huli kong nakita ay ang pagbagsak ng katawan ni lola. Samantalang nanumbalik naman ang lakas ko.

Sinubukan kong bumangon. Ang gaan ng pakiramdam ko. Promise!

Tatayo na sana ako nang may marinig akong lagaslas. Parang galing iyon sa likod ko— punyemas! May pakpak ako?!

Hindi lang iyon!

Kung ako, tuluyan na akong nakatayo eh pero nang tingnan ko ang sahig...

May katawang nakadapa.

Natutop ko ang labi.

It can't be! Shuta!

Ang baywang ko... hanggang sa mga paa...

Nanlilisik ang mga mata ko sa bangkay ni lola.

"Bakit ginawa mo 'kong manananggal?!"

Half Gone MissingTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang