Dahan-dahan niya hinawakan ang kamay at pinapakita pa niya ang magkahawak naming kamay. "Yup, he's my boyfriend, and I'm her girlfriend." Sabi niya sa mga ito.

"Ang ganda naman pala ng girlfriend mo Christian. Hindi mo dapat 'yan tinatago, dapat pinapakilala mo." Tugon ng isa sa kasamahan namin.

"What's your name?" Tanong ni Ace. "My name is Rifah." Agad na sagot ni Rifah. "So tell me about you guys. I'm interested to know kung kailan kayo nagkakilala, pa'no naging kayo, and so on." Sabi pa ni Ace. Nagtinginan kami ni Rifah dahil hindi naman 'to napaghandaan.

Pero nakangiti pa rin si Rifah na mukhang nakahanda siyang sumagot. "Ano ba 'to, interview? Kasi kung interview 'to, we're sorry but we can't answer your question, because it's a private matter, and we kept our relationship private. Hope you understand." Kalmadong sagot niya at napatango naman si Ace na mukhang naintindihan naman niya.


Pero biglang dahan-dahan na hinawakan ni Rifah ang dibdib ko na parang pinapakita niya kung gaano kami ka-sweet. "But one thing you should know, I'm the luckiest girl in this world. Sobrang swerte ko dahil si Christian ang naging boyfriend ko, sobrang sweet and caring niya sa akin." Hinahaplos niya ngayon dibdib ko.

Pinipilit ko naman ngumiti para makasabay sa kanya, kahit wala ito sa script namin.

Nakita kong ngumiti si Kit. "Sure you does. Because Christian is the kindest and thoughtful person I ever know." Tugon niya na parang masaya nga siya para sa amin.

Lumapit sa akin si Ace at inakbayan niya ako kaya binitawan ako ni Rifah. "My man...never thought may napaka-ganda kang girlfriend...binu-bully pa naman kita noon. So sorry mate." Ginugulo niya ngayon ang buhok ko.

Lumapit si Kit. "Don't forget, may deal kayo, and witness kami no'n. Kaya tigil-tigilan mo na ang pag-iisip sa kanyang he's gay, because he's not." Tumango naman si Ace. "Yeah I know. Mukha lang akong pasaway, pero marunong akong tumupad sa pangako ko." Hinarap niya ako at nag abot ng kamay.

"Welcome to the team bro. From now on, no bully." Hinawakan ko naman ang kamay niya. "Thank you." Parihong may ngiti sa labi namin.


Mula nong pinakilala ko ngayon si Rifah as my girlfriend, naging mabuti na ang turi nila sa 'kin. Hindi nalang si Kit ang nag training sa akin, kundi pati na si Ace at iba pa naming kasamahan.

Naging supportive naman ang mga kaibigan ko at si Rifah, nasa gilid sila nanonood at pumapalakpak pa kapag naka goal ako sa laro namin.

Sinasama na ako ng buong team sa usapan at kulitan nila, pero kami lang din minsan ni Kit ang nag-uusap dahil medyo naiilang pa ako sa sobrang ingay ni Ace, lalo na kapag magtawanan sila ang lalakas.

Hindi na nila ako tinuring malamya at mahina, pinapalakpakan na nila ako at binibigyan pa ng advice. Ganito pala kapag hindi ka naiiba sa kanila 'no. Hindi mo maranasan ang discrimination at bully.

Kaya lang, parang sinasaktan ko naman ang sarili ko, dahil lumalala lang ang pagkukunwari ko. Baka sa kagustohan kong makaiwas sa pang-aasar nila masanay naman ako at tuloyang makalimutan kung sino talaga ako.


Pagdating ng hapon ay nagpahinga na ang lahat dahil tapos na ang training. Magkasama kami ng buong team dito sa field, nakaupo, nagpapahinga at pinagpapawisan ang lahat.

Bigla akong nilapitan ni Rifah, umupo siya sa harapan ko at dahan-dahan niyang pinunasan ang pawis ko, kaya parang naghihiyawan ngayon sa kilig si Ace at ng mga kaibigan niya.

Ipina-inom din sa akin ni Rifah ang dala niyang water bottle. Habang ginagawa niya ito ay sinusubukan ko naman tignan si Kit at nakita ko siyang parang sinusubukan niyang ngumiti, pero yumuko nalang siya.

Nag-uwian na ang lahat sa team namin, kami nalang ni Kit ang magkasama ngayon at sumabay na siya sa amin ng mga kaibigan ko palabas dito sa sports complex. Naging tahimik lang kami, wala masyadong nag-uusap, siguro naiilang dahil nandito si Kit.

Pagkalabas namin ng campus ay nauna na si Kit dahil dumating na ang sundo niya. Sinigurado muna naming makalayo ang kotseng sinasakyan ni Kit bago kami magsigawan ngayon. "We did ittt!" Sigawan namin nagyakapan.


Nang makauwi na kami sa kanya-kanya naming bahay ay nag-usap-usap pa rin kami sa Instagram.

  INSTAGRAM
christian.lake added rifahcardino_ to the chat.

christian.lake
maraming salamat sa tulong niyo guys much appreciated

hweblastmanstanding
your welcome dzai

rifahcardino_
your welcome and thank u sa pag add dito
grabe naloka talaga ako kanina haha diko akalaing nagawa ko yon

jasonchixx
hinayopak na ace nayon girlfriend lang pala magpabago sa isip niya

help pinagalitan ako ni lola bakit ko daw kinuha mga damit niya bakla badaw ako huhu

rifahcardino_
sabihin mo don't worry la soon po lalantad din ako hahaha

Tawang-tawa ako sa palitan namin ng messages ngayon ng mga friends ko, lalo na dahil nandito na si Rifah sa group chat namin.



Umagang-umaga nag message sa 'kin si Kit na sabay na kami. Kaya nandito kami ngayon sa school bus, magkatabing nakaupo at nakikinig pa rin kami ng music habang nakatingin sa labas ng bintana.

Nakakatuwa na wala namang nagbago sa amin kahit alam niyang may girlfriend ako. Gaya ng dati nag-uusap pa rin kami, nagbibitaw pa rin ako ng jokes at soft and calm pa rin siya makipag usap sa 'kin.

Pagkadating namin sa HA ay naghihintay sa labas ang ilan sa Bravo Team kasama na do'n si Ace. "Hello mates..." nakangiting pagbati ni Ace at agad niya akong inakbayan. Magkasabay kami ngayon na pumasok ng campus.

Nakita ko ang gulat sa mukha ng mga kaibigan kong nakaupo sa bench nang makita nila akong kasama sila Ace. Nakita ko pa ang asar sa mukha ni Hweb dahil hindi kasi sila magkasundo ni Ace. Pero wala namang naganap na gulo, sumunod pa rin sila sa amin sa likod.


Gulat na gulat pa ang mga classmates ko nang ihatid kami ng Bravo Team sa classroom, kahit nakakagawa ng gulo ang mga ito ay sikat pa rin sila sa campus dahil sa mga countless nilang panalo sa laro, kaya nagpa picture ngayon ang mga classmates ko sa kanila, lalo na kay Kit na halos dinudumog na.

Naninibago pa rin ako dahil sobrang close ko na ngayon ang Bravo Team, kung dati ang iinit ng ulo ko sa kanila lalo na kay Ace, ay mukhang nakalimutan ko na ang mga 'yon at nakipag sabayan ako sa kanila. Siguro dahil napatawad ko na sila, hindi naman kasi ako marunong magtanim ng sama ng loob.

Kahit sa recess at lunch time ay pinupuntahan ako ng Bravo Team sa classroom para sabay na pumunta sa cafeteria. Habang naglalakad sa campus ay ang iingay nila ni Ace, samantalang madalas naman kaming nag-uusap ni Kit sa likod nila.


Habang kumakain kami dito sa cafeteria ay nasa kabilang table naman sina Jason at Hweb. Kanina pa sila nakatingin sa amin at sinusubukan ko naman silang tignan, nagbakas ang lungkot sa mukha nila.

Gusto ko silang i-approach, pero hindi nila ako pinapansin. Sa tuwing kinakausap ko sila ay nag ce-cellphone lang sila. Iniiwasan nila ako buong klase. Mag-isa ako sa table ko at nando'n sila kina Fril, Eff at Rene nakipag-chikahan.

I just feel left out. Pero naisip kong 'yon din siguro ang naramdaman nila kanina habang kasama ko ang buong Bravo Team.




Boyfriends Season 1 | Heartful Academy 2Where stories live. Discover now