Agad itinulak ni Kit si Ace. "Hindi ba sabi ko sa inyong huwag na huwag kayong makalapit sa kanya! Touch him again and there will be chaos!" Ramdam ko ang matinding galit ni Kit habang nakakuyom pa ang kamao niya at tinitigan si Ace

Hindi makapagsalita si Ace at nakatingin lang sa 'kin at nangangalit niyang mukha. Susugorin niya sana ako ulit pero muli siyang itinulak ni Kit para makalayo. "Kit hindi mo ba nakikitang nilalandi ka n'yan!" Tugon ni Ace habang nakaturo sa 'kin.

"Anong pinagsasabi mo?" Seryosong nagtanong si Kit.

"Eh bakla 'yan eh! Nagbabasa ng pang-baklang libro!" Kahit sinisiraan na ako ni Ace ay nakuha pa rin ipagtanggol ni Kit. "Eh ano naman ngayon kung nagbabasa siya ng ganun! It's still work of literature and obviously part of art! So it must be appreciated, just like Christian do!" Natahimik ang lahat at may iba pa sa kasama ni Ace ang napapatango.

"Ngayon kung 'yon lang ang basehan mo para tawagin siyang bakla, you better shut your mouth." Dagdag pa ni Kit. Akala namin ayos na pero dali-daling lumapit sa 'kin si Ace at agad niya akong itinulak kaya nadapa ako ngayon sa field.


"Basta hindi ko hahayaang dudumihan ng baklang 'yan ang pangalan ng team natin! Magiging pabigat lang 'yan sa bawat laro natin, dahil malamya 'yan!

Hindi na pinatulan ni Kit si Ace dahil mas inuna niya akong tulongan. Hinawakan niya ako sa likod at ginabayan ako sa dahan-dahan na pagtayo. Nakatingin ako ngayon kay Ace. "Ano bang kailangan kong gawin para hindi mo na ako pag-initan?" Tanong ko.

Bigla siyang ngumiti. "Simple lang. Patunayan mong hindi ka bakla." Ilang minuto din akong natahimik at pinag-iisipan ang isasagot. "Para matigil na 'to, papatunayan ko sa 'yong hindi ako bakla. May girlfriend ako." Sagot ko at natahimik ang lahat.

Halos mapanganga sila sa gulat. Maging si Kit na nakahawak sa likod ko ay dahan-dahan akong nilingon. "I-Is it true?" Naging mababa ang tuno ng boses niya na parang may halong gulat at lungkot.

"Ayon naman pala." Ngiting sabi ni Ace. "Pero patunayan mo munang totoo ang sinasabi mo. Dalhin mo siya dito, at tsaka kami maniwala sa 'yo." Dahan akong tumango. "S-Sige, isasama ko siya dito." Sagot ko.

"Bukas mismo." Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "Bukas? As in bukas?" Parang nagtaka siya. "O bakit gulat na gulat ka? Huwag mo sabihing hindi totoo?" Parang matatawa na siya kaya umiling ako. "Totoo ang sinabi ko. Medyo nagulat lang ako dahil may training pa pala bukas." Palusot ko.

"Yes, ganyan kahirap maging student athlete. Walang pahinga-pahinga, kahit weekend pa 'yan." Lumakad na siya paalis at sumunod naman ang mga kaibigan niya. "Basta dalhin mo siya bukas." Sabi pa niya kahit nakalayo na.


Nanatili kami dito ni Kit sa kinatatayoan namin, tahimik at hindi alam kung anong sasabihin. Dahan-dahan niya akong nilingon. "Let's go. Uwi na tayo." Sabi niya at tumango naman ako.

Habang naglalakad ay kanina ko pa tinitignan si Kit, kahit hindi niya sabihin ay parang nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya. "About what you said. Is it true? Na may girlfriend ka na?" Tanong niya.

"Y-Yeah." Bigla niya akong inakbayan. "Congrats then. She must be lucky na ikaw ang naging boyfriend niya..." nakita ko ang ngiti sa mukha at pinilit ko namang tumawa para hindi halatang nahihiya ako sa pagsisinungaling ko.



Habang nagbabike ako ngayon sa malawak na street ng Goldenwoods ay nakakaramdam ako ng lungkot. Ngayon lang 'ata akong dumaan dito na may lungkot sa mukha. Pakiramdam ko may luha ang nagbabadya sa mga mata ko, pero pinipigilan ko naman na pumatak.

Nalulungkot ako dahil kailangan ko na naman mag panggap. Bagong pangpapanggap na naman ang gagawin ko. At sa gagawin kong ito, siguradong lalayo na ang loob sa 'kin ni Kit.

Nagagalit na lalong lumalala ang hindi ko pagpapaka-totoo.

Pagkauwi ko sa bahay ay agad ko na naman niyakap si Mama. "You can cry if you want, my Bunsoy." Niyayakap din ako ni Mama. "I don't want to cry, I just want a comfort..." pero gusto ko na talaga lumuha, pinipigilan ko lang.

Nang mag-gabi na ay kasama ko dito sa kwarto ang mga kaibigan kong sina Jason at Hweb, pati rin si Rifah. Pinapanuod pa rin namin ang thai bl series na gusto ni Rifah dahil hindi nga namin 'to natapos nong pumunta siya dito.

Magkatabi kami ni Rifah at nasa kabilang side din niya sina Jason at Hweb na magkatabi at kanina pa nagpipigil kiligin sa pinapanood. Habang tahimik naman ako at nag-iipon ng lakas ng loob na sabihin sa kanya ang kailangan kong sabihin.


Nang makahanap ng tamang tyempo ay pinatay ko na ang tv. "Why did you turn it off?" Gulat na sabi ni Rifah. Umupo ako sa harapan nila habang nakasandig sila sa kama. "I have something important to say."

"What is it?" Tanong ni Rifah. Nilingon ko muna ang mga kaibigan ko at tumatango sila na parang nais nilang iparating na kailangan ko na sabihin. Bumuntong hininga muna ako. "Rifah, can we pretend as girlfriend and boyfriend?"

"What?!" Inasahan ko na ang reaction niyang ito na halos mahulog pa ang baba sa gulat. "Okay I know it seems funny, but I need your help. My team mates kept bullying me dahil bakla daw ako...kaya para tigilan na nila ako, I said na may girlfriend na ako. And you know naman na ikaw lang ang matagal ko ng kaibigan na babae, so I was hoping that you could help me."


Sandaling nagkaroon ng katahimikan at parang walang may balak magsalita. Kumalma si Rifah at nakatingin pa rin siya sa 'kin. "Bakit naman magpapa-apekto kung hindi totoo." Natigil siya. "Wait. Not unless, totoo?" Inilapit niya sa 'kin ang mukha niyang parang gusto ngumiti.

Hindi ako nakasagot. Pinili ko nalang ngayon ang tumayo at pumunta sa drawer na nasa gilid ng kama ko. Binuksan ko ang isang cabinet sa drawer ko at may kinuha. Bumalik ako sa harapan nila na hawak ang mga libro ko sa Heartstopper. "I'm proud to say to you that, I'm a bisexual."

Napatakip sa bibig si Rifah at nang alisin niya ang kanyang kamay ay nakita ko ang ngiti sa kanyang mukha at parang gusto pa niyang lumuha. "C-Come here, I wanna hug you..." nilapitan namin ang isa't isa at agad na nagyakapan.


"Hindi mo kailangan mag pretend sa akin, because I'm an ally, support ako lagi sa lgbt...because you guys give colors to this world, kaya nga rainbow ang flag natin 'di ba..." habang sinasabi niya 'yon ay niyayakap niya ako ng mahigpit.

Hinahawakan niya ang likod ko para palakasin ang loob ko dahil pa-iyak na ako. "I'm just scared to come out...but thank you for accepting who I am..." matapos namin magyakapan ay tinignan niya ako. "Thank you also for telling me."

Napalingon kami sa gilid nang biglang nagtaas ng kamay si Hweb. "I, also a bisexual." Dali-dali siyang lumapit sa amin at nagyakapan pa kaming tatlo. Nilingon namin si Jason. "Umamin ka na bakla..." sabay tawa ni Hweb.

Itinaas ni Jason ang kanyang kamay. "I'm an ally..." lumapit siya sa amin at sumali sa yakapan. "We're a squad of gays, and I love it..." nagtawanan kami sa sinabi ni Rifah.




Boyfriends Season 1 | Heartful Academy 2Where stories live. Discover now