i never know this band before but because of you i meet them nakaka in love mga kanta nila hehe

kit.smith
thank you, ikaw din ganda ng taste mo sa libro, tignan ko ngayon ang mga post mo and dami mong book sa bookshelf

christian.lake
awww thank you


Habang nag-uusap kami ay kanina pa ako dito napapatakip sa bibig at pinipigilang sumigaw dahil sa kilig ko na hindi lang pala siya sa personal sweet pakinggan, kundi pati sa chat.

Biglang may nag pop up sa screen ko.


  INSTAGRAM
kit.smith followed you.
kit.smith liked your post.


"Ahhhhhhhhh!!! Am I dreaminggg??? Jusko mahimatay 'ata ako sa kiliigggg!!!" Nagtalon-talon na ako dito sa kama.

I never though na ganito pala ako kiligin sa kanya, I never feel this to anyone before. Kit Smith really hits different.



Pagkaumaga wala ng mas sasaya sa akin ngayon. Lumabas ako ng kwarto na kumakanta pa ng Daylight ni Taylor Swift. Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Mama pero hinayaan lang niya ako. Hanggang sa shower ay napapakanta pa rin ako.

Pagtapos ko magbihis ng uniform ay kumain na ako sa lamisa kasama si Mama. "Anak daig mo pa ang namumulaklak nating rosas sa back yard sa sobrang blooming mo ngayon, sino ba nagpapakilig sa 'yo 'nak?" Tanong ni Mama. "Si Rifah ba?"

Umiling ako. "Hindi po Ma. Pero iba ang saya nadulot niya sa akin." Napangiti ako ngayon. "Well kung ganun ipakilala mo naman sa amin, nang mapasalamatan ko dahil napasaya ka niya ng ganito..." hinaplos pa ni Mama ang pisngi ko. "Soon po Ma." Sagot ko.

Lumabas na ako ng bahay at nandito na sa front yard. Tinignan ko ang phone ko nang biglang tumunog ang notification. Napangiti ako nang makitang message ito ni Kit.


  INSTAGRAM
kit.smith

good morning

christian.lake
good morning too

kit.smith
a bus is coming on your way


Nagtaka ako sa sinabi niya kaya napalingon ako sa paligid at napangiti ako nang makita ang isang school bus na mapapalapit. Hindi ko na siya nareplyan at agad na ibinalik sa bulsa ang phone.

Pagkahinto ng school bus ay dali-dali akong sumakay at naging abot tenga pa ang ngiti ko nang makita si Kit na nakaupo malapit sa likod. Agad akong lumapit. "Hi..." magkasabay naming pagbati habang nakangiti.

"I save a set for you." Nakangiti niya 'yong sinabi habang nakatingin sa mga mata ko. Dahan-dahan naman akong tumabi sa kanya.

"Want to listen a song?" Tanong niya at agad akong tumango. "Yeah, I'd like to..." sagot ko.

Inilabas niya ngayon ang earphone niya na nakasaksak na sa kanyang cellphone. Maingat niyang inilagay sa tenga ko ang kabilang side ng earphone habang nakatingin kami sa isa't isa. Nakita ko siyang nag scroll sa Spotify at Hollow Coves playlist ito.

Nang tumugtog ang kanta ay agad akong napangiti dahil sa ganda ng intro na tunog palang ng gitara. "What's the title?" Nilingon niya ako. "It's Evermore." Ngumiti siya.

Habang bumibyahe ang school bus ay nakikinig lang kami ng kanta habang nakatingin sa labas ng bintana at sinusubukan naming tignan ang isa't isa.


Boyfriends Season 1 | Heartful Academy 2Where stories live. Discover now