"Pero Coach—" aangal sana si Ace pero natigilan siya nang magkamot sa ulo si Sir. "Walang pero-pero. Mukhang ayaw niyo magtanda sa akin, kaya do'n na kayo haharap kapag gumawa pa kayo ng gulo."

"Eh Coach paano po ang team namin? Paano pag napaalis kami?" Tanong ng isa nilang kasamahan. "Sana inisip niyo 'yan bago kayo magpasaway. And believe me, wala akong gagawin kapag natanggal kayo sa list of team."

Dahil sa sinabi ni Sir ay marami sa team ang napailing-iling ng ulo. Meron din napakamot sa ulo at isinisisi lahat kay Ace. "Kasalanan ito ng grupo niyo Ace eh, kung hindi kayo nagmamayabang hindi sana kami madamay dito..."

Tinatawanan lang sila ng mga kaibigan ko.

Kung sila nagsisihan at namomoblema ay nanatiling kalma naman si Kit at dahan-dahan pa akong tinitignan habang nakayuko ang ulo niya. Nakita kong sinusubukan niya ngumiti sa akin, kahit sinusubukan ko din ngumiti ngayon.


"But I'm not done." Natigil ang lahat nang magsalita si Sir. "Sino sa kanilang tatlo ang nanugod dito?" Tanong niya na biglang nagpakaba sa akin. Agad akong itinuro ng ilan sa kanila.

"P-Pero Sir, like I said pinagtanggol ko lang ang kaibigan ko..." halata sa tuno ng boses ko ang kaba. "It stated on the rules na bawal manakit ang isang HA student kapag wala siya sa territory o building niya. And clearly nasa Sports Society ka. At pagdating sa rule na 'yan, strict ang Sports Society." Seryosong wika sa akin ni Sir.

Ako naman ngayon ang tinawanan ni Ace. Inirapan ko lang siya ng mata.

Napabuntong hininga ako. "Okay Sir. Tatanggapin ko po ang magiging punishment niyo sa akin." Nanlaki ang mga mata ng kaibigan ko. "What?! Christian no!" Hinawakan ko lang ang kamay ni Hweb para mapakalma siya.

Ayaw ko na nang maraming salita kaya tatanggapin ko nalang ang maging punishment ko.


"Christian, ayaw kitang pahirapan pa, at wala akong ipapagawa sa 'yo. Instead I will give you a low grade in my subject of Physical Education. Automatic kang bagsak sa klase ko this semester."

Nanlaki ang mga mata ko at ganun din ang mga kaibigan ko. "Ano! Sir hindi naman pwede 'yon!" Agad ako napatayo. "Just because nasapak ko ang isa sa athlete niyo ibabagsak niyo na ako! Sir kahit ano nalang po ang ipagawa niyo sa akin...kahit ipalinis niyo ako ng banyo, o ikulong sa office, okay lang Sir, huwag niyo lang po ako ibagsak..." halos nagpakaawa ako sa harapan ni Sir.

"Sorry Christian, but my decision is final." Talagang ipinagmukha sa akin ni Sir ngayon na wala na akong magagawa, kahit umiyak pa siguro ako ng dugo sa harapan niya hindi na magbabago ang decision niya.

Bumibigat ngayon ang dibdib ko dahil ano nalang ang sasabihin sa akin ng mga magulang ko, na bumagsak ako dahil nakipag away ako. May nagbabadya ng luha sa mata ko.


Dahan-dahan akong napalingon sa likod nang makitang tumayo si Kit. "Coach I have something to suggest." Biglang tugon niya. "What is it Kit?" Tanong ni Sir.

"Coach huwag niyo po siya i-bagsak. Instead I suggest, to have him in our team.

Nagulat ang lahat sa sinabi niya, pati ako ay halos mahulog na ang baba sa gulat. Nag react ang lahat ng kasama niya sa team. "What?! No! Kit, hindi natin siya kailangan sa team! Hindi natin kailangan ng malamyang katulad niya!" Umangal si Ace.

Hinarap ni Kit ang team. "Didn't you all notice? Tayo lang ang team sa Football Community na 14 lang ang members. We should be 15 too, and Christian would complete us."

Sandaling natahimik ang paligid, walang nagsalita at nagbulong-bulongan nalang ang iba. Nilingon ko si Kit. "Huwag na Kit, hindi ako marunong sa bagay na 'yon, baka hindi lang ako makasabay sa inyo at maging abala pa ako. Tatanggapin ko nalang siguro na babagsak ako." Naging mababa ang tuno ng boses ko dahil sa lungkot.

"No. Akong bahala sa 'yo, tuturoan kita." Sagot niya. Umiiling lang ako dahil ayaw ko talaga. "Sige ganito nalang. Why don't you give it a try, alam kong kaya mo. Now if ayaw mo na, pwede ka mag quit. Kahit temporary lang, ang importante hindi ka babagsak." Nakatitig pa rin siya sa mga mata ko.


"Kit, malaking adjustment ang suggestion mo. And besides we don't have much time para turoan siya, malapit na ang City Sports Tournament." Si Sir na mismo ang umangal sa suggestion niya.

Napanganga ako nang biglang hinawakan ni Kit ang braso ko. Naririnig ko ngayon ang bumibilis na tibok ng puso ko nang hawakan niya ang braso ko at dahan-dahan niya akong isinama sa harapan ni Sir.

"Coach, I'm not just concern sa grade niya. But also with him." Dahan-dahan niya akong nilingon. "He's the most kindest and sweetest person I've ever known. Protecting people you love was the bravest thing. At 'yon ang pinapakita niya kanina." Parang kasing lamig ng hangin pakinggan ang boses niya dahil sa napaka-kalma niya magsalita.

Si Sir naman ngayon ang nilingon niya. "Coach, that's what we need in our team, the brave one."


Habang binibitawan niya ang mga salita na 'yon ay nakatingin lang ako sa mga mata niya. Hindi ko napigilang ngumiti habang nakatitig ako sa kanya.

Tinignan ko ang braso kong hinawakan niya. Ito ang unang beses na hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko.

Nilingon namin si Sir nang umayos siya sa pagkaupo. "Sige, pumapayag na ako." May ngiti sa labi niya.

Nakita ko ang tuwa sa mukha ni Kit, kaya kahit hindi ako sigurado dito ay ngumiti pa rin ako. Mayamaya ay bigla niya akong niyakap. Nanlaki ang mga mata ko nang gawin niya 'yon. Halos lahat 'ata ng kasama namin dito ay nagulat sa pagyakap niya sa akin.

Ito ang unang beses na niyakap niya ako, kaya dinamdam ko talaga ang yakap niya, dahan-dahan ko hinawakan ang likod niya. Naririnig ko pa ang mga tibok sa puso namin dahil nagkalapit naming dibdib.

Dahan-dahan niya itinigil ang pagyakap sa akin. "Welcome to the team." Ngumiti naman ako sa sinabi niya. Speechless pa rin ako dahil sa saya ko ngayon na first time niya ako niyakap.




Boyfriends Season 1 | Heartful Academy 2Where stories live. Discover now