I check my Instagram, pero pariho silang hindi online. Nag message pa rin ako sa group chat namin.

  INSTAGRAM
nasan kayo?

Wala ni-isa sa kanila ang sumagot, kaya minabuti ko nalang ang maglakad-lakad muna dahil baka nauna na sila or nasa paligid lang. Mayamaya ay natigil ako nang makita sa hindi kalayoan sina Jason at Hweb na mukhang pabalik dito sa entrance area.


Dali-dali ko silang nilapitan. "Mabuti binalikan niyo pa ako dito, akala ko nasa room na kayo." Nabura ang ngiti ko nang makita ang pasa sa mukha ni Hweb. "Ano 'yan? Suntok ba 'yan?! Sinong may gawa sa 'yo n'yan!" Hindi ko napigilan ang magtaas ng boses.

Pilit nilalayo sa 'kin ni Hweb ang mukha niya. "W-Wala 'to, tumama lang sa poste." Halatang nagsisinungaling siya. Naging malalim ang buntong hininga ko. "Mga Bravo Boys ba?" Hindi siya makasagot, sa inis ko ay dali-dali akong lumakad at sumunod naman sila.

"Christian wala nga 'to, tumama lang ang mukha ko sa poste dahil hindi ako tumitingin..." nagpapaliwanag pa rin si Hweb habang nakasunod sila sa likod ko. "Stop it Hweb! Ikaw ang nagturo sa akin maging matapang, tapos ngayon nasuntok ka lang nawala na ang tapang mo!" Mabilis ang lakad ko habang galit na galit.

"Christian hindi natin sila, marami sila tatlo lang tayo!" Hirit naman ni Jason. Hinarap ko sila. "So tama nga ako. Bravo Boys nga ang gumawa nito. Nasa'n sila ngayon?" Nagpatuloy ako sa paglakad. "N-Nasa Sports Society." Sagot ni Hweb.

"Hindi na ako makakapayag na saktan nila kayo! Ilang beses niyo na akong pinagtatanggol, ako naman ngayon." Habang sinasabi ko ito ay dumidiin pa lalo ang mga nakakuyom kong kamao, lalo akong nanggigigil na makaharap sila.



Narating na namin ang Sports Society na nasa pinakadulo pa ng HA campus at halos napahiwalay pa sa ibang buildings dahil exclusive for athletes ito, dito ginaganap ang mga activities nila like training and sports contest.

Wala namang gate at pwede pumasok sa malawak na front yard. Nakita namin ang isang staff na babae na nasa loob ng counter na nakapagitna dito sa malawak na hallway. Agad kaming lumapit. "Nasa'n ang mga Bravo Boys?!" Galit akong nagtanong, bagay na ikinagulat niya.

"Y-You mean, the Bravo Team? Nasa office pa sila ng coach nila, mamaya lalabas din 'yon." Matapos lang niya sabihin 'yon ay napalingon na siya sa isang hagdan na nasa gilid. "Ay nandyan na pala sila..." nakaturo siya sa mga ito at sobrang dami pala nila, hindi ko inasahan 'to.

Pero ang gulat ko nang makitang madami sila ay muling napalitan ng galit nang makita ko si Ace na sobrang yabang pa naglalakad dito sa hallway. Dali-dali akong lumapit at agad kong sinapak ang ulo niya at dinagdagan ko pa ng suntok sa mukha, kaya tumilapon siya sa mga kasama niya.

"Damn fucking you! Sa susunod na saktan mo pa ang mga kaibigan ko, hindi lang 'yan ang aabutan mo sa akin dahil ipapalibing talaga kita ng buhay!" Nanlilisik ang mga mata kong nakatitig sa kanya.


Gustong-gusto ko pa siya suntokin sa nakakuyom kong kamao, pero hawak-hawak siya ngayon ng mga kasama niya sa team. "Hey bro bakit bigla ka nalang nanunugod? Umalis ka na dito..." sabi sa akin ng isa sa kasamahan nila.

"Umalis?! Pagkatapos saktan ng hayop na 'yam ang kaibigan ko, sasabihin mo lang na umalis ako! Eh kung ikaw kaya ang umalis sa harapan ko, kung ayaw mo masuntok!" Pinakitaan ko siya ng kamao kaya natahimik nalang siya at hindi na umangal.

Lalapit pa sana ako sa kanila nang biglang si Sir Oscar, ang teacher namin sa Physical Education. "Hey what's going here?" Sobrang seryoso ng tingin niya sa aming lahat.

Sasagot sana ako nang biglang nakita ko si Kit na bumaba ng hagdan suot-suot ang white short at white t-shirt nilang jersey, hindi ako makapagsalita at parang nawala sa attention.

Nang makababa na siya dito sa hallway ay tsaka pa niya ako nakita, gulat na gulat din siyang nakita ako at dahan-dahan pang napangiti. "H-Hi..." tinitigan ko lang siya at gustohin ko man siya batiin pero hindi pa rin nawala ang inis ko sa ginawa ni Ace kay Hweb.


"I said what's going on here! Mga bingi ba ang mga tao dito?!" Halos nawala na sa isip ko na nandito pa pala si Sir Oscar. Nakita ko namang tumabi si Kit kay Sir at halata sa mukha ni Kit ang pagtataka sa kung anong meron.

Dahan-dahan na tumayo si Ace sa tulong na rin ng mga kaibigan niya. Lumapit siya sa akin ngayon na nagsasalubong ang mga kilay. "This stupid shit, just get in here and attacked me!" Halos mapaos siya sa diin ng pagkasabi niya.

Kahit ang tangkad niya ay nakuha ko pa rin ilapit sa kanya ang gigil na gigil kong mukha. "Huwag mong baliktarin, because you're the one started this!" Napakagat ako sa labi.

Natigil ang titigan namin nang biglang pumagitna si Kit at ipinaglayo kami. "Ano ba talagang nangyari dito?" Parang sinusubukan niya maging mahinahon sa pagtanong.

Pumagitna sa aming lahat si Sir Oscar. "Okay that's enough! All of you, to my office!" Nanlaki ang mga mata namin. "What?!" Halos nag react ang lahat, liban lang kay Kit na kalmado pa rin nakahawak sa kamay ko.

"Eh kung ayaw niyo dalawa nalang pagpipilian niyo, either sa office ng Sports Head, or sa School Principle." Parang pananakot niyang sabi sa amin, kaya nong umakyat na siya sa hagdan ay sumunod ang lahat ng Bravo Team, habang nasa likod naman kami ng mga kaibigan ko at kasama si Kit.




Boyfriends Season 1 | Heartful Academy 2Where stories live. Discover now