Nong mga panahon na nag out si Kuya ay nasa Grade 4 ako no'n. Habang nasa likod ni Mama ay nakinig ako sa pinag-usapan nila, pero wala akong kaalam-alam sa mga bagay na 'yon, hindi ko alam ano ang bisexual, ano ang gay, ang lgbt, ang pride month, at kung ano-ano sa mga nabanggit ni Kuya.

Nakita ko naman na niyakap nila Mama at Papa si Kuya, pero wala pa rin akong ka-idea sa mga nangyayari. Nong kami lang ni Kuya sa kwarto ay tinanong ko siya kung ano ang bisexual na sinasabi niya. Tanda ko pa ang mga pag-uusap namin no'n.

"Bunsoy bata ka pa, huwag mo muna problemahin ang mga bagay na 'yon. Sa tamang panahon ako mismo magpapaliwanag sa 'yo. Basta itong tandaan mo, sikapin mong hindi matulad sa akin dahil ayaw kong maranasan mo ang sakit at bully na dinanas ko." Hinawakan niya ang mga kamay ko.

"Pero kapag napasok ka sa bagay na 'yon, wala namang mali. Pero hintayin mo ang tamang panahon na pwede mo na ipagtapat sa lahat. Patient is the key Bunsoy."

Nagkunot lang ang noo ko. "Huh?" Tinawanan lang niya ako. "Bata ka pa nga..."

Kung dati hindi ko naintindihan ang mga 'yon, ngayon malinaw na sa akin ang lahat. Alam ko na kung ano ang feelings. Alam ko ng hindi pala madali. Pero ang hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa lahat. Hindi ko alam sa'n ako kukuha ng lakas para mag out sa kanila ni Mama at Papa.


Kung nandito lang sana si Kuya, maging madali lang siguro ang pagtapat ko sa lahat dahil alam kong tatabi siya sa akin at i-susupport ako. Pero nasa ibang bansa siya ngayon nagtatrabaho.

"How I wish nandito si Kuya." Mahinang sabi ko habang nakaupo sa kama. Napalingon sa akin si Rifah. "What?" Tanong niya at umiling naman ako. "Wala. Ang sabi ko mamili ka na dyan ng papanuorin natin, kanina ka pa dyan hindi ka pa nakapili..." sabay tawa ko.

Habang nakaupo ako ay nakaharap naman siya sa tv at naghahanap ng panuorin sa Netflix. Bigla siya nagsalita. "Aha! Alam ko na kung ano ang panuorin natin!" Nilingon ko ang screen at halos mahulog ang panga ko sa gulat nang makitang thai bl series ang tinutukoy niya.

"B-Boys Love 'yan eh..." kabado pa rin ako. "Eh ano ngayon? Favorite ko 'to eh..." aangal pa sana ako pero na-play na niya ito. "Wala ka nang magawa, na-play ko na." Tinawanan niya ako kaya bagsak ngayon ang balikat ko.

Habang nanunuod kami ay grabe naman ang ingay niya kapag kinikilig, ilang beses pa niya sinasapak ang braso ko at muntik na ako mahulog sa kama. Kalmado lang akong nanuod habang siya ay mukhang napagod na sa kakaingay.

Mayamaya ay bumagsak pa ang ulo niya sa balikat ko. Nilingon ko siya at nakita kong nakatulog na nga siya. Habang tinitignan ko siya ay bigla kong nakita si Kit sa kanya. Napangiti ako sa pag-iimagine na siya si Kit.

Nilingon ko ang tv at pati ang mga main character sa series na 'yon, kami na Kit ang na-imagine ko, mukha na niya ang nakikita ko. Dahil sa pinapanuod namin ngayon ni Rifah ay lalo lang akong nababading.



Pagka-umaga ay nakita kong wala na dito sa kwarto ko si Rifah. Umalis pala siya kagabi dahil hindi pa siya pinapayagan ng mga magulang niya na mag over night, kahit sa bahay pa namin. Hindi ko 'yon namalayan dahil napasarap ang tulog ko.

Maaga akong umalis ng bahay at medyo nasanay na ako ngayon na hindi makasabay si Kit, kaya hindi ko na dinibdib ang hindi siya makita dito sa bus.

Nang makapasok na ako sa campus ng HA ay nagtataka nang hindi ko makita dito sa entrance area sina Jason at Hweb. Nilingon ko ang kahoy na nasa gilid at hindi ko sila nakita sa ilalim ng puno. "Bakit wala pa sila? Eh lagi naman silang nauuna dumating kaysa sa akin."

Boyfriends Season 1 | Heartful Academy 2Where stories live. Discover now