Kabanata 8

6 1 0
                                    

Kabanata 8
Reyna ng kasungitan


Vincenzo Lodovico's P.O.V

"It's a wrap!" Natutuwang hiyaw ni Eliseo habang hawak-hawak ang camera ng photographer namin. Tiningnan kasi niya ang mga litratong kinuhanan ng photographer, mas maganda na ring i-check na ng mas maaga kung magaganda ba ang mga litrato para hindi na kami madoble sa pagod-kung nagkataong may mga pangit na kuha at kailangang palitan.

"Yeah, good job everyone." I gave them an applause as I roamed my eyes around the people who were inside this room pero hindi ko makita ang taong hinahanap ko.

Where's Vin?

"Eliseo, where's my secretary?" Pagtatanong ko sa kaniya pero ang gag* imbes na sagutin ako ay nanunukso lamang na tumingin sa akin.

"Edi secretary mo lang, inaagaw ba namin?" Tuwang-tuwang panunukso niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Answer my damn question imbecile because I need to ask her a question ---"

"What?! Magpo-propose ka na?" Napalakas ang boses niya kaya't sabay-sabay na napalingon sa amin ang mga taong nakapaligid sa amin.

"Hibang ka na talaga. Tangna mo." Malutong na pagmumura ko saka siya mabilis na tinalikuran, hindi maganda ang mood ko para makipag gaguhan lang ngayong araw.

"Bro, biro lang naman. Masyado kang serious, bahala ka magkaka wrinkles ka ng maaga niyan." Hinabol niya ako't sinabayan ang aking paglalakad.

Lalabas na lang ako sa silid na ito at ako na lamang ang maghahanap kay Vin.

"Huy!" Muling pagtawag sa akin ni Eliseo pero hindi ko siya pinansin. "Heto na nga oh, sasabihin ko na kung nasaan siya. Kasama siya ni Hazel, namili sila ng pagkain kasi magb-blow out ang mahal ko at birthday niya ngayon." Pagsuko niya. Kanina ko pa hinihintay ang sagot sa tanong ko kung nasaan ba si Vin eh, ang dami pa niyang dada sasabihin din naman pala niya.

"Okay." Wala nang interes na aniko saka siya tuluyang iniwan sa kinatatayuan niya.

Hindi naman na ako sinundan ng mokong kaya dumiretso na lamang ako sa aking opisina.

Agad akong naupo sa aking swivel chair at binuksan ang laptop ko nang makapasok ako rito sa aking opisina. Kailangan kong maghanap ng mga catering services na maaaring makatulong sa amin sa pagdi-disenyo ng event na aming ilulunsad sa katapusan ng buwan ng Enero.

Sa Facebook muna ako naghanap. Scroll dito, scroll doon. Stalk dito, stalk doon. At ang masasabi ko lang ay napakaraming mga catering services page na lumalabas, karamihan sa mga ito ay may negatibong komento kung saan na-i-scam daw ang mga clients dahil hindi nila natatamasa iyong naging usapan nila with the catering services.

"Damn it! Ganito ba kahirap ang preparasyon ng isang event?" I asked myself as I continued searching for more catering services' page. This is my first time holding an event at ayokong pumalpak ako.

Sa kabilang banda, bakit ang ibang event ng mga businessman na napupuntahan ko ay bongga ang mga disenyo? Talagang na-e-enjoy ko ang maglagi sa mga event nila dahil hindi boring-gan'on ang gusto kong mangyari ngayon. Mostly, sa mga napuntahan kong events ay masquerade ball ang kanilang theme-that's the most elegant and luxurious theme a corporate event can have. Pero masyado na siyang cliché. Gusto ko naman ng bago ngayon...

Napasandal ako sa aking upuan saka tumitig sa malaking chandelier na nasa kisame. Ini-angat ko pa sa ere ang aking mga kamay na tila ba mayroon akong kinakapa sa hangin saka ako nagsimulang mag-imagine ng kung anong gusto kong theme ng aming magiging event.

YOU'RE THE ONEWhere stories live. Discover now