Kabanata 5

9 2 0
                                    

Kabanata 5
Maling Akala


Vincenzo Lodovico's P.O.V

HALOS paliparin ko na sa ere ang aking sasakyan dahil sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ko rito patungo sa Midnight Tavern, ang paborito naming kainan ni Patricia—ang aming tagpuan—doon kasi kami unang nagkakilala.

Kaninang 7:30 p.m ay si Vin na ang inutusan kong magbigay nu'ng bulaklak kay Patricia at sinabi ko rin sa kaniya na sabihin niya sa pinakamamahal ko na hintayin ako. Siguro ay naroon pa rin si Vin at sinasamahan ang pinakamamahal ko.

Nang makarating ako sa Midnight Tavern ay dali-dali kong ipinark sa parking lot ang aking sasakyan saka ako patakbong pumasok sa loob ng restaurant. Pagpasok ko ay bumungad ang napakaraming tao na kumakain sa paligid, couples ang karamihan sa mga narito dahil sikat ang Midnight Tavern as a lover's resto.

"Good evening, sir, do you have a reservation for tonight?" Bungad na pagtatanong sa akin ng isa sa mga service crew na narito.

"Ah, yes, under the name Montealegre," Pagsagot ko sa kaniyang katanungan kaya iminuwestra niya sa akin ang lamesang nireserve ko. Pagdating namin doon ay walang tao, ni si Vin ay wala rito kaya biglang lumakas ang pintig nang pagtibok ng puso ko, kinakabahan na baka hindi tumuloy si Patricia.

"Excuse me, Ms." Pagtawag ko sa crew bago ito tuluyang umalis.

"Yes, sir?" Pagsagot naman niya.

"Is there anyone who came here earlier with the same reservation name?" Pagtatanong ko, umaasang narito pa rin si Patricia at hinihintay ako.

"Yes, sir. She's in the garden." Nakangiting litanya nito kaya dali-dali ko siyang pinasalamatan at agad akong naglakad patungo sa indoor garden na mayroon itong Midnight Tavern. Kahit na nagmamadali ay hindi ko magawang tumakbo dahil nakakahiya sa mga kumakain sa paligid, baka maistorbo sila.

Sa kabilang banda, habang naglalakad ako ay sandali kong nailibot ang aking paningin sa kabuuan ng restaurant na ito. Ang disenyo nitong Midnight Tavern ay pinaghalong old fantasy guild and luxurious aura of romance. The wall is made of wood and there's a lot of plants inside pero ang mga upuan at lamesa ay modern ang design na bumagay sa taste of wood ng pader na mayroon sila. Pabilog ang shape ng restaurant na ito at sa gitna ay naroon ang indoor garden kung saan glass ang wall nito at glass din ang bubong kaya kitang-kita ang mga bituing walang humpay sa pagkinang.

Pagpasok ko pa lamang sa indoor garden ay isang babaeng nakatalikod at nakaupo sa may swing na naroon ang nakaagaw ng aking pansin. Her long, wavy, dark brown hair was like an ocean wave. Nakasuot din siya ng kulay puting long sleeve at kulay kapeng trouser pants na pinaresan niya ng black boots.

Without any hesitation, I know na si Patricia iyon dahil hawak-hawak nito ang napakalaking bouquet of purple flowers kung saan maging ang bouquet wrapper nito ay kulay lila rin. That's the bouquet I instructed Vin to buy earlier! Ako mismo ng nagrequest na gan'on ang kulay ng mga bulaklak na bilhin ni Vin kanina dahil paborito ni Patricia ang purple colors.

Kaya nang malapit na ako sa likuran ni Patricia ay walang pasabi kong tinakpan ang kaniyang mga mata saka ko siya hinalikan sa kaniyang pisngi.

Gulat siyang napatayo't napalingon sa akin. Imbes na matuwa ako at salubungin siya ng yakap ay napakunot-noo ako sa aking nakita---hindi pala si Patricia ang babaeng nakaupo roon. Tila ba biglang may kumurot sa puso ko at ayaw ko mang isipin ay alam kong hindi maganda ang gabing mayroon ako ngayon.

I can feel it---ganito ang pakiramdam ko noong nakipaghiwalay sa akin si Patricia noon.

"S-sir!" Gulat na pagtawag sa akin ni Vin kaya naibalik ako sa aking wisyo. Tiningnan ko siya at hindi ko mawari kung bakit tila naluluha siya at namumula-mula pa ang kaniyang ilong at pisngi.

YOU'RE THE ONEWhere stories live. Discover now