Kabanata 3

17 2 0
                                    

Kabanata 3
The future Mrs. Montealegre


Vincenzo Lodovico's P.O.V

HINDI ko alam kung sobra na ba akong lasing at nakakikita ako ngayon ng tila cat ears na umiilaw sa may kitchen ng opisina ko. Yes, my office has a kitchen, it is built for me and for my people para kapag inaabot kami ng gabi rito sa kumpaniya ay hindi na namin need bumili ng mga inumin or makakain, lagi kasing may pagkain sa refrigerator at weekly akong nagpapa grocery. The wall of our kitchen is made of glass kaya kitang-kita kung may tao sa loob, but because the light was too dim ay hindi ko maaninag kung may tao roon basta ay may umiilaw na cat ears.

Dahil nauuhaw na ako ay minabuti ko ng magtungo sa loob at isang bulto ng tao ang naroon, nagtitimpla ng kape at nagpapalaman ng kaniyang toasted bread. Hindi pa niya napapansin ang presensiya ko dahil naka headset siya. Those f*cking cat ears pala na umiilaw ay iyong headset na suot-suot niya. What a weird taste she really has.

Kukuha na sana ako nang baso nang may pumasok sa isipan ko na magandang gawin. Mabilis kong itinaas iyong headset pad na nasa tainga niya at marahang bumulong, "Ms. Del Valle," I sexily whispered in her ears na ikinagukat niya at kamuntikan pa niyang nabitawan iyong peanut butter na palaman na kaniyang hawak-hawak.

Agresibo niyang inalis 'yung cat ears headset sa kaniyang ulo saka ako galit na tiningnan. "What is your problem, sir?" May diin ang bawat salitang binibitawan niya. Halatang galit at naiinis na talaga siya dahil magkasalubong na naman ang kaniyang mga kilay habang nakakunot-noo.

"You." May diin ko ring wika saka mas lalo pang lumapit sa kaniya, ipinantay ko rin ang mukha ko sa mukha niya upang mas matitigan siyang mabuti. Hindi naman siya pandak, matangakd siya pero sadyang mas matangakd lang din talaga ako sa kaniya.

Hindi rin naman siya kagandahan or maganda siya pero hindi niya lang alam mag-ayos? Ewan. Basta tila kulay labanos ang kutis niya, baka alagang Kojic soap, tapos soft din kung titingnan ang kaniyang balat. Wala naman siyang malaking pores so never siyang nagkaroon ng tigyawat.

Iyong kilay niya ay makapal at talagang may shape ito, marunong naman pala siyang mag-ayos, ng kilay nga lang. Ano 'to work is life, but kilay is lifer gan'on? Tapos the rest ay hindi na niya alam ayusin.

Iyong mga mata naman niya ay mataray kung titingnan dahil sa almond shaped eye na mayroon siya-kaya siguro kung titingnan siya ay laging siyang naka resting bitch face dahil sa mga mata niya. Aside from being mataray, tila punong-puno ng misteryo ang mga mata niya, iyon bang tila napakaraming sikreto ang itinatago nito. Medyo matangos din ang ilong niya, iyong sakto lang, bumagay ito sa bow shaped lips niya.

Dahil sa katititig ko sa kaniya ay naiilang niyang inilayo ang tingin sa akin habang humahakbang palayo at nang mapasandal siya sa sink cabinet ay napangisi ako, wala na kasi siyang mahahakbangan palayo.

"Am I not handsome?" Pagtatanong ko habang nakalapit pa rin ang mukha sa mukha niya.

"You are, sir. But as of now, you have a bad breath kaya please huwag mong hingahan ang mukha ko at amoy alak ka!" Pagrereklamo niya na ikinatawa ko.

"Wow! You're the only woman who didn't stutter when answering that question. What makes you stutter, Ms. Del Valle ---"

"Vin, sir. Just call me Vin." Pamumutol niya na tila ba iritadong-iritado na marinig ang kaniyang apelyido.

"Am I not appealing to you, Vin?" Muli kong pagtatanong habang nakatitig kami sa isa't isa.

"You are, sir." She answered truthfully na mas lalong nagpa-init ng ulo ko.

YOU'RE THE ONEWhere stories live. Discover now