Chapter 13: Goodbye

Start from the beginning
                                    

Matapos Ang aming iyakan ay binalot kami nang panandaliang katahimikan. Nanatili akong naka upo sa lupa habang naka Yuko Ang aking ulo.

"Malapit na Ang Oras." Rinig Kong Saad ni Shun na siyang nag pabalik ng kirot sa aking dibdib. Napa kagat Ako sa aking labi habang pinipigilan na muling maiyak.

Tumayo Ako Saka huminga nang malalim Bago lakas Loob na nag Angat nang tingin sa kanila. Lahat Sila ay naka Tayo ngayon sa aking harapan.

Nakatayo at mga naka suot nang malawak na ngiti. Ngiti na nag papakita nang katatagan at kasiyahan. Habang nakikita ko silang ganoon ay parang nahiya Naman Ako Kaya't pilit din akong ngumiti sa kanila pabalik.

"Mhaya, maraming salamat Sayo." Pasasalamat sa akin ni ate Shell sabay Yuko nang kaniyang ulo na ginawa Rin nung tatlo.

Madiin akong napa kapit sa aking damit Saka huminga nang malalim upang pigilan Ang aking emosyon. "Hm! Wala yon, Masaya din Naman Ako na nagging parte kayo nang Buhay ko." Aking Turan.

Nagka tinginan Sila Saka muling bumaling sa akin. "Malaki parin Ang pasasalamat Namin Sayo, kung Hindi dahil Sayo Hindi Namin makakalimutan Ang mapait naming mga ala-ala. Kung Hindi dahil Sayo paniguradong Hindi kami makakarating kung saan kami mapaparoon ngayon. Kaya laking pasasalamat Namin Sayo Mhaya dahil binigyan mo kami nang kapayapaan at nang aral sa loob nang maikling panahon na nakasama ka Namin. Maraming salamat!" Muli silang yumuko habang nag papasalamat sa akin.

Sinubukan ko Ang aking sarili na huwag nang maiyak ngunit Hindi ko kinaya, Kaya't yumuko Rin Ako Saka nag pasalamat sa kanila.

"Maraming salamat din sa masasayang ala-ala na nabuo ko Kasama kayo. Hinding-hindi ko kayo makakalimutan! Kaya Naman.." nag Angat Ako sa kanila nang tingin at Saka humugot nang lakas at Sabay sumigaw.

"Kaya Naman h'wag ninyo din akong kakalimutan!!" Buong lakas Kong sigaw. Hindi Kona inisip pa Ang mga kapitbahay Namin na sa tingin ko ay tulog pa. Ang mahalaga ay masabi ko Ang mga dapat Kong masabi.

"Pangako, Hindi ka Namin kakalimutan." Pangako nila sa akin na siyang nakapag bigay sa akin nang ngiti.

Sapat na sa akin Ang pangko nila. Dahil nangangako din Ako na Hinding-hindi ko din Sila kakalimutan.

"Mag-iingat ka Mhaya. Ingatan mo Ang sarili mo." Napa tingin Ako Kay Shun at mababakas ko Ang lungkot sa kaniyang mga Mata kahit na siya ay naka ngiti.

Tumango naman Ako Saka sumagot. "Hmm, mag iingat din kayo." Kumaway Ako sa kanila habang unti-unting sumisikat Ang haring Araw.

Sa pag Angat nang haring Araw ay siya ring pag liwanag nila. Unti-unti silang nag lalaho sa aking paningin. Ngunit sa pagkakataong ito ay mababakas mo lamang sa kanilang mga mukha Ang kasiyahan. Kasiyahan na nag bibigay sa akin nang kalakasan na mag patuloy sa Buhay.

"Paalam Mhaya. Hanggang sa Muli." Huling katagang aking narinig Bago Sila mag laho sa aking paningin.

Napa takip Ako sa aking bibig habang pinipigilan ko Ang aking sarili na lamunin nang kalungkutan. Napaluhod Ako sa lupa habang nakikisabay Naman sa aking kalungkutan Ang malamig na simoy nang hangin na yumayakap sa aking katawan.

Ilang minuto pa ang lumipas at napa tingala Ako sa kalangitan. Itinaas ko Ang aking mga kamay habang unti-unting umuukit Ang Isang ngiti sa aking mga labi.

Salamat, sa Inyo. Hindi ko kayo makakalimutan. Ipinikit ko Ang aking mga Mata at dinamdam Ang lamig nang simoy nang hangin. Hangin na unti-unting tinatangay Ang aking kalungkutan. Kalungkutan na pilit akong dinadala sa agos. Ngunit Narito parin Ang puso ko at lumalaban at nag kakaroon nang pag-asa na muling mag patuloy.

Masaya Ako dahil nakilala ko Sila. Masaya Ako na naging parte Sila nang aking Buhay. At Hinding Hindi ko 'yon malilimutan.

Siguro sangayon ay nag durugo pa Ang aking puso dahil sa kanilang pag lisan. Ngunit alam ko na sa darating na mga panahon Ang sugat sa aking puso ay unti-unting mag hihilom. Mag hihilom at Hindi mag iiwan nang anumang bakas.

At sa mga panahon na mangyari man Ang Bagay na 'yon. Sisiguraduhin ko na mag papatuloy na Ako sa aking misyon sa Buhay.

Dahil alam ko, Kaming dalawa ni Shun ay muling pag tatagpuin nang Tadhana.

At paniguradong Hindi na mag tatagal at Ang panahon na 'yon ay darating na.


....

Author's Note:

Ang susunod na kabanata ay Ang huling kabanata na nang kwentong ito. Narito napo at sabay-sabay nating salubungin Ang epilogue nang mahiwagang mundong ito.

Sorry po sa mga errors try ko pong i-edit pag may free time napo Ako.

No plagiarism. Plagiarism is a crime.

Falling Inloved With The Ghost In My RoomWhere stories live. Discover now