CHAPTER 1- Sick And trouble

Start from the beginning
                                        

Dali-dali nya akong nilapitan at tinulungang makatayo.

"Tara na!Baka maabutan nila tayo" Hindi ko na ininda ang sakit ng katawan ko at tumakbo kasama si carl.

Rinig ko pa ang sigaw ng mga ugok pero hindi na namin pinansin 'yon. Ang mahalaga ay makalayo kami sa kanila.

Tumigil ako sa pagtakbo at napasandig sa puno. Parehas kaming habol ang hininga.

Napapikit ako at tumingala.

Bwiset,nanghihina ako.

"Mukhang nakalayo na tayo,sorry nga pala dahil sakin nadamay kapa-" Bumaba ang paningin ko sa lalaking kaharap ko ngayon na nakayuko. Salamat sa buwan dahil kahit papaano ay maliwanag sa paligid.

"Don't be sorry,walang may kasalanan " Habol ang hininga kong sagot dito.

Umangat ang ulo nya at tiningnan ako na parang kinikilatis.

"Parang namumutla ka." Mabilis nyang dinampi ang palad nya sa noo ko kaya di na ako nakapalag."..ang init mo! Nilalagnat ka!"

Huh?

Kinapa ko din ang leeg ko at—shit!
May lagnat nga ako!

Kaya pala nanghihina ako kanina. Kaya pala hindi ako makakilos ng maayos. Kaya pala ang bigat-bigat ng pakiramdam ko.

Tumingin-tingin si carl sa paligid at hinila ako bigla.

"Tara ihahatid na kita sa inyo–"

"Wag na,umuwi kana" Hindi ko na hinintay ang sasabihin nya at nauna nang maglakad.

"Teka lang, zyreena!" Humihingal syang humarap sa akin. "Ambilis mo palang maglakad"

Humarap ako sa kanya at tiningnan sya ng blangko sa mukha.

"Ah..eh..gusto ko lang mag thankyou. Thankyou ha,kung di dahil sayo baka nauwi na 'ko nito sa ospital..." Tumango agad ako pagkatapos nyang mag thankyou. Bubuka pa ulit sana ang bibig nya para magsalita kaya tumalikod na ako at tumuloy sa paglalakad.

Hindi ako bastos,ayoko lang talaga yung maraming kwento.
Tsk,waist of time.

Nasa gilid na ako ng malaking gate namin kaya kitang kita ko na ang paligid. Malakas kasi ang ilaw na nanggagaling sa loob ng mansion,tumatagos ito sa labas ng gate namin.

Napasandig ako sa may gate ng bahay namin at napatingin sa buwan. Alas syete palang at kitang kita na ang kabilugan nito.

I love moon.

Napakaganda nitong pagmasdan lalo na sa kabilugan. Kapag tumitingin ako dito,parang nawawala lahat mg problema ko. Nadadala ako sa ganda nito. Ito lang ang lagi kong kasama sa tuwing kinukulong ako ni dad sa kwarto ko.

Napatingin din ako sa paligid,isang malapad na sakahan ang nasa tapat ng bahay namin. Hindi ko alam kung ilang ektarya ito,ang alam ko lang ay napaka lapad nito. Sa dulo naman makikita ang malapad na manggahan na pagmamay-ari din ng mga Monterial.

Syempre kasama na ako.

Malaki ang hacienda na pagmamay-ari ng angkan namin. Nasa probinsya kami at dito ako lumaki at nagkaisip. Minsan lang ako nakakapunta ng maynila dahil palagi akong nakakulong sa bahay na 'to. Kapag umaalis na si dad,yun na yung time ko,pero hindi din ako nagtatagal d'on.
Doon nag-aaral ang mga kapatid ko at isang beses lang sa dalawang taon kung umuwi dito or should i say bumisita–

"Zyreena,iha? Ikaw ba yan?" Napatingin ako sa matandang lumabas sa gate. Mukhang magtatapon ito ng basura.

Lumapit ako sa kanya at dahil nakabukas ang gate ay nakita nya ng klaro ang mukha ko na may galos.

"Naku! Anong nangyari sayo!Nakipag-away ka na naman ba?" Nag-aalala nitong tanong habang sinisipat ang mga sugat ko sa mukha.
"..tara na at gagamutin natin yang sugat mo. Naku! Mayayari ka naman kay sir sa ginagawa mo" Hindi ako sumagot at hinayaan lang syang hilahin ako sa loob ng mansion.

Si manang Linda na ang nag-aruga sa akin habang nakakulong ako sa kwarto ko.Palagi nya akong sinasamahan sa kwarto ko nung bata pa ako. Natigil lang yun nung nagka-isip na ako at ayoko nang tinuturing akong bata.

Pagkapasok namin sa loob,sumakit ang ulo ko at nag-iinit ang mga mata ko. 
Hindi pa ako nakakailang hakbang, nanlabo agad ang paningin ko at naramdaman ang pagbigat ng katawan ko.

And everything went black..

.....

Zyreena Brittany Monterial..

Zyreena Brittany Monterial

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
'SECTION D'Where stories live. Discover now