(A/N; sorry sa wrong grammars)
Sick And Trouble
Zyreena's POV..
Naglalakad ako sa gilid ng daan nang makarinig ako ng mga ingay di-kalayuan sa kinatatayuan ko.
Sa unahan ko nakita ang tatlong lalaking parang may binubugbog.
Pinagmasdan kong maigi ito at hindi nga ako nagkamali sa hinala. Mabuti at abot sila ng ilaw ng streetlight kaya nakilala ko ang mga lalaki.
"Tingnan mo nga naman,ang lakas talaga ng loob ng mga hinayupak na 'to" Bulong ko sa sarili at mabilis na humakbang papalapit sa mga iyon.
"Tigilan nyo sya" Madiin kong saad dahilan para mahinto sila sa ginagawa at mapatingin sa gawi ko.
"Oh.. ikaw pala yan, baby" Nakangising ani ni michael. Ang lider ng mga ugok.
"Excuse me?" Naiinis kong sabi.
Kating-kati na akong manapok ng mga oras na 'to.
"I love you—"
Natumba agad si Michael dahil sa suntok ko.
"Tang*ina!kapitan nyo yan!" Utos nya sa kapwa nya ugok. Pero bago pa sila makalapit sakin,binigyan ko agad ng malakas na sapak ang nauna pagkatapos sinipa ko naman yung isa.
Bumangon ulit yung sinipa kong ugok at aamba ng suntok sa akin pero mabilis akong nakailag at sinuntok sya sa mukha.
Hindi ko agad naramdaman ang paglapit ni michael sa likod ko kaya nahila nya ako sa buhok.
Shit!Ang sakit sa anit!
"Bwiset kang babae ka,magpapakipot kapa ha!"
Dahil sa sakit ng pagkasabunot nya hindi ko magawang lumaban dagdag pa na yung isang kamay nya ang may hawak sa mga kamay ko.
"Bwiset ka rin" Mahina kong sagot at pilit tinatago ang sakit ng pagkasabunot sa akin.
"Matigas ka ha" Malakas na suntok sa gilid ang natamo ko.
Halos mabuwal ako sa kinatatayuan dahil sa lakas ng suntok.
Tinulak nya ako sa damuhan. Pumatong sya sakin at sinuntok ako sa mukha.
Bwiset,bat sa magandang mukha ko pa?
Medyo dumilim ang paningin ko sa pagkakasuntok dagdag pa ang pananakit ng gilid ko.
Pinilit nyang tanggalin ang butones ng uniform ko pero pilit akong lumalaban.
"Lumalaban ka pa talaga ah!" Isang sapak ulit ang natanggap ko. Halos mawalan ako ng ulirat dala ng lakas nyo'n.
"Ha-hayop ka" Tanging nasambit ko habang pilit paring lumalaban. Nanlalabo ang paningin ko at isang sapak nalang ay bibigay na ako.
Tanga mo kasi,kagagaling mo palang sa lagnat nakipag-away kana.
Kung hindi lang ako nagkasakit,malakas parin sana ang energy ko. Kanina ko pa sana napatumba 'tong mga ugok na 'to.
Bwiset!
Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni michael sa ere at aambahan ulit ako ng suntok.
Napapikit ako.
Pero ilang segundo ang lumipas hindi ko naramdaman ang kamao nya.
Pagmulat ko ng mata nakita ko si carl na kaklase ko. May hawak itong kahoy na mukhang hinampas nya kay Michael. Sya pala yung lalaking binubugbog kanina ng mga ugok.
VOUS LISEZ
'SECTION D'
Roman pour AdolescentsIsang section na puro lapitin ng gulo. Kaaway ng isa,kaaway ng lahat. Ganon ang tunay na pagkakaibigan. Ngunit paano kung isang babae ang sisira sa kanilang pinagsamahan? Ano ang dahilan nito? Ano ang kanilang ginawa dito kung bakit galit na galit i...
