Mission 2: Infiltration (Part 2)

229 1 1
                                    

"877.324.112 that's the coordinates that the contraband located as of now." Report ng isang agent na kasalukuyang nag mo-monitor ng mga galaw at location ng kalaban.

Sumilip ang isa sa mga taga infiltration member para hanapin ang kanilang main target sa gabing 'yon."No signs of movement, Queen."

"Team 2 move to the location." Utos ng Queen ng ma receive niya ang gusto niyang report.

"Received the order. Currently on the move."

"Bakit pa kasi tayo sumunod dito." bulong ni Alec samantalang si Summer naman ay abala sa pag tingin sa paligid.

"Pag tayo nahuli ni Queen bahala kayo mag paliwanag."

Hinampas ni Summer sa likod si Alec nang huminto ito sa pag usad. Kasalukuyan kasi silang gumagapang para hindi mahuli sa ng dalawang grupo na mag haharap sa gabing iyon. Isa din sa dahilan ay hindi sila mga agents na naka assign sa mission ngayong gabi. "Mahuhuli talaga tayo sa ingay niyo."

Dahil sa pag saway ni Summer ay nag patuloy sila sa pag gapang wala pang ilang minuto ay nauntog na naman siya sa pwetan ni Alec na nasa kaniyang harapan na biglaang huminto sa hindi malamang dahilan.

Napa tingin silang lahat kay Ervin na naka upo ng pa indian seat at nangangapa na tila may hinahanap. "Wait! Nawawala phone kooo!" Natataranta niyang wika.

Inis na pinalo ni Summer ang kaniyang noo sa ingay at likot ng mga kasama.

"Luh! Isa ka pa!" Banat ni Alec na halata din ang pagka asar.

"Inaano ka ba?!" sagot naman ng isa tuloy ay parang nanay si Summer na hindi mapakali kung sino ang hahambalusin.

"Shhh!!"

Matapos niya muling sawayin ang dalawa ay katahimikan na ang namayani sa buong paligid.

Nice, makakakilos na sila ng maayos. Kaya naman pala manahimik ng ganito bakit ngayon lang napirmi ang mga bibig.

Tumingin siya sa dalawa na waring napaskilan ng tape sa bibig. Nakatingin sila sa malayo na tila may nakitang multo

Pag lingon niya ay nakita niya si Katana na nakatayo habang may hawak na baril, "What are you all doing here?"

Hindi pa niya nabubuka ang bibig niya ay nauna nang mag tuturuan ang dalawang kasama niya.

"Siya 'yun, Queen." Turo ni Ervin kay Alec na ngayon ay umiiling nang napakabilis.

Itinuro siya nito, "Nahila lang din po ako." kaya nalipat sakaniya ang tingin ng kanilang leader.

Stupid idiots!

Napa hinto ng sandali ang Queen na tila may na realize bago muling tumingin sa kanila ng masama.

"If you are all here who guards my husband?"

Nanlaki ang mata ng tatlo sa narinig. Ngayon lang nila naisip na ang asawa ni Queen ay naiwan mag-isa sa bahay! "Shit."

"Yeah, shit happens. After this get ready." Banta nito bago tumakbo paalis ng napakabilis.

-

Shiela POV

Nag kakagulo dito sa bahay dahil pag-uwi ni Queen hinahanap niya agad si boss. Nagulat pa nga ako na makitang kasama niya si Sam, Ervin at Alec sa pagkakaalam ko kasi ay ang infiltration team ang may mission ngayon at sila Sam ang titingin kay boss.

Nakakamatay ang tahimik dito sa bahay maririnig mo talaga ang yapak ng mga paa ni Queen.

Nang mag ring ang telepono na naka kabit sa sala agad sumenyas sa akin si Queen. Kinabitan ko kaagad ito ng detector upang malaman ang location ni boss kung sakaling siya ang tatawag.

"Hey, Mrs. Smith..."A sweet voice from the other line greeted. "Miss me?"

Rinig sa buong sala ang pag ngingit ng mga ngipin ni Queen, "Fucking asshole! Where's my husband?!"

Rinig ko sa kabilang linya ang pag tawa,"Oh my dear, don't be mad he's here sleeping on my bed."

Patuloy lang ako sa pag trace ng location ni boss habang si Queen ay abala sa pakikipag usap sa kidnapper.

"You dare to touch him I will definitely shoot your brain out of your god-damned head." Usal ni Queen na kararamdaman mo talaga ng galit.

Another laugh from the other line, "I'm scared..." he mockingly said.

The line cut. Buti na lang na trace ko ang location bago maputol.

"Hello?!"

"Fuck!" Inihagis ni Queen ang telepono na agad iniwasan ng mga kasama ko dito sa sala.

Lumingon siya sa amin bago huminga ng malalim, "Team this mission will be upgrading from infiltration to assassination." Bago muling lumakad paalis lara siguro mag handa.

Nang hindi na namin matanaw si Queen ay doon na nag simulang mag kagulo. Mga gumuhit na masayang ngiti sa mga kasama ko ‘yung iba naman ay parang excited na kung titingnan mo ang mga mukha ay nagiging creepy na.

"Yes! Ang tagal na din nung huli kong hawak ng baril masakit sa mata ang puro computer 'e."

"My beloved Yin and Yang daddy will use you again."

Lumapit sa akin si Maya, bagong recruit sa bahay na ‘to. "Ang weird po nila ate." Bulong niya.

Narinig ata ni Sam ang bulong ng katabi ko kaya siya na ang sumagot, "Oh no, masasanay ka din honey isa kasi ang infiltration team sa mga undercover dito sa familia at ang speciality dito..." She smirked like a demon, "Blood domination."

Marrying the Mafia QueenWhere stories live. Discover now