Chapter 8

273 7 3
                                    

Time passed by and here I am almost a grade 12 student

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Time passed by and here I am almost a grade 12 student. Ang daming nangyari sa loob ng isang taon.

Parang last year lang ay hinihintay kong magbirthday ako. Ngayon naman ay hinihintay ko na naman ang birthday ko na paparating ngayon. I'm almost 17 years old ang daming nagbago.

Hindi na ako pinapagalitan ni Mama kapag alas sais na ako nakakauwi dahil marami kaming ginagawa sa school kasama yung mga kaibigan ko. Oo, may mga kaibigan na ako na akala ko'y lalayuan lang ako nung first day of class. Marami akong naging kaibigan kaya masasabi kong masaya ang school year na'to.

Last year na birthday ko ay sila Tita Ingrid lang ang pumunta. Kasama ang iba pang Montereal. Himala nga na hindi pumunta si Lola sa kaarawan ko dahil palaging present yun sa lahat ng okasyon para tignan kung nasa ayos ang mga gusto niya. Kaya siguro siya hindi nakapunta dahil sa nangyari sa kanila ni Mama.

Napatingin ako sa screen ng phone ko kung nasaan ang mukha naming dalawa ni Hugo. Napangiti ako, ang cute niya lang tignan doon. Tulad nga ng sabi niya, itry niya raw pumunta sa birthday ko pero hindi nangyari. Ang dami nilang ginagawa kaya ipinadala na lang niya yung mga regalo na pinangako niya.

Almost a year na rin siyang nanliligaw sa akin at hindi siya nagkulang na iparamdam sa akin yung pagmamahal na deserve ko. Palagi siyang narito kapag weekend at inaaya ako kung saan saan kaya okay na ako roon.

"Huy, nguso mo nahulog na." napatingin ako sa babaeng sumabay sa akin sa paglalakad. Ngumiti naman ako saka ko siya niyakap ng marahan.

"May naisip lang, Phia." lumayo ako saka tumingin sa orasan na pambisig ko. Naglalakad kami ngayon papalabas ng school kung saan naghihintay yung driver namin.

"Naku, ayan ba si Kuya Hugo? Hindi na babalik yun," tukso niya na sinamaan ko naman. Ang hilig niya talaga akong tuksuhin porket siya ang unang nakaalam sa amin ni Hugo ay ganyan na siya. "May babae na yun sa Maynila." natatawa siyang tumakbo ng kukurutin ko sana yung braso niya.

Tinitigan ko lang siyang naglalakad sa aking unahan na paminsang lumilingon sa akin na kinangiti ko. Siya si Sophia ang best friend ko. Nakilala ko siya noong birthday ko. Akala ko nga kung sinong babaeng maganda ang pumunta sa bahay, anak pala ni Nanay Pacita.

"Hintayin mo ako, Phia. Wala kang pagkain mamaya, sige ka." banta ko sa kaniya na kinatigil naman niya at bumalik sa tabi at sumabit sa braso ko na parang tarsier.

"Hindi ka na mabiro, Ana. Ang panget mo kabonding," natawa ako sa kaniya kasi para siyang batang nanghihingi ng candy sa akin. Well, bata naman talaga siya. Mas matanda ako sa kaniya ng isang taon kaya mag 16 pa lang siya.

"Ganun talaga, Phia. Saka bakit hindi mo ako tinatawag na ate? Ikaw, ah. Dapat kang turuan, eh."

Lumingon ako sa kaniya at ngumiti lang ng malawak. Napailing na lang ako sa kaniya kasi ang cute niyang tignan. Habang naglalakad ay nakarinig kami ng mahihinang tawanan kaya naramdaman ko ang paghigpit ng hawak sa akin ni Phia.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Fire Within (Isla de Monte #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon