Chapter 5

204 7 0
                                    

Nandito ako ngayon sa pool nakababad

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




Nandito ako ngayon sa pool nakababad. Kanina pa ako narito simula umaga at wala pa akong balak umalis kahit ilang beses na akong pinagalitan ni Mamá. Pero wala rin siyang nagawa kaya umalis na siya. Ilang araw ko na napapansin si Mamá na palaging umaalis ng maaga at gabi na umuuwi. May date ba yun?


Umiling ako, kilala ko si Mamá. Hindi niya kayang palitan si Papá dahil hindi niya alam na parati ko siyang naririnig na umiiyak sa kwarto niya habang binabanggit yung pangalan ni Papá. Kaya alam kong may iba lang siyang pinagkakaabalahan o baka ginugulo na naman siya ni Lola.


Yun kasing si Lola napaka strict. Alam kong siya ang may pakana kung bakit ganito sa akin si Mamá. Nung bata pa kasi ang nanay ko ay parang katulad ko rin siya. Pinalaki siya ni Lola na isang mahinhin at magalang na bata na lahat sinusunod lahat ng gusto niya. Pero nagbago yun noong dumating si Papá sa buhay ni Mamá.


Noong una ay sobrang saya nila hanggang sa may nangyari sa kanila at nabuo ako. Sobrang bata ni Mamá noong pinagbubuntis niya ako. Around 17 years old siya noong dala niya ako sa sinapupunan niya. Si Mamá at Papá ay sobrang saya noon pero si Lola hindi. Kasi pinalaki niya raw ng maayos si Mamá pero kahihiyan lang ang bibigay ni Mamá.


She demanded na ipalaglag ako at kakalimutan niya raw ang mga kasalanan ng nanay ko. Pero hindi pumayag si Mamá kaya ayun nandito ako at hanggang ngayon galit pa rin si Lola sa kaniya.


"Jusko!"


Napatili ako nang may biglang tumikhim sa likod ng tenga ko. Mamamatay 'ata ako ng maaga. Lumingon ako sa likod ko at ganun na lang ang gulat ko ng makita si Kuya Hugo na naka squat sa may ulunan ko. Nakatingin lang siya sa akin habang may hawak na robe sa kamay niya.


"Umahon ka na jan. Baka nakakalimutan mong may favor ka pa sa akin."


Bumaba yung tingin niya sa labi ko kaya napakagat ako sa labi dahil sa nangyari kagabi. Pero parang namula naman buong mukha ko ng mas bumaba pa yung tingin niya sa katawan ko. Late ko na narealize na naka two-piece ako ngayon. Tinakpan ko yung katawan ko at tumalikod sa kaniya pero napaharap din kasi makikita yung likod ko.


"Give me that, Kuya."


Nilahad ko yung kamay ko para kunin yung towel sa kaniya. Narinig ko yung tawa niya bago ko maramdaman yung robe sa kamay ko. Mabilis akong naglakad sa may hagdan ng pool. Nang nakaahon na ako ay mabilis kong sinuot yung robe sa katawan ko. Puro kahihiyan ang mga pingagagawa mo, Anastasia!


Nagpaalam ako sa kaniya at nagmamadaling pumanhik sa kwarto ko. Nang makarating sa kwarto ay pumasok na ako sa banyo ko at doon nagpapadyak.


"Arg! Nakakahiya ka, Anastasia. Palagi ka na lang napapahiya sa harap ni Kuya Hugo."


Napasabunot ako sa ulo ko. Bakit ba ako naka two-piece? Eh, hindi ko naman alam na may darating bisita? Saka paano niya nalagpasan sila 'Nay Pacita? Alam naman nila na nakaganito ang ayos ko kaya hindi sila papayag na pumunta sa pool na kung nasaan ako.


The Fire Within (Isla de Monte #1)Where stories live. Discover now