Prologue

738 8 1
                                    

I was looking at the tall guy, standing in the counter bar with a shot glass in his right hand. He's wearing a golden mask also, and it makes him more attractive.

I always see him here at El Paradiso every midnight. Hindi talaga siya nawawala sa aking mga mata at kung hindi ko man siya makita ay hinahanap ko siya sa lahat ng sulok nitong club.

El Paradiso is an elite club where your desire and fantasies can be real, on the other hand this place is my escape from my so called life.

"Type mo?" Tanong ni Gigi sa akin nang tumigil ito sa aking tabi. Andito ako ngayon sa third floor ng club, habang ang taong pinagmamasdan ko ay nasa unang palapag.

Tanging pagkibit-balikat lang ang sinagot ko sa kaniya. It's not my obligation or hindi na mahalaga na malaman niya na gusto ko nga ang taong pinagmamasdan ko.

Ano naman ngayon kung type ko ang taong iyon? Kailangan ba dapat alam niya? Tch.

"Come on, Cali, I know he is your type. You've been looking him for an hour," wika ni Gigi na may halong pagtawa ang boses nito.

Umirap na lang ako at iniwan siya ron.

Gigi Ramirez is one of my friend but we are not close enough to talk about the man we adore.

I can't trust her though since the last time I tell her a secret, she spread it to our circle of friends. She ruined my image and I hate her for ruining my image.

I was so embarrassed that time and she's not even apologized to me.

I just learn my lesson not to trust her again. Maybe she's my friend but not trusted one.

It's easy to find a friend but it's hard to find a friend that we can trust on everything. They are rare and if you already found a friend you can trust about your secrets, a friend that will support and not tolerate your wrong doings, don't let them go because they are priceless.

Bumaba ako sa ground floor at naglakad papuntang counter bar.

He's still there standing in front of the bar counter while holding a shot glass on his right hand.

Isang ngiti ang namuo sa aking labi nang tumayo ako sa kaniyang tabi. Ang kaniyang pabango ay nanuot muli sa aking ilong na tila ba ay nakakaadik ito. Nakadikit na ito sa buo kong sistema. His scent became familiar to me again. Nagwawala ang buong sistema ko nang maamoy siya ng malapitan.

"Hey!"

It's time to get his attention again. I can't stay na tignan siya mula sa malayo.

Tinignan niya lang ako mula ulo hangang paa bago niya ako iniwan sa bar counter. Iniwan niya ako ron habang nakatingin sa kaniyang likuran. Isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan bago inisang tunga ang wine na nasa kamay ko.

Why can't he see as seductive one?

Hindi ba ako maganda? I mean hindi na ba ako kaakit-akit sa kaniya?

Umiling-iling ako at saka mapaklang ngumiti.

Makukuha rin kita ulit, Tyler Audrey Carter.

Umalis na rin ako sa bar counter at lumabas ng bar. Tumigil lang ako sa paglalakad nang makarating ako sa parking lot at sa harap ng kotse ko. Mabilis kong tinanggal ang suot kong golden mask.

Nilibot ko muna ang aking mata sa buong parking lot umaasa na makikita ko si Tyler rito. Isang pagkadismayang buntong hininga ang aking pinakawalan ulit bago tuluyang pumasok sa loob ng kotse.

Binuksan ko ang makina ng aking sasakyan at mabilis itong pinaharurot paalis ng El Paradiso Club. Nawalan na ako ng ganang magsaya sa club dahil wala na ron ang taong pinagmamasdan ko palagi.

Her Midnight Escapade (EL PARADISO SERIES 2)Where stories live. Discover now