Entry #17

116 3 1
                                    

Title: Destiny

Username: Nekoneko24


***


Grabe ang init naman ...

 

Pawis na ako at ang lagkit ko na ...

 

Nasaan na ba yung pamaypay ko ?...

 

Hmmmmmm... Nandito kaya sa bag ko ? Ah! Eto na ,buti na lang nadala ko.

"Ah  punta lang ako sa labas, papahangin lang. Gusto mo bang sumama ?"

 

"Hindi na. Dito na lang ako."

 

"Ah sige. Saglit lang ako"

 

Hhhaaaayyyy.... Buti na lang dito sa corridor medyo mahangin pa, kumpara sa loob ng classroom napaka inet !. Dito na lang muna ako at magmumuni-muni.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAH !!!"

 

Huh? Sino yun?

 

"HAHAHAH!! Grabe talaga! HAHAHAH! Nakakatawa talaga yung nangyari kanina pre HAHAHAH!"

 

Grabe naman... napaka ingay ng lalaking yon. Kala mo sya may ari ng corridor,makatawa wagas! hmp!

"Sige pre, dito na lang muna ako sa labas papahangin lang, wala pa naman si mam diba?"

 

"Ah oo wala pa. Sige pre, pasok na ako"

 

Teka!?  bakit pa sya tumambay dito sa labas? kakainis! Masisira yung pagmumuni-muni ko dito eh.. hmp! pero buti na lang medyo malayo sya sa akin. Pag lumapit lang sya kahit konti, matatarayan ko to ng wala sa oras. Ayokong masira ang araw ko noh.

 

 Grabe ang tahimik ...

 

Sa sobrang katahimikan nakakabingi na at tanging hangin na lang ang naririnig ko. Hmm , teka sino ba tong lalaking to ?. kaklase ko ba sya ? bakit parang ngayon ko lang ata sya nakita ? Hmp!.  Teka bakit ko ba sya iniintindi ? Hmmm ano bang itsura nya ?. matingnan ko nga...    Ay nako ! nako! Wag na pala, mamaya sabihin nya type ko sya eh. Hmmm.. pero baka pede ko naman syang tignan kahit saglit lang...

 hmmmmmmm ...

 

Ahh mas matangkad pala sya sa akin, mga 5'6 siguro to ...

 

Maputi din pala sya at grabe ah! ang kinis ng kutis nya ...

 

Singkit pala ang mga mata nya at mejo wavy ang light brown hair nya ...

"Heheh"  *chuckles*

One Shot Compilation [PART 1] [CLOSED]Where stories live. Discover now