Entry #4

181 5 2
                                    

Title: Oh Tapos? Ano ngayon?

By: The23rdOfJune


***

Introduction:

Sa pamamagitan nang isang laro, makilala kaya nila ang isa't isa?

Sina Jr at Mikee ay magkababata mula pa nung grade 4 sila. Pareho silang may mga problema sa pamilya. Si Jr, iniwan sila nang papa nila dahil sa babae, samantalang si Mikee naman ay wala nang mga magulang dahil naaksidente ang mga ito at tanging tita niya na lang ang kapamilya niyang sumusuporta sakanya.

Si Jr at Mikee ay dalawang matalik na magkaibigan. Madalas silang magkasama sa kahit ano, mapagawain man o okasyon. Parati nilang kasama ang isa't-isa, pareho silang sumasali sa mga contest sa paaralan nila at pareho nilang kinocomplement ang isa't-isa. Pero nang makagraduate na sila nang grade 6 ay kinakailangang pumunta ni Jr sa ibang bansa, dahil nakakuha duon nang magandang trabaho ang mommy niya kaya naman ay napagdesisyunan nilang umalis at mag-ibang bansa.

Hindi nakapagpaalam si Jr kay Mikee dahil ayaw niya na lalo pang malungkot ang kaibigan niya, kaya naisipan niya na umalis nalang at mawala na parang bula sa buhay nito. Pero ipinangako ni Jr sa sarili niya na babalik siya at hahanapin niya si Mikee at magpapaliwanag siya rito. Babalikan niya yung bestfriend niya, babalikan niya yung first crush niya at babalikan niya yung first love niya.

JR's POV

Uuwi na kami ngayon sa Pilipinas dahil bibisitahin namin yung lola ko na nagkaroon nang sakit. Sabi ni mama baka dun ko narin daw ipagpatuloy yung highschool ko habang inaalagaan niya si lola. Onga pala, isa nakong 3rd year highschool sa pasukan. Makikita ko pa kaya si Mikee?

Masyado ko siyang namiss pero hanggang ngayon hindi ko parin nakakalimutan yung mga pinagdaanan namin. Matagal-tagal rin kaming nagkahiwalay at sana walang nagbago.Gusto kong hanapin siya at ipaliwanag yung nagawa kong pag-iwan sakanya. Sana hindi rin niya ko nakalimutan. Sana may babalikan pa ko.

Heto ako ngayon sa loob nang kwarto ko at nag-iimpake na. So, I guess muli kong makakamtam ang mga pagkaing Pinoy! Nauumay na kasi ako sa mga American foods dito eh. Miss ko na yung mga street foods na palaging kinakain namin ni Mikee.

"Oh Anak? Tapos ka na bang mag-impake? Baka malate tayo sa flight natin" sabi ni mama pagkatapos niyang kumatok sa pinto nang kwarto ko.

"Patapos na ho ma, susunod nalang ho ako" sagot ko na may ngiti at excitement sa aking mukha.

Mamimiss ko rin naman yung mga naging kaibigan ko dito sa ibang bansa pero mukhang namiss ko ata yung bansa ko kaya heto, masyado akong excited.

Sumakay kami nang taxi ni mama papunta sa airport at nagpacheck na kami nang mga bagahi namin at mga plane tickets. Mukhang mahaba-haba pa yung byahe namin papuntang Pilipinas, buti nalang at dala ko yung mga gadgets ko kaya kahit papaano hindi ako mabobored kakaupo sa eroplano hahaha.

Nasa windows side ako nung eroplano, napakagandang pagmasdan nung mga ulap. Naaalala ko tuloy na kapag wala akong ginagawa sa school ko sa states dahil free time namin ay hilig kong humiga sa rooftop nang school para pagmasdan ang ulap para kasing feeling mo wala kang problema at nasa parteng kalangitan ka.

Pagkalipas nang ilang oras ay pinatay na yung mga ilaw sa eroplano at ilang gadgets nalang nang mga gising pang mga pasahero ang makikita mo sa loob kasama na ko dun.

Hinanap ko si Mikee sa mga social sites pero hindi pa kasi uso ang facebook sa amin nung mga oras na iyon. Masyado kasi kaming probinsyano't probinsyana nun eh kaya wala kaming pake sa mga kung anong mga makabagong bagay.Ano kayang magiging reaction ni Mikee pagnagkita kami sisigawan niya kaya ko? Iiyakan? Matutuwa?Magagalit siya? O sasampalin niya ko?

One Shot Compilation [PART 1] [CLOSED]Där berättelser lever. Upptäck nu