Kaya ang kaninang close gown ay naging split gown.

Shaks! Kailangan ko tuloy mag pakita ng legs.

"Ayan! Perfect" malakas na sabi ko nang matapos ko nang gupitin ito

Napatingin naman sila sakin at tila nagulat naman si Trixie nang makita ang ginawa ko.

Akala mo ah. Matalino kaya ako, di mo ako maiisahan gaga ka.

"Wow! Impressive" with matching palakpak pa si Sam

"Galing mo girl" dagdag nito

"Oh ano ka ngayon" baling ni Sam kay Trixie

"Mamaya na yan! Dali na may 3 minutes nalang, kailangan mo na mag bihis" paalala sakin ni Miz

Agad naman akong nag punta sa isang side sa tabi ng table para magbihis, may kurtina naman ito kaya wala naman makakakita pag nag bibihis ang bawat isa samin.

Nang lumabas ako sa likod ng kurtina ay kala mo mga tanga ang dalawa, naka nganga lang sila sakin.

"Dyosa" tanging nasabi ni Miz

"Girl, ang perfect" banat pa ni Sam

"Girls easy ako lang to" pag yayabang ko

"Baka ma bading pa kayo sakin" dagdag ko

"Gaga may jowa ako" nag pakita lang si Sam ng disgustong mukha

"Well! Akala siguro ng iba dyan masisira nila ang gabi mo" pag paparinig ni Sam

"Correction! Kanina pa sira ang gabi ko" sabi ko

Halata ang inis sa muka ni Trixie ng makita na suot ko parin ang sinira nilang gown.

Inayos na nila ang mga gamit saka nilagay sa isang bag,  dahil wala naman na lag gagamitan nito. Last na nga ang evening gown dahil pag katapos nito ay announcement na ng winner.

"Let's go" aya ni Miz

Palabas na kami ng kwarto nang huminto ako sa tapat ni Trixie, Well! Maganda din ang suot nya. It was one-shoulder crystal yellow gown na split din ang design.

Kung naka off-shoulder din sya ay magiging ma kamukha kami ng suot, iba lang ang design ng kanya.

"Better luck next time" sabi ko saka lumabas na hindi ko na hinintay ang isasagot nya dahil panigurado ay aartehan nya lang ako.

Pag kabukas ko ng pinto ay natanaw ko na si David sa harap ng dressing room nila, suot na nya ang hiniram namin kay kuya.

Bagay na bagay sa kanya yon, lalong lumalabas ang pag ka gwapo nya. Araw araw naman syang gwapo sa paningin ko pero mas lumitaw lang talaga ang pag ka gandang lalaki nya ngayon.

"Huy!" Hitak ni Sam sa buhok ko

God! Please remind me na kaibigan ko to. Bumibinggo na din to sakin, ang sakit na  ng anit ko kaka hitak nya

"Tumulala ka na naman , nakita mo lang eh" bulong nya sakin

"Hindi ah" tanggi ko

"Sige,sabi mo eh"

"Alam mo Jane,  kahit hindi ka manalo ngayon may pwede kang mapanalunan na title" singit naman ni Miz

"Ano naman" curious na tanong ko

"Ms. Indenial Queen 2024"

"Galing mong tumanggi eh"

_____________________________________________________

"You look so perfect" bati sakin ni David

Putcha! Ang gwapo nya lalo sa malapitan

"Uhhhh, salamat"

"Ikaw din ang pogi mo ngayon" walang isip isip na sabi ko

"Este, bagay sayo yang suot mo" pag bawi ko

"That's not counted, mas tatanggapin ko yung nauna mong sinabi" sabi nito

"Kaya lang..." nag aalangang sabi nya

"Kaya lang ano?" Tanong ko

"Medyo intimidating lang yung sa may bandang legs" pag amin nito

Sabagay ako din naman intimidated sa legs ko, kaya lang wala nang choice.

"Long story" singit ni Sam "Pero saka na kayo mag story telling, kanina pa kayo tinatawag" masungit na sabi nito

"Ohhhh, okay. Lets go" sabay lahad nya sa kamay nya

Uyyy! Ano toh! Holding Hands While Walking. Nakakakilig naman.

"But not gonna lie, ang ganda mo" seryoso ang muka nya habang sinasabi yon

Haluh! Parang sira naman toh. Baka hindi ako makapag focus nyan, pinapakilig mo ko.

"Eme mo"

_____________________________________________________

Nasa backstage na kami at naunang rumampa ang mga lalaki, isa isa talaga ang pag rampa namin ngayon sa evening gown para mabigyan ng kanya kanyang spotlight ang bawat isa.

Pinanood ko lang si David mag lakad, punong puno ng confidence ang lakad nya. Parang hindi man lang dinadapuan ng kaba, nakangiti lang sya habang sumisigaw at pumapalakpak ang mga tao.

Nang marating nya ang gitna ay huminto lang sya saka ngumiti sa camera, gwapo na sya sa personal tapos ay gwapo din sya sa camera. Magaling syang mag project sa camera na akala mo ay isang professional na.

Lalong tumitingkad ang ganda ng mata nya nang tumingin sya sa lenses ng camera, pamiramdam ko ay ako ang tinitingnan nya.

Kahit pala sa tv ko lang sya nakikita ay ganon parin talaga ang epekto nya sakin, bumibilis parin ang tibok ng puso ko.

Happy Crush Lang Ba Talaga? [Completed] Where stories live. Discover now