Chapter Seventeen

Magsimula sa umpisa
                                    

Umikot ako para pagmasdan ang paligid. The place is like an old rural restaurant, with tables still filled with foods and drinks that people had left. The chairs are scattered around and no ounce of cleanliness can be reached by my own damn eyes.

"Filthy place." I murmured and tried reaching a chair to push it back properly. Unfortunately, my hand only passed through the wooden chair.

Gago, multo ata ako.

Bago pa ako makahanap ng paraan para makagawa ng ingay, isang babae ang pumasok. May mahaba itong buhok at halatang nagmamadali. Her big brown eyes scanned the room—akala ko mapapansin niya ako, pero nilagpasan lang niya ako— until she spotted someone from the farthest table.

Ano 'bang punto nitong nakikita ko?

Pinanood ko nalang ang babae na nagmamadaling maglakad papunta sa dulong lamesa—kung saan pala may lima 'pang naghihintay sa kanya. And that group looked so painfully familiar.

"You're late." Agad na bungad ng isang lalaki. "Kanina pa kami andito. Sinasayang mo lang ba oras namin, Emariz?"

"The rain was pouring hard, Alextair. Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung ayos lang ako?" Sagot nalang nung Emariz na kakarating lang habang hinahawi ang mahabang buhok.

"Eto, eto." Isang lalaki ang tumayo at inabutan siya ng puting tuwalya. "Magpatuyo ka muna."

Pinanood ko ang dalawa na magtitigan muna bago tinanggap ni Emariz ang panyo mula sa lalaki. "Salamat, Gerthan."

"Tsk. Tsansing." Umiling nalang ako.

"Ayun nga." Hindi pa tapos si Emariz na punasan ang kanyang basang buhok ay nagsalita na agad siya. "Alam kong mahirap paniwalaan, pero ako ang pinili ni Mater Fana na inumin ang dugo niya at kayo kayo ay pinili niya para magkaroon ng kapangyarihan."

Oh, shit. Everything clicked inside my brain. Sila ang unang henerasyon ng nagdadala ng mahika mula sa Mater Fana.

"Bullshit." Iyon nalang ang nasabi ko habang nilibot muli ang tingin sa palagid. Ano 'ba ang pwedeng gawin para makaalis na sa panaginip na ito?

"Hangga't hindi ko pa nahahanap ang maaring paraan para magising si Mater Fana at ang Malum Duvris, tayo tayo ang kikilos para masigurado na hindi na lalo 'pang kakalat ang kadiliman at impluwensya ni Malum Duvris." Tuloy tuloy na paliwanag ng babae.

"Parang ang hirap naman nun." Sabi ng isang babae sa gilid habang nakatingin sa itaas. "Biruin mo, pwersa mismo ng Malum Duvris, kalaban natin?"

"Tama si Qentana," sang-ayon naman ng isa pang lalaki na may suot na bilugang salamin. Halos napisil na niya ang sarili kanina pa dahil pinipilit niya siguro hindi mabigyan ng atensyon. "Hindi ko alam kung bakit kasama ako sa mga pinili ng Mater Fana."

"Zarimy, talaga 'bang kinukwestiyon mo ang desisyon ng dakilang si Mater Fana?" Sagot ni Emariz. "Ganoon ba ang iniisip niyong lahat? Sino ba tayo para mag alinlangan sa mga desisyon ng napakagandang si Mater Fana?"

"Eh ano naman ba kasi ang meron tayo para mapili niya?" Galit na halos si Alextair, nakakamo pa ang kamay niya sa lamesa. "Iyon ang hindi namin maintindihan!"

"Ni hindi ko kayang pumatay ng insekto, Emariz! Tsaka, parang hindi kapanipaniwala ang mga sinasabi mo," tugon ng babaeng nasa tabi lang niya.

Doon na mukhang nanlumo si Emariz. Nakatingin lang siya sa babaeng nagsalita. "Julicia naman, pati pala ikaw ay hindi naniniwala?"

Pero agad din namang bumalik ang seryosong mukha ni Emariz. "Kaya 'nga tayo biniyayaan ni Mater Fana, hindi ba? Ang mga mahika na binigay sa atin niya ay dapat nating gamitin para sa ikawawagi natin."

A Happily Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon