Chapter Thirteen

5.5K 175 1
                                    


TAPOS na siyang kumain ng sandwich at kasalukuyang nagmumuni-muni habang nakatingin sa mga laman ng bag niya nang marinig niya ang malakas na tili na galing sa itaas. Mabuti na lang at medyo malayo sila sa ibang rest houses- otherwise, baka may mga tao nang nagsipuntahan para makiusyoso kung bakit may tumitili.


Mabilis siyang umakyat para puntahan si Meg na alam niyang nagpi-freak out na ng mga sandaling yun. True enough, pagkakita sa kanya ni Meg ay galit ang agad na isinalubong sa kanya ng dalaga. Binato siya nito ng baso na nakalapag sa tabi ng foam. Mabuti at hindi siya tinamaan.


"What did you do to me? Where am I?"


"Relax. Gusto lang kitang makausap."


"You drugged me!" akusa nito, puno ng hinanakit ang mga mata.


"Meg, wala akong choice! Ilang beses na kitang gustong makasama, lagi kang wala. Lagi kang sumasama kung kani-kanino?"


"What? What the hell are you talking about?" gulat ito, pero galit pa rin. "I want to go home! This is kidnapping!"


Napahawak sa sariling buhok si Wani, marami siyang gustong sabihin sa dalaga pero ayaw niyang salubungin ang galit nito.


"I just want to talk to you," mahinahong wika niya.


"I want to go home!" sigaw uli ni Meg.


"Meg, I'm sorry for everything. Sa lahat-lahat ng mga ginawa ko noon at ngayon. I am so sorry. Kung alam mo lang.."


"No, I don't know what you're talking about. I want to go home."


Akmang lalapitan niya si Meg pero umatras ito. Agad na naging alerto. Halos madurog ang puso niya. Ganun ba ang pagkamuhi sa kanya ng babaeng mahal niya?


"Meg, hindi ako masamang tao. Believe me, wala akong masamang intension sayo. Pasensya ka na kung pinatulog kita. That was the only way para maisama kita dito."


"Where am I? What is this place?" Nahagilap ni Meg ang lampshade at akmang ibabato sa kanya pero maagap ang binata. Agad niyang nahawakan ang isang kamay ng dalaga at naagaw ang lampshade.



Nagpumiglas si Meg, nanlaban sa kanya. At one point ay natadyakan siya nito sa sikmura. Mabuti na lang at matibay ang katawan niya, otherwise baka siya ang nawalan ng malay. Pilit niyang pinapayapa ang dalaga pero daig pa nito ang tigre- matapang at walang sinasanto. Walang choice si Wani kundi gawin ang kanyang back-up plan. Hinalikan niya si Meg!


Kitang kita niyang nanlaki ang mga mata ng dalaga. Pero imbes na magpumiglas, tila bumigay ito sa kanya!




PARANG panaginip ang lahat. Of course it all started with a kiss- ang gusto lang naman talaga sana ni Wani ay payapain si Meg sa pagwawala nito. Kaya niya nagawang halikan ang dalaga. Nakahanda siyang masampal o di kaya'y ulanin ng mura, tadyak at kung ano pa- pero walang ganung nangyari. Sa halip ay eto sila ngayon ni Meg, magkatabi sa foam na nasa sahig.


Nakapikit ang mata ni Wani pero gising na gising siya. Nakayakap sa kanya si Meg at tanging kumot lang ang nakatakip sa kanila. Gusto na sana niyang gumalaw pero hindi niya magawa- takot siyang biglang mawala ang 'magical moment' nilang iyun ng dalaga.


"Hindi ba tayo kakain? I'm hungry," narinig niyang bulong ni Meg, na nakapikit pa din ang mata.


Sasagot sana si Wani nang may mapansin siya.


"Tagalog yun ah?" idinilat niya ang kaliwang mata at tiningnan si Meg. Bahagya itong nakangiti. "Kelan ka pa natutong magtagalog uli?"


"Marunong naman akong magtagalog ah.."


"Pero simula ng bumalik ka, panay English lang ang naririnig ko sa'yo..." pinisil niya ang ilong ng dalaga.


"That's because I didn't want to talk to you in the first place.... Naiinis ako sa'yo."


"Naiinis... e di ba hindi mo na nga ako natatandaan?"


Akmang babangon si Meg pero pinigilan ito ni Wani at niyakap. Kung puwede nga lang wag na niyang pakawalan ang dalaga.. ganun na lang sila habang buhay.


"Saan ka pupunta? Dito ka lang muna." Sa isip at puso ni Wani, kahit anong mangyari, hinding hindi na niya hahayaang mawala pa uli sa kanya si Meg. Masyadong mahaba na ang panahong nawala sa kanila.


"Nagugutom nga ako... saka gusto kong mag-CR." tila biglang nahiya ang dalaga nang tumayo dahil agad nitong hinila ang kumot at itinapis.




Si Wani naman ang biglang nagpanic sa paghahanap ng maipantatakip. Kitang kita niyang namula si Meg nang makita kung ano ang pilit niyang itinago.


"Nasa ibaba ang CR. Teka, magbihis ka muna. Sasamahan kita pababa."


"I can manage," ani Meg na mabilis na nakapagsuot ng damit. Bumaba na ito habang nagtatapis ng tuwalya si Wani.



Pagbaba niya ay nakita niyang nakatayo si Meg at hindi dumiretso sa banyo. Nakatingin ito sa likurang bahagi ng kanilang tinutuluyan. Nang lapitan niya ito, nakita niyang nagpahid ng luha ang dalaga.

Forever In My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon