Prologue

14.4K 219 3
                                    


NEVER pa niyang ginawa ang mangidnap ng tao. Pero iba pala kapag oras de peligro, kahit ano magagawa ng nagigipit!


No, hindi siya gipit sa pera. Hindi siya poor! May ipon siya sa bangko at may naka-time deposit pa. May sarili na rin siyang lupa na nabili noong isang taon. Hindi man siya kasing-yaman ng mga Instik at lahing Espanyol sa Forbes Park, hindi naman siya dukha at alipin sa gigilid.


Wala lang siyang choice dahil hinihingi na ng sitwasyon ang isang drastic move. Mabuti na lang at sanay siya sa mga critical circumstances- in fact, na-train siya nang husto noon kaya naman meron pa siyang grace under pressure.


Napatingin siya sa babaeng natutulog sa foam na nasa sahig. Napakaamo ng mukha ng babae, tempted na siyang halikan ito- and God knows what would happen next. Pero hindi siya ganun. Guilty man siya sa kidnapping, hindi naman siya masamang tao. Lalong hindi siya rapist!


Ipinasya niyang lumabas na lamang muna. Bitbit ang maliit na sports bag na naglalaman ng mga importanteng bagay na matagal niyang iningatan- literally sa baul na bigay ng lola niya- umupo siya sa isang malaking bato na nagsisilbi talagang upuan ng mga taga-roon sa lugar na iyun. Kahit papano ay gutom na siya, mabuti na lamang at may dala siyang mga sandwiches at ilang litro ng tubig sa isa niyang bag, yun na lang muna ang nilantakan niya. Habang kumakain ay binuksan niya ang sports bag. Tumambad doon ang iba't ibang abubot, mga sulat, cards, pictures at kung anu-ano pang mga bagay.


Matagal na niyang hindi nabubuksan ang naturang bag. Mga fourteen years na yatang nakatago lang iyun. Kagabi lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na buksan uli yun. At ngayon ay daig pa ng Angat Dam ang pag-agos ng kanyang memory bank. Kung hindi pa sumigaw ang babaeng nasa loob, malamang na nalunod na siya sa rumaragasang mga alaala.


Huminga muna siya ng malalim para makahugot ng lakas. Oras na para harapin niya ang sitwasyon.


It's now or never.



Forever In My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon