Chapter Six

5.4K 175 5
                                    


Present



"NAGKAUSAP ba kayo ni Meg?" tanong ng mama niya nang makauwi sila. Nakasalampak lamang siya sa sofa at tinatamad pang umakyat sa kuwarto niya para magbihis.




"Hindi gaano," nahihiya siyang sabihin sa ina na inisnab siya ni Meg. Baka mamis-interpret pa siyang nagsa-sourgraping. E ano naman kung di na siya matandaan ng babae? Nabawasan ba ang pagkatao niya?




Pero nasaktan ang ego niya. Kung puwede nga lang bang sabunutan si Meg, baka ginawa na niya.




Paano kaya gumanda ng ganun yun? Hindi niya makalimutan ang itsura ng babae- para kasing Hollywood actress! Pag nakita yun ng mga talent scouts na bading na nagkalat sa mall, tiyak na aaluking mag-artista. Tapos sasali sa reality search. Tapos sisikat sa buong Pilipinas pati sa mga taga-TFC. Mas lalong magiging isnabera ang bruha! Or worse, baka biglang makapag-asawa agad!




Pero teka, ano naman ang pakialam niya kung ano ang magiging kapalaran ni Meg ngayong nagbalik na ito sa Pilipinas? Ayaw mang aminin ni Wani sa sarili, hindi matatawaran ang interes niya ngayon sa kapitbahay na balikbayan!




"Ma, hanggang kelan ba sina Tita Margarita dito?" Kailangan maging close uli sila ni Meg para hindi makasingit ang mga pahamak na talent scouts!




"Ang alam ko mananatili na dito sina Margarita kasi gusto yata ni Lisandro na magkaroon ng sariling clinic. Si Meg lang yata ang babalik ng states."




"Hindi puwede!" nasambit niya bago pa man napigilan ang sarili.




"Anong hindi puwede?" nagtatakang napatingin sa kanya ang ina na noo'y paakyat na rin sana ng hagdan.




"Ang sabi ko hindi puwedeng hindi natin sila asikasuhin. Magluto ka ng masarap bukas ma, tapos dito sila maglunch."




Ngayon lang uli nakaramdam ng excitement sa buhay si Wani. Oo nga at exciting ang kanyang propesyon, aside from flying military aircrafts and saving lives- marami siyang lugar na napupuntahan. Pero sa lovelife department, bokya siya.





Forever In My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon