Chapter Eight

5.2K 173 1
                                    


"BOK, kanina pa kita napapansin na tulala. Mukhang di kayang hukayin ang lalim ng iniisip mo ah."


Napatingin si Wani sa kapwa piloto at kaklase sa PMA. Hindi man lang namalayan na nakalapit na pala sa kanya si Zeus!


"Wala, may iniisip lang ako." Sasabihin ba niya sa mistah na bagama't nasa Cebu sila ng mga oras na iyun ay nasa Maynila naman ang isip at puso niya? Tiyak na sangkatutak na tukso ang aabutin niya!


"Obvious namang may iniisip ka. Hindi mo na nga kami napapansin kahit ilang beses na kaming dumadaan dito." Nasa likod pala ni Zeus si RV at nakangisi. "Alam mo, babae lang ang puwedeng magpatulala sa isang lalake ng ganyan."



Muntik nang maubo si Wani sa narinig. Ang lakas naman yata ng radar ng mga kasama?



"Sinong babae naman ang iisipin ko?" agad na depensa niya.



"Yun ang gusto naming malaman, bok." Si Zeus uli.



"Kanina niyo pa ako pinag-uusapan?"



"E kanina pa nga kasi tulala!" tuluyan nang napahalakhak si RV. "Ano bok, in love ka na ba? Share mo naman sa amin, tutal tayo-tayo lang naman ang nandito."



"Oo nga. Saka boring ang araw na ito, kaya ikaw lang ang pag-asa naming sumaya!" Pati pala si Hansel na akala ni Wani ay natutulog sa isang tabi ay nakikinig sa usapan nila.



"Anak naman ng tokwang buhay 'to! Ako pa ang ginawa niyong source of entertainment!" Natawa na rin siya. Magagawa ba naman niyang magalit sa mga mistah gayung marami na silang pinagsamahan ng mga iyun. More than blood brothers ang turingan nila.



"So in love ka nga?" ayaw tumigil ni Zeus- palibhasa ito ang pinaka-chickboy sa kanilang mga piloto.


"Hindi nga!" tumayo na siya at kinuha ang cellphone na nakalapag sa table. Kanina pa sila naka-standby sa may hangar at naghihintay kung makakapagbiyahe sila. "Balik muna ako sa kuwarto ko. Inaantok ako."



"Ang daya mo naman, nagbakasyon ka na nga, di ka man lang nagkukuwento!" si Hansel uli.


"Kapag may magandang balita na, magpapainom ako!"




ISANG linggo nang nakabalik sa Cebu si Wani. Tapos na ang bakasyon niya, pero bitin ang pakiramdam niya. Nakakahiya mang aminin pero lagi niyang naiisip si Meg. Pero hindi naman niya masasabing in-love siya. Parang OA naman yun.


Ang isang explanation na naiisip niya ay dahil challenge ang dating ni Meg sa kanya. At nasasaktan din ang ego niya dahil dati ay alam niyang kayang-kaya niyang paamuhin ang babae, pero ngayon ay mailap pa ito sa unicorn!

Forever In My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon