But how he gets mad in front of the production team is so fvcking different.

Did he already know?

Napapikit ako kasabay ng pagtulo ng luha sa pisngi ko noong sumigaw ito at umalingaw-ngaw sa bawat sulok ng office niya. Kahit nanghihina na at nanginginig na ang buong pagkatao ko ay pinilit kong dahan-dahan isarado ang pinto para hindi na makita ang mga nangyayari ro'n.

Napasandal ako sa gilid ng pader at tinakpan ang bibig gamit ang dalawang kamay upang hindi maglikha ng ingay mula sa pag-iyak. Pinilit kong maglakad papunta sa desk ko kahit nanghihina ang mga binti. Bumagsak ang mga tuhod ko at napaluhod nang makarating sa lamesa, gumapang ako papunta sa ilalim no’n at do’n humagulgol.

Sinubukan kong alisin ang mga scenario na kanina pa pilit pumapasok sa isipan ko. Fvck. Napasabunot ako sa buhok ko at pinagu-untog ang ulo sa tuhod ko.

“ahh.. p-pls.. tama n-na.. sobrang sakit na p—”, pagmamakaawa ko nang kaladkarin ako nito papunta sa kwarto gamit ang buhok ko.

“Sobrang sakit na?”, nanggagalaiting tanong nito.

“Wala pa ang sakit na 'yan sa sakit na idinulot mo sa akin.”, wika nito at binalya ako sa pader.

Napangiwi ako sa sobrang sakit nang tumama ang likod ko.

“TANGINA MO. KUNG ALAM KO LANG NA IKAW ANG MAGDADALA NG KAMALASAN SA BUHAY KO, SANA PALA HINDI KA NALANG NABUHAY.”, galit na galit na sigaw nito at pinagsisipa ako.

“Masaya na kami noon e…”, huminto ito at pinakatitigan ako.

“Noong kami lang…”, habang umiigting ang panga nito ay makikita sa gilid ng mga mata niya ang pamumula at pamumuo ng luha.

Napayuko ako at hinayaang tumulo nang tumulo ang luha sa mata ko. Tama siya. Kung alam ko lang din na ako ang magiging dahilan ng pagkasira ng buhay niya, pagkawala ng kaligayahan niya. Sana hindi nalang ako nabuhay.

They used to say I was the one who brought meaning and happiness to their lives. But that was before, when everything was all fine— not until the unexpected happened. I became the person who hated him the most. I was the person who caused him a lot of pain and longing for his beloved.

“I already regret it.. please..”, nagmamakaawang sambit ko habang humahagulgol.

“P-please.. t-tama na..”

Agad kong tinakpan ang bibig ko at i-sinubsob pang lalo ang sarili sa ilalim ng lamesa noong makarinig nang pagbukas ng pinto. Narinig ko ang bawat hakbang sa paglabas ng production team at makakarinig ka pa ng pagtatalo’t pagsisisihan nila. Nang maramdamang wala na ang mga ito ay dali-dali kong hinanap ang bag ko kung saan ko nailapag kanina at binuksan.

Kinuha ko ang box na pinaglalagyan ko ng mga gamot at kumuha ro'n habang nanginginig ang mga kamay. Pinipigilan ko ang bawat hikbi na kumakawala sa bibig ko dahil baka may makarinig sa akin. Pagkaraan ay inabot ko ang tumbler ko at agad na ininom ang mga gamot. Kinalma ko ang sarili ko at ilang minuto lang ay tumalab na rin ang gamot na ininom ko.

Matagal akong napatulala sa kawalan habang nakaupo pa rin sa sahig. Iniisip ang nangyari sa sarili kanina, dahan dahan kong pinunasan ang butil ng mga luha na kumawala sa mata ko. Huminga ako nang malalim at kinapa ang cellphone sa tabi ko.

Agad kong binuksan ito at hinanap sa phone book ang taong matagal ko nang hindi nakakausap. Sinubukan kong tawagan ito kung ito pa ang numero na ginagamit niya. Nakahinga ako nang maluwag noong mag-ring ito at maya-maya ay sumagot na rin.

“Hello, Ms. Bernardo!”, masayang bati nito pagkasagot palang ng telepono.

“H-hi, doc..”, sinusubukan kong hindi mabasag ang boses ko sa pagsasalita.

AT MY LOWEST ( Ongoing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon