CHAPTER 16

94 4 1
                                    

Ilang araw na ang nakalipas ay parang lalong bumibigat ang dibdib ko sa mga bagay na pumapasok lagi sa isipan ko. Sinubukan ko ituon ang atensyon ko sa mga ginagawa ko pero hindi ako mapakali. Lagi lang akong tahimik at wala sa mood makipag-usap. Noong nakaraang araw ay hindi rin ako nakasama noong lumabas ang mga girls dahil ayaw ko naman makita nila akong nagkakaganito kaya pinabigay nalang din ni Astrid kay Louise ‘yung pasalubong na para raw sa akin.

Alam kong nagtataka na rin ang mga taong nasa paligid ko sa mga kinikilos ko. Even Louise asked me why I wasn’t in the mood all the time. I just told her that I am busy and that I have a lot of things to do. Pero ang totoo ay hindi ko na rin nagagawa nang maayos ang trabaho ko.

Nakonsensya rin ako dahil tuwing naglalambing si Lucas ay lagi ko itong tinataboy at iniiwasan. Ramdam ko na palaging niyang pinagmamasdan ang bawat kilos ko. Alam kong marami na ring pumapasok na tanong sa isipan ni Lucas kung bakit ako nagkakaganito ngunit hindi niya magawang itanong sa akin.

“Aalis ka?”, napalingon ako kay Lucas nang pumasok ito sa loob ng kwarto. Tumango ako rito bilang sagot at nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit.

Lumapit ito sa akin at pinulupot ang mga braso sa beywang ko mula sa likod. Nakiliti ako nang halik-halikan ako nito sa leeg.

“Where are you going?”, bulong nito sa tainga ko.

“Somewhere.”, sagot ko at tinanggal ang kamay nitong nakapulupot sa akin.

Narinig ko ang mabigat na paghinga nito.

“Are you going out with the girls?”, tanong ulit nito.

“Yeah…”, maikling sagot ko at tinalikuran siya.

I’m sorry for lying.

Kinuha ko ang susi ng kotse ko at naglakad na palabas ng kwarto. Naramdaman ko ang pagsunod nito sa likod pero hindi ko nalang ito pinansin. Napahinto ako sa paglalakad nang magsalita ito.

“Reign..”, he didn’t call me with our endearment.

Lumingon ako rito at tinaas ko ang dalawang kilay ko, naghihintay sa sasabihin niya. He just stepped forward so he could inch the gap between us. He was staring at me intently. Bumuka ang bibig nito ngunit wala namang salita ang lumabas mula roon. Napalunok ito at ngumiti sa akin.

“Take care..”, wika nito. Napapikit ako noong halikan ako nito sa noo.

Agad kong iniwasang magkasalubong ang mga mata namin kaya nagpaalam na ako.

“Alis na’ko.”, saad ko at tuluyan ng umalis.



I dropped by a flower shop to buy a bouquet of white tulips. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang bulaklak na binibili ko habang inaayos ni manang. It was her favorite flower. I remembered those memories of how happy she was whenever she’d received a bouquet of white tulips, especially if it was from him.

I’ve been missing those smiles of hers.

“Salamat, ine!”, I smiled at Manang when she handed me the flowers.

“Thank you rin po!”, I said as I gave her my payment.

Bumalik na ako sa sasakyan at nilagay sa passenger seat ang bulaklak na binili ko. I started the engine and maneuvered the car into a place that I hadn’t visited for a long time. It has been a year since I last visited her.

Agad akong bumaba ng sasakyan nang makarating na sa lugar. Bitbit ang bulaklak ay naglakad ako papunta sa kaniya habang ginagala ang mga mata sa kabuuan ng paligid. Napakatahimik ng lugar at napakahangin. Napapikit ako nang biglang lumakas ang ihip ng hangin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 01 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AT MY LOWEST ( Ongoing )Where stories live. Discover now