Chapter 26 - I'm Lucky

395 6 0
                                    

GAB

Napaaga ang uwi ko ngayon at excited akong surprisahin si Aya. Namiss ko siya. Sakto siguro makikita ko siya sa office sa IE dahil pang umaga siya ngayon. May kailangan din akong asiskasuhin saglit doon. May mga documents na dumating para sa new account.

Nagmadali akong pumunta sa office ko at nagulat ako dahil open yon at nakita ko si Aya na may luha na nakatingin sa frame. Laging pinapaalala ni Mark na sabihin ko ang totoo kay Aya. Pero huli na ako. Nalaman na niya.

"Aya..." mahina kong tawag sa kanya. Agad niyang pinunasan ang luha nya at napatingin sa akin. Halatang nagulat siya sa pagdating ko. Lalapit na sana ako para yakapin siya.

"Hwag kang lalapit okay lang ako. Aalis na ako. Sorry kung pumasok ako sa office mo SIR." Sarcastic niyang sabi sa akin. Alam ko galit siya.

"Wait Aya, let me explain." Pigil ko sa kanya.

"Saka na tayo mag usap Gab. Masama pakiramdam ko." Mahina niyang sabi at hinila ko siya para mayakap.

"Sorry Aya.. hindi ko agad sinabi sayo." Bulong ko sa kanya pero nagpumiglas siya.

"Huwag mo akong yakapin dito. Baka makita tayo."

"Wala akong pakialam AYA! WALA AKONG PAKIALAM SA SASABIHIN NG IBANG TAO! WALA AKONG PAKIALAM SA KANILA! ANG ALAM KO LANG MAHAL KITA AT HINDI KO HAHAYAANG MAWALA KA SA AKIN!" malakas na sabi ko.

"Pero Gab. Masyado kang mataas. Ang hirap mong abutin. Hamak lamang akong empleyado dito hamak na tauhan mo pero ikaw. Ikaw ang may ari. Hindi ako bagay sayo." Naiiyak niyang sabi.

"YAN BA ANG MAHALAGA SAYO! ANG NASA PALIGID MO! Kala mo ba di ako nasasaktan Aya sa tuwing tinatago natin to. Kung kinakailangan kong iwan ang kompanyang to para sayo gagawin ko Aya. Please wag kang mawawala sa akin. Hindi ko kaya. I've been longing for you ever since the day I saw you. Aya kapag nawala ka hindi ko kakayanin at lalong hindi ako papaya na mawala ka. Ibebenta ko ang stocks para hindi na ako maging boss." Naiyak na ako dahil pakiramdam ko mawawala siya sa akin dahil ditto at hindi ako papaya na mawala sya. Mawala na ang lahat wag lang siya.

"Gab Im sorry. Im sorry kung mas inuna ko ang nasa paligid ko kaysa sayo. You made me so happy when you came on my life. You give a reason to live again. Hindi mo kailangang itapon ang mga pinaghirapan mo dahil sa akin." Ramdam ko ang init sa palad niya ng hawakan niya ang mukha ko.

"Pero kung dahil dito ay iiwan mo ako wala na tong halaga sa akin." Tugon ko sa kanya.

"Marami akong naririnig na ang bagong may ari ay napakalaki ng nagawa sa kompanyang to. I cant risks that. Mas marami umaasa sayo Gab and Im so proud of you."

When You're GoneWhere stories live. Discover now