Chapter 16 - knowing you.

426 8 0
                                    

AYA

Nakakatuwa si Melissa napaka bibo at napakabait na bata. Ang talaga tanggihan ang bata lalo na nagpapacute pa. Mabuti nalang nakapunta na ako kay Zee kaya hindi ko natanggihan ang batang ito. Hindi ko alam pero parang masaya talaga ako na lumabas kasama si Gab. Ngayon nalang ako uli nakaramdam ng may taong masaya na nakapaligid sakin. Nakakamiss ang ganito. Siguro masaya din si Zee na masaya ako ngayon.

"Aya hindi ka ba muna iidlip?" tanong ni Gab sakin.

"Hindi, humihilik kasi ako matulog." Natatawa kong sabi sa kanya.

"Alam ko HAHA!" natatawa niyang sabi. Oo nga pala nakatulog na ako sa kanila noong hinimatay ako sa elevator.

"Haha bahala ka nga diyan! Kala mo siya." Sabi ko sa kanya. "Nga pala Gab ano ang buong pangalan mo?"

"Gabriel Angelo Montemayor." Tipid niyang sagot. "Yong buong name mo ay Ayacielle Platenyo?" tama ba ako?

"Oo tama haha pano mo nalaman?" tanong ko sa kanya

"Nakita ko dati sa ID mo. Ganda nga ng pangalan mo unique pwedeng Aya pwede don Cielle." Nakangiti nyang sagot.

"At ikaw Angelo HAHA." Natatawa nanaman siya. "Haha kakaiba pag Angelo mas bagay sa itusura mo ang Gab."

"Naiinis nga ako kapag Angelo tawag sakin eh, parang bata kasi." Nahihiya nuang sabi.

"Ninong malayo pa ba tayo?" biglang nagising na sabi ni Melissa.

"Malapit na tayo Mel. Kunti nalang." Sagot niya sa bata.

Nang makarating kami sa Enchated Kingdom agad akong bumili ng ticket para samin. Masaya kaming naglakad lakad muna at isinakay sa mga kiddie rides si Melissa. Tuwang tuwa naman ang bata. Nanood din kami ng mga sumasayaw at ng mga nagpapalabas doon.

Nag bump car din kami habang sakay sakay ni Mark si Melissa sa kanya. Masaya kaming nagtatawanan at talagang nag eenjoy kami. Bandang ala una ng hapon nagutom kami at kumain kami ng tanghalian kahit medyo late na. Bigla namang nakatulog ang bata dahil sa pagod.

"Sir dito nalang muna kami nitong makulit kong pamangkin, mag enjoy muna kayo sayang punta nyo dito kung di kayo mag sspace shuttle at yong iba pang rides." Tugon ni Mark samin.

"Sure ka ba Mark? Ako nalang kaya magbantay sa bata para makapag enjoy ka rin. Don't worry I wont mind be with Mel." Nakangiti kong sagot kay Mark.

When You're GoneWhere stories live. Discover now