Chapter 8 - Trap?

Start from the beginning
                                    

"Sa totoo lang ayoko mag make up, kailangan lang talaga sa work at pati tong damit ko. Kung andito lang si Zee patay ako doon." Bigla kong sabi.

"Maam boyfriend mo? May lovelife ka pala Maam ee."

"Wala na siya.. Gone forever." Bigla akong nalungkot at nakita ko na tila natahimik sila. "Guys okay lang nuh. Tara lets go back to work."

Hindi ko napansin 2 years na pala ang nakakaraan mula ng mawala sya. Malaki na ba talaga pinagbago ko? Mukha nga. Pero ang di nagbabago sakin ay ang pagmamahal ko sa kanya. Gaano pa ba ako katagal maghihintay makasama siya?

Tapos na ako sa work at sumakay ng elevator. Natagalan nanaman ako at late na makakapunta ng sementeryo. Buti walang tao at mapapabilis pagbaba ko. Biglang huminto sa 31st floor at sumakay ang isang lalaking naka suit. Nagsara ang pinto at biglang parang nahulog ang elevator. Sobrang takot ko at napakapit sa gilid. Napuna ko na nasa Express na kami yong pagitan sa 12 floor to 25 floor. Kala ko susunod na ako sa kanya. Pero wag naman sana sa way na magkakalasuglasog katawan ko.

"Nakakalula naman yon." Sambit ng lalaki na nakasuit. Parang pamilyar boses nya pero di ko maalala. Baka nagkataon lang siguro na may ka boses siya. Pinaring nya ang bell sa emergency. "Sir sorry po nawalan ng control, nagkaproblema po sa elevator mga 20 minutes lang po Sir, okay na to. Ilan ho ba kayo diyan?" tanong ng crew na kausap nito na  may emergency button ng elevator.

"Wala ako lang." sagot nito.

"Anong ikaw lang. Ano ako multo! Kung di ka siguro sumakay dito, hindi magkakaganito." Naiirita kong sabi.

"Ay sorry may kasama pala ako. Dalawa kami." Sabi nito.

"Sige Sir gagawan naming ng paraan agad." Sagot ng crew.

"Try to expedite. I'll late in an important meeting." Kalmado pero ma-awtoridad nitong sabi. Bigla kong naalala na pupunta ako kay Zee at nahihilo na ako sa pagod at antok. Idagdag pa ang takot ko makulong sa isang masikip na lugar lalo na ang elevator. Wala akon g claustrophobia pero takot talag ako sa elevator, feeling ko kasi mahuhulog, at ayon nahulog nga.

"Ang tagal naman." Bulong ko.

"Miss okay ka lang ba namumutla ka na?" nag aalalang tanong nito at nakahawak parin ako sa gilid. Napansin nya ito.

"OO okay lang ako. Ang tagal kasi eh." Sabi ko sa kanya. Bigla naman kumulo tiyan ko. Hindi pa pala ako kumakain. Nahiya tuloy ako dahil tumawa yong lalaki. Para talagang nakita ko na siya pero hindi ko maalala. Sa katatawa nya kumulo din tiyan nya at pigil akong natawa.

"Nakakahiya naman gutom din pala ako." Sabi nya habang natatawa parin.

"Karma mo yan kasi pinagtatawanan mo ako." Pigil tawa kong sabi.

Biglang namatay ang ilaw at medyo natakot ako napapikit ako at nung magkailaw nasa tabi ko na sya at napasigaw ako.

"Kuya nakakagulat ka naman!" bigla kong sabi sa kanya. Mas lalo na akong nahihilo.

"Sir sorry po nagloloko pa din system dito. Wag po kayong mag alala ginagawan na naming ng paraan."

"Late na ako sa meeting ko. Wala na! Basta bilisan nyo nalang wla din kasing signal dito." Sabi uli ng lalaki.

Halos isang oras na ay nasa elevator parin kami. Medyo nakapagkwentuhan kami ng naka suit na lalaking to. Para siyang si Zee makulit magkwento at talagang natatawa siya kapag nakakatawa ang isang senaryo. Pero kahit pamatay takot naming kwentuhan lalo naman akong nahihilo at sumasakit na ulo ko. Biglang parang nahulog nanaman ang elevator at natumaba ako sa kanya. Naramdaman ko ang pagyakap nya sakin na sya naman napasandal siya sa gilid.

"Okay ka lang?" tanong nya at talagang natatakot na ako. Bigla uling nahulog ang elevator at tuluyan na akong nawalan ng malay.

When You're GoneWhere stories live. Discover now