15

3 0 0
                                    


"Guys! May practice mamaya ha after class." Sabi ng President namin na si Vona. May bagong sayaw na naman kasi sa PE. Final requirement  sa'min kasi next quarter ay swimming na.

"Saan tayo mamaya?" Tanong ni Crizza.

"Sa bahay nalang ni Maria, may space sila doon e." Suggest ni Phobe.

"Okay lang na sainyo mag practice mamaya Ria?" Tanong ni Vona sa'kin.

"Oo okay lang, mas gusto pa nga nila lola e." Sagot ko sa kanila.

"So settled na ha my dear classmates! Sa bahay ni Maria mamaya, 7 pm sharp!" Sabi ni Vona. Nag chat na rin siya sa gc namin para sa mga kaklase kong absent. 

"Hindi ba magagalit lola mo?" Tanong ni Hubert sa'kin.

"Mukhang strikta lang si lola pero mabait yun." Nakangiting sagot ko at tinapik siya sa balikat. 

Teacher kasi ang lola ko dati sa elementary school kaya ang paningin ng mga estudyante nya noon ay strikta. Kahit sino ay yun ang assumption nila sa'min, kahit ako na palaging ngumingiti ay nahihinalaan paring strikta. 

"Sasabay ka sa'min mamaya?" Tanong ko kay Shia. Nakaupo kami sa Row namin dahil nandoon si Jolen. Alam niya kasing pinagseselosan ko si Jolen. Inamin ko sa kanya noong nasa bahay kami.

"Hindi, magluluto pa ako mamaya e." Sagot niya at napatango naman ako. Hinawakan ko ang kamay niya. I caressed her hand using my thumb and pasimple akong yumuko para halikan ang kamay. 

Hubert saw that, he gave me a look as if I'm doing something atypical.

Tinaasan ko siya ng kilay at agad niya akong pinalo sa braso. 

"Ano?" Tanong ko sakanya at mahinang tumawa. Napatingin din si Shia sa kanya dahil sa biglaang pagpalo niya sa'kin. 

"May hindi ba kayo sinasabi sa'kin?" Tanong niya at siningkit ang mga mata niya.

"Oo yung crush mong grade 10 may kahalikan sa panaginip mo." Pang-aasar ko sa kanya.

"May crush si Hubert sa grade 10?" Tanong ni Shia sa'kin.

"Ewan ko, palaging dumadaan yan doon e." Pang-aasar ko sa kanya. 

"Boba may kapatid ako doon!" Sagot ni Hubert sa'kin.

"Talaga? Sweet home alabang." Pang-aasar ko at malakas na tumawa, halata na sa mukha ni Hubert ang inis kaya tinakpan niya ang bunganga ko gamit ang kamay niya. Hindi na ako makahinga kaya nabitawan ko ang kamay ni Shia at sinambunotan si Hubert sa buhok. 

"Tama na nga!" Sabi niya at binitawan ako. Mahina ko siyang tinampal sa pisngi dahilang napasama ang tingin niya sa'kin.

Tahimik lang si Shia sa gilid namin kaya napatingin ako sa kanya. "Ok ka lang?" Tanong ko sa kanya. 

"Oo." Sagot niya. Ang cold pero hindi ko na pinilit dahil baka magalit siya. Hindi ko rin naman siya iniwan at nanatili lang ako sa tabi niya, waiting for her to talk. 

"May naisip na kayong choreo?" Tanong ni Merly sa'min. Nasa bahay na kami at Calisthenitics ang sasayawin namin. 

"What if gamitin natin yung mga lumang props na nasa stock room?" Suggest ni Clarisse sa'min. 

"Oh tapos anong gagawin natin?" Tanong ni Aria kay Clarisse.

"Yun na yun, ano pa ba?" Sagot ni Clarisse.

"Manood nalang muna tayo ngayon sa youtube, marami tayong mapipilian doon." Suggest ni Merly. 

"Pwede rin." Pag sasang-ayon nila kay Merly. Naka upo si Shia sa may pinto ng bahay namin kaya tumabi ako sa kanya.

Let me write a StoryNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ