9

5 0 0
                                    

"1 week na ah, hindi pa rin kayo nagpapansinan?" Tanong ni Hubert sa'kin. Nasa tabi ko siya at ako naman ay nanonood lang ng mga reels sa fb.

"Hayaan mo na, masaya na sya sa buhay niya." Sagot ko sa kanya.

Wala na akong intention na gulohin siya. Ok na yung ilang buwan na nakasama ko siya. Kahit minsan ay nag m-mukha na akong tanga dahil sa sariling iniisip.

Dapat happy crush ko lang siya pero tingnan mo ngayon o, iyak.

"Sure ka? Sayang naman." Sagot niya at tumayo na para lumabas. Maglalaro na naman siya ng ML kaya hinayaan ko na.

"Oyy Grade 12 prepare na! Malapit na mag 12:30!" Sigaw ng Classroom president namin na si Vona. Oo siya ang Classroom at SSG President. Multitasking sana all!

May sayaw kami ulit sa PE eh. By section na ngayon tapos pop dance. Isang kanta ang sasayawin namin at may choreo na sinend si Ma'am Gracie para sa chorus, the rest ay kami na bahala.

Si Merly na ang nag choreo para sa'min. Dancer siya at part ng dancer's club, pangalan naman ng club nila ay likas indak at kasama niya si Aria at Christine. Lahat sila ay k-klase namin kaya wala kaming problema sa pag practice.

Maliban nalang sa mga boys na nag e ML sa gilid pero sa huli ay cooperative naman sila at minsan nag s-suggest din kaya wala talagang problema.

"Sayang mag r-rank sana ako e." Reklamo ni Hubert kaya napatawa ako.

"Wag ka nang sumali para kami lang ang may grado." Pang-aasar ko sa kanya. Iniripan niya lang ako at napatawa naman ako.

"Pasama nga, mag b-bihis ako." Sabi ko kay Hubert.

"Teka yung gamit ko, sasabay akong mag b-bihis." Sagot niya at hinalungkat sa bag niya ang T-shirt na color black.

Black lahat ang attire namin maliban sa sapatos na kulay white tapos may pintura rin na color white para sa mukha at kamay namin.

"Ikaw na mauna." Sabi ni Hubert nang makarating ako sa Cr. Tumango naman ako at hindi nag protest, mas mainam na mauna kasi crowded na to mamaya.

Hindi ko na inayos ang buhok ko dahil may mag b-braid mamaya sa buhok ko mamaya. Yun ang napag-usapan e.

Pagkatapos ko ay sumunod na si Hubert. Madali naman siyang natapos dahil T-shirt lang pinalitan niya. Mabuti nalang talaga at nauna ako dahil nakita ko ang pila sa labas ng CR.

Yung iba ay tig dalawa na silang pumasok para sabay mag bihis kaya nag expect ako na parang matitigil ang ibang klase dahil grande ang activity ng Seniors ngayon.

Nakita ko si Shia na nasa labas ng classroom, malapit lang siya sa Railings at parang nagpapahangin.

Mag-isa lang siya doon kaya hinayaan ko na, nakita ni Hubert ang pag tingin ko kay Shia kaya naman napa iling si Hubert na parang nag hihinayang siya sa'min.

Nag pa braid muna ako ng buhok kay Sandra at nag make up na rin ako dahil trip kong mag lagay ng red glitters sa mata. Nag lagay na rin sila kaya naman napangiti akong binigay ang make up palette ko.

Nowhere to be seen si Hubert, iniisip ko na nag ML naman yon sa labas kaya nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at dinala sa labas.

Agad namang dinaga ang dibdib nang makita na papunta kay Shia. Shuta! Hindi pa ako handang harapin siya!

Lumakas ang tibok ng puso ko habang papalapit kami sa kanya. Gusto kong mag protesta pero mas malakas si Hubert sa'kin kaya kahit ayaw ko ay tangay na tangay niya parin ako.

Let me write a StoryTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang