12

4 0 0
                                    


"Congratulations Team!" Bati ni Phobe sa'min. Ako, si Crizza, Hubert, Phobe, Aila at Joan ang magka grupo sa Research. 

"Congrats guys!" Bati ko rin sa kanila. Approved din ang sa'min kaya pwede na kaming magpa survey sa mga grade 7, sila kasi ang respondents sa study namin. It was my idea to make the grade 7 students as our respondents because i can myself having the same struggle with them when i was in that grade. 

"Picture muna tayo guys!" Suggest ni Phobe at agad naman kaming nag pose. Si Naida ang kumuha ng litrato namin, may iphone sya e sana all! She's so humble about having luxuries in her hands despite studying in public school, hindi niya pinamukhang mahirap kami. I admire her for being kind and humble.  

Hindi rin sila mayaman pero ang tatay niya ay nagsisikap para sa anak niya, it's good to see na may tatay who's willing to go beyond for his daughter. Sana all. 

Pagkatapos ng picture taking ay bumaba na kami, may ibang strand pa na mag d-defend. Yung ibang k-klase ko ay nanonood sa defense sa taas. 

"Nakita ko yun kanina." Bulong ni Joan at siniko ako. Naka ngisi pa siya na para bang nang-aasar kaya tinaasan ko siya ng kilay. 

"Yung ano?" Tanong ko sa kanya.

"May pa kiss sa pisngi bago mag defense ha! Grabe naman kayo, awang-awa na'ko dito o!" Pang-aasar niya at agad naman akong napangisi dahil sa tuwa at kilig nang maalala yung ginawa ni Shia kanina. 

Pang-aasar lang ni Joan ang hindi nakakapikon dahil nakakakilig e shuta!

"Tuwang-tuwa amputa." Pang-aasar niya dahilang napahalakhak ako. Napatingin sa'min si Crizza at Phobe pero wala akong pake! Masaya ako e ano ba?

"Alam mo noong nag away kayo doon lang lumapit si Shia sa'min." Pag k-kwento niya. My eyes widen due to unexpected information that i gained from her. 

"Hala paano mo nalaman na nag-away kami non?" Tanong ko sa kanya, still in shock.

"Hindi kayo nag pansinan e." Tawa niya. "Noon kahit wala pang 2nd subject tapos may quiz, lilingon sana ako sa likod para mangopya pero nagulat nalang ako nang makita na magkatabi kayo." Dagdag niya at mahinang tumawa.

"Ang aga-aga pa lang pero si Shia nasa kabilang row na, tumabi pa sayo. Hindi naman kayo nag k-kopyahan dahil magkaiba kayo ng score pero ang hindi ko maintindihan noon ay bakit magkatabi kayo?" Natatawang sabi niya at hinawakan ako sa balikat. 

"Naalala ko yung sinabi ni Clarisse sa'kin na hindi ka straight kaya inisip ko nalang na kunwari bff kayo pero lowkey lovers pala." Sabi niya at tinapik ako sa balikat. Nakangiti pa siyang pumasok sa room, hindi nya'ko hinintay o ang sagot ko!

Pero i also wish na kahit ganon ang situation namin tanggap ko. I can see myself in that situation pero syempre ayaw ni Shia. I have to remind myself na hindi na magpapadala sa nararamdaman ko kung ayaw kong mawala ng tuloyan si Shia. 

"Magbibihis ka?" Tanong ni Hubert sa'kin. Kakalabas niya lang galing sa classroom at bitbit pa ang damit niya. 

"Hindi na, uuwi naman tayo mamaya e." Sagot ko. Tumango naman siya at pumunta na sa Cr. 

Pumasok na rin ako sa room at nakita ko si Shia na naka upo sa taas ng lamesa, kausap niya si Jolen. Napatingin siya sa'kin at ngumiti naman ako sa kanya, tumango siya at pumunta na ako sa upuan ko para ligpitin ang gamit ko. 

Jolen. Simula grade 5 pa lang sila ay magkakilala na silang dalawa. I was wondering if noong nasa North pa si Shia ay nag-uusap pa rin sila because if they do, i might be the one who's in the middle of line. 

Let me write a StoryWhere stories live. Discover now