5

5 0 0
                                    


"Ayaw ni mama na mag girlfriend ako."

"Hmm?"

"Pastora siya at umiiwas na ako sa mga hentai para mapalapit kay god."

Naka upo ako sa harap niya habang sinasabi niya sa'kin ang tungkol sa pamilya niya at gaano ka siya sa tapat ng relihiyon niya.

Nasa classroom kami at lamesa lang nag nasa gitna namin, i really want to pursue her but the thing is, she's too loyal and she follows her mom.

Wala naman akong karapatan na kwestyonin siya sa mga paniniwala niya lalo na't I'm the total opposite of her. She's responsible enough to follow the right thing.

She may look stern but i really don't know why I'm still interested in her when in fact i really don't want to be in a relationship kasi alam ko na may attachment issues ako but i still like her.

I don't want to hurt her.

To distract and distance myself away from her, i decide to run as Grade 12 Representative in our school.

"May seminar tayo sa math park." Sabi ng running vice president namin na si Jonathan. Si Jonathan ay galing sa ibang section pero grade 12 lang din. Matalino at marunong makisama sa mga estudyante kaya hindi na ako mag t-taka kung mananalo siya ngayong election as Vice President.

"Ayaw mo tumakbo sa mas mataas na position Maria?" Tanong sa'kin ni Crizza na tumatakbo as treasurer ng school namin.

"Ayoko, tama na tong representative total ito naman talaga ang gusto kong posisyon simula noon." Sagot ko sa kanya at ngumiti.

Nandito na kami sa math park at nag-isip na kami ng mga platforms na ipapatupad this school year, kung sakali manalo ako ay ok lang pero mainam na yung hindi.

Hindi kasi planado to at biglaan lang, ang mananalo ngayong election ay automatic na ngayon taon sila u-upo sa pwesto, hindi katulad noon na may debate at etc tapos next year pa u-upo sa pwesto.

Ngayong taon ay campaign at election nalang ang meron. Habang nag-iisip kami ay ang iba naman ay bumili ng kartolina at markers para sa campaign mamayang hapon.

"Mga plastic bottles na 1.5 pwede siyang taniman ng mga seedlings para sa mga TVL students." Suggest ni Loren.

"Oo tama, pwede yon tapos add mo yung mga clubs." Suggest ko.

"Clubs? Wala tayo non?" Sagot ni Kian sa'kin.

"Oo kaya tayo ang mag p-publish ng clubs. Sayang naman kung hindi natin ipapatupad para naman may katuwaan ang mga estudyante dito." Sagot ko at inaprobahan naman ito ng running president namin na si Vona.

Pagkatapos naming mag-isip ay nag lunch na muna kami bago pumunta sa grade 7 para mag campaign.

Nang makita ko si Shia ay agad ko naman siyang niyakap.

"Maria, wag!" Suway niya sa'kin habang tinutulak ako.

"Grabe, hug lang naman. Ayaw mo no'n miss na agad kita." Banat ko at nag flying kiss pa sa kanya.

"Ayoko sa physical touch at tigilan mo na yang pag f-flirt sa'kin." Suway niya sa'kin at iniripan ako.

Grabe ha!

Sabay kami ni Hubert at Shia kumain ngayon. Half day lang kami hindi nag kita pero grabe ang pangungulila ko sa kanya.

"Bakit ayaw mo ng hug? Hindi ka lumaki sa affectionate na pamilya no?" Pang-aasar ko sa kanya at tinusok tusok pa ang gilid niya pero agad niya namang kinuha ang kamay ko dahilang napa-holding hands kami.

Let me write a StoryWhere stories live. Discover now