09

6 0 0
                                    

Nang makauwi at pagkatapos maghugas ng pinagkainan, humiga na ako sa kama. Ramdam ko na ang antok ko pero biglang tumunog ang cellphone ko. Sunod-sunod ang pagtunog non dahil sa sunod-sunod rin na notifications. Tinignan ko ang notification bar at kumunot ang noo ko nang makita na puro fr at follow ang mga iyon.

Aldrin Serafino sent you friend request

Vander Seronio sent you friend request

Galvin Beniro sent you friend request

@caiavceline followed you

@diadahliavf followed you

see others...

Finollow back ko sina Caia at Dia. At ang mga basketball player lamang ang mga nagfr sa facebook at isa na roon ang tumawag sa akin ng bata. Halos 100 ang nagfr sa akin sa fb sa isang gabi. At ni isa wala akong inaccept.

Pagkagising, marami na namang notifications. Bukod sa fr, may mga message request rin. Masyadong papansin ang mga ito.

Nang maglunes, lutang akong umupo sa upuan ko. Napuyat ako kakareview dahil may surprise quiz raw kami sa math at english.

Hindi nga ako sigurado kung nagreview ba talaga ako o sadyang nagpuyat lang.

Natapos ang Math at English at puro quiz lang ang ginawa namin. Sana naman pinapabukas na lang nila. Kay-aga-aga ng lunes e.

"Ilan nakuha niyo?" tanong ni Elvira habang nilalagay ang straw sa milktea niya.

"Huwag mo nang tanungin" Reverie

"Sige sa Math muna"

"Huwag mo na ngang tanungin"

"Bakit, gusto ko e. Ikaw una Primrose"

"45 lang sa math, tas 43 sa english"

"Nagbibiro ka ba? LANG?"

"Literal na example ng paano mang insulto ng hindi nang-iiinsulto"

"Huh?"

"Nahiya naman score ko na 28 over 50 sa math at 30 over 45 sa english"

"Nagreview ka no"

"Malamang"

"Naman pala. Bakit?"

"Anong bakit?"

"Bakit di mo kami pinakopya" nag-apir pa sila sa harapan ko at humalakhak.

Ngumisi na lamang ako.

"Ako nga 25 lang sa math tas 40 sa english. Nakakainis"

"Magreview kasi kayo"

"Sus, ang damot mo kasi magpakopya e"

"Magpakopya ka diyan"

"See damot talaga"

"Tumigil ka na nga, magreview kasi kayo next time"

"Oo na po" sabay nilang sambit.

"Oo nga pala, may laro ba mamaya?"

"Bukas pa tapos sa friday"

Nasali ako sa gc ng mga basketball team ng Treviso kaya naman alam ko ang schedule ng mga laro.

"Iba talaga pag muse, updated sa mga laro"

"Edi ikaw na magmuse"

"Ayoko nga, baka matawag din akong bata"

Inirapan ko sila nang tumawa sila matapos sambitin ni Elvira iyon.

"Ewan ko sayo"

Natapos ang klase namin sa umaga kaya patungo na kami sa mga triycle para pumunta sa isang kainan sa labas. Doon kasi ang gustong kainan ngayon ni Reverie.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 12, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Heartbeats Under The Sun (summer)Where stories live. Discover now