08

3 0 0
                                    

Kinuha ko ang maliit na unan tsaka ibinato iyon sa kaniya na tawa ng-tawa ngayon.

"Nagbibiro ka ba?!"

"Seryoso ako" sambit nito sa gitna ng tawa niya.

At kinabukasan, tinanong na nga nila sa akin kung ano ang size ng magiging jersey ko.

"Si ate nalang po" sambit ko sa coordinator.

"Ikaw naisulat e, naipasa na" sambit namang ng sk.

Minura ko si ate sa isipan ko.

"Tsaka maganda ka naman hija" sambit ni kapitana.

"Oo nga, matangkad at malakulay golden ang kulay ng kutis!" pagsang-ayon ni sk.

"13 pa lang po ako"

"Ano ngayon? Be confident" sabat ni ate.

Inirapan ko ito. Sa huli sinabi ko na lamang ang size ng jersey ko.

Pagsapit ng Sabado, nagsimula na ang parade dito sa bayan ng Treviso. Kung sino ang mananalo sa basketball ngayon ay siyang makikipaglaban sa mga iba't ibang bayan ng provincia ng Trigueros.

Nakasuot sa akin ngayon ang kulay puting jersey na tinernuhan ko ng berdeng skirt at ng puting high cut converse. Nibraid ako kanina ni ate. Iniabot sa akin ng captain ng basketball team ang banner. Si Faolan.

Silang walo rin lang naman ang magkakateam. Faolan, Savero, Jairo, Theon, Neo, Armel, Deo, at Seb. Napunta sa volleyball team ang ilang miyembro ng basketball.

Nagpraktis kami ni ate sa pagrampa kemerut pero heto ako nakayuko at kinakabahan. Natapos ang parade kaya irarampa na raw ang mga banner. Ibinigay ni Faolan sa akin iyon tsaka nagtungo sa kateam.

"Bakit naman bata ang muse ng Treviso" rinig kong sambit ng isang manlalaro na siyang nagpainis sa akin.

"Gago, narinig ka yata"

"Ulol, cheer ko pa si baby girl e"

Pinigilan ko ang sariling patulan ang batang hindi mahal ng kaniyang mga magulang. Walang modo.

Ikatlo akong rarampa kaya naman ang kaninang kaba ay napalitan ng inis. Na ngayon ay naging kumpiyansa para sa sarili. Bata pala ha.

Isang hakbang ko pa lang ay nagsihiyawan na ang mga kabaranggay ko. Rinig ko ang malakas na boses ni ate at ang mga sigaw ng players. Ginaya ko ang ginawa kanina ng muse sa kabilang team. Binigyan ko ng flying kiss ang pwesto ng mga manlalaro. Pero itinapat ko iyon kay Seb na siyang mas lalong nagpahiyaw sa kanila. Hindi ko naman ipinahalata na sa kaniya ko iyon ibinigay. Hehe

Napatingin ako sa lalaking nagsambit na bata ako. Humihiyaw rin ang mga ito. Pinigilan ko ang umirap sa narinig mula sa grupo nila.

"GO BABY GIRL! GANDA MO!"

Hindi ko na siya tinignan pa at ipinagpatuloy na nirampa ang banner. Nang natapos ay nakilinya ako sa mga kawpa ko muse. Nang nakarampa na silang lahat ay pinagsayaw naman kami. Ganito ba talaga ang ginagawa ng mga muse?

Nang natapos ay iniannounce na kung sino ang unang maglalaro. At napangisi ako nang sarkastiko dahil ang team ng baranggay namin at ang team ng kinaiinisan ko ang unang maglalaro.

Nasa gitna si Faolan at yung kaibigan ng isang papansin. Pumito ang referee at nakuha nina Faolan iyon, ipinasa niya ito kay Deo. Humarang ang dalawang manlalaro kaya ipinasa niya ito kay Seb na hinaharangan nung papansin. Pinekeng ishushoot ni Seb ang bola kaya sa huli naipasa niya ito kay Neo at siya na rin ang nagshoot.

Nagsihiyawan sina ate na nasa likod ko lang.

"Kanina pa masama tingin ni Seb kay number 00" Saskara

"Naiinis rin ako diyan, masyadong papansin" ani naman ni ate na sinang-ayunan pa ng mga kasama naming kababaihan.

Heartbeats Under The Sun (summer)Where stories live. Discover now