03

3 0 0
                                    

Bumuntong hininga na lamang ako at inabot ang inaabot ni Seb.

"Salamat"

Nagpatuloy akong kumain. Nang natapos na kami ay naglakad na kami pabalik. Maliban sa mga lalake, mas nauna na kaming natulog dahil maglilibot pa sila bago matulog. Nang nakapagbihis kami at napatuyo ang buhok, walang nakalampas sa amin na hindi matulog agad.

Nagising ako dahil sa paggising sa akin ni ate. Nakapalit na silang lahat.

"Bumangon ka na at maligo, kanina ka pa namin ginigising"

Inaantok pa ako habang naliligo. Nakita kong may halong orange ang mga suot nila ngayon kaya pinili kong suotin ang dress kong orange rin ang kulay.

"Anong gagawin natin ngayon?"

"Sasamahan ang mga kaibigan mo para bumili ng souvenirs" ate

"Akala ko ba sa friday pa ang pagbili?"

"We have flight later, kaya mauuna kami ni kuya na aalis" Reverie

"Reunion ng mga Cacho" Elvira

"Ikaw?"

"Napaaga ang training namin" Elvira

Kasali nga pala sa swimming team si Elvira.

"Pwede bang hindi sumama? Inaantok pa kasi ako"

"Sure ka?"

Tumango ako at humikab.

"Okay, alis na kami"

Tumango ulit ako at bumalik sa kwarto. Nagpalit ako ng oversized shirt at shorts bago humiga.

Nang nagising, lumabas agad ako ng kwarto. Naabutan kong nakaupo sa bleachers si Seb habang busy sa cellphone niya. Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng maiinom. Umupo ako at uminom. Doon pa lang naramdaman ni Seb ang presensya ko.

"Hinatid nila ang magkapatid na Cacho at si Elvira, babalik rin sila mamaya"

"Okay"

"Yeah, okay"

Doon ko lang napagtanto na parang masungit ko yatang nasagot si Seb.

"Bakit hindi ka sumama sa kanila kuya?"

"Para may kasama ka dito"

"Pero kaya ko naman po"

"I know, ibinilin rin kasi nina Saskara at Mahalia"

Tumango na lamang ako.

"Did you eat?"

"Hindi pa"

"Do you want to eat something?"

Tumango ulit ako. Gusto ko nang matamis, kaning umaga pa ako nagcracrave ng ganon.

"May halo-halo ba sila rito?"

"We can request"

"Ganon ba"

"Yes, let's go. Parang gusto ko rin"

Napatingin ako sa kaniya. Ngumiti ito sa akin!

Okay, tama ka na Seb. Masyado kang gwapo para tanggihan.

Naglakad kami ng sabay papunta sa restaurant. Lumayo ako sa kaniya ng konti dahil masyado siyang matangkad, at baka masagi ko rin siya. Hindi pa man din ako deretso kung maglakad.

Pero mukhang play time na naman ng tadhana at biglang may bolang muntik nang tumama sa akin. Hinila ako ni Seb kaya napaupo siya sa sahig at ako?

Jusme, nakakandong ako sa kaniya!

Heartbeats Under The Sun (summer)Where stories live. Discover now