05

1 0 0
                                    

Hindi agad ako nakapagsalita.

Ako? Binuhat ni Seb? Sus! Umagang-umaga binibiro ako!

Tumawa sila nang makita ang reaksyon ko.

Inihagis sa akin ni ate ang tuwalya ko.

"Maligo ka na, dun ka na sa banyo kiligin"

Para akong timang! Nakangiti ako habang nagshashampoo at nagsasabon. Grabe.

Pagkalabas ng banyo ay bumungad sa akin si Saskara na may hawak na swimsuit.

"I know that you're not yet confident with your body. But you can't wear the normal clothes you're wearing sa gagawin natin mamaya"

"Pero-"

"No buts, wear this. You can wear shorts and cover up"

Lumabas na ito ng kwarto at iniwan ako roon.

One piece swimsuit iyon na kulay black. Hindi naman makikita ang cleavage kapag sinuot iyon, hindi tulad ng kanila ni ate.

Tsaka wala pa naman akong ganon.

Isinuot ko na lamang iyon at nagsuot ng shorts. Nagsuot rin ako ng itim na polo para pang-cover-up. Nang lumabas ako ay naghahanda na silang kumain. Kumain na kami at nang natapos dumiretso na kami sa pupuntahan namin.

Nagpaddleboarding, snorkeling, volleyball, nagpicture, nagbangka, kumain. Iyon ang aming ginawa sa buong araw.

Palubog na ang araw nang makauwi kami.

Kinaumagahan, nang natapos kaming magpalit ay naglakad kaming lahat para bumili ng mga souvenir. Mamayang hapon ang balik namin sa mga bahay-bahay namin.

Nang nakarating, nagsimula kaming maghiwa-hiwalay dahil iba-iba naman ang mga gusto namin. Sina ate at Saskara ang nagsama. Ang magkakaibigan naman na Savero, Armel, Faolan, at Deo ang nagsama-sama. Nagpaalam na rin sina Neo at Theon. At heto ako, naiwan kay Seb.

"So what will you buy?"

"Cute stuff, ikaw?"

"I still don't know" nagkibit balikat ito.

"Uh hindi ka ba titingin?"

"Sasamahan kita"

Huh?!

"Ah, t-tara na kung ganon" tumango ito at ngumiti.

Marami akong nakita kaya napabili ako, muntik ko nang makalimutan na may sumusunod nga pala sa akin. May limang brown paper bags akong hawak habang si Seb ay wala pang binibili.

"Let me-"

Alam ko na yang style na yan!

Umiling ako.

"Kaya ko"

Ngumisi lamang ito tsaka tumango.

"All right..."

Nang nakasampung brown paper bags na ako ay hindi ko na napigilan ang magtanong.

"Hindi ka pa bibili?"

"Uh I don't know what to buy"

"Wala kang nahanap?"

"I don't know what she like?"

Sus, wala daw girlfriend ha.

"Ano ba gusto ng girlfriend mo?"

"I don't have that. And let me rephrase the question"

Kumunot ang noo ko.

"What do you want?"

Napahigit ako ng hininga. Naibuntong ko iyon matapos ang ilang segundos.

Heartbeats Under The Sun (summer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon