Ken and Sam

24 5 6
                                    

Happy reading!




Cutiepix_cess08 MAWContest




-----------------"Ken and Sam"-----------------



Sam's POV

This is another day ng pagpapakapal ng mga mukha nila. Hindi ba sila nagsasawa? Paulit-ulit lang nilang pinagtsitsismisan ang buhay ko. Get a life! Simula nung isinayaw ako ni James noong Prom Night last year. Hindi parin sila makaget-over. Si James lang naman kasi ang campus crush:gwapo, mayaman at matalino na kinapipilahan ng mga kababaihan pati mga lalaking nagtatago pa sa lungga. Kaya hanggang ngayon hindi parin nila ako tinatantanan. Bakit daw ako nagustuhan? Yes, nililigawan niya ako haggang ngayon kahit ilang ulit ko pa siya nireject. Bakit ako pa at hindi sila? Ang pangit ko naman daw gwapo siya? Yan ang tinatawag na True Love. Nge, wala palang ganyan, akala ko lang. Speaking of the devil.


"She's really a brat." Iparinig pa talaga ha.


"Yeah, akala mo kung sinong inosente, sa loob pala ang kulo." Nagtawanan pa ang dalawang bruha.


Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, dumaan ako sa harapan nila habang sinusundan ko sila ng tingin, dederetso na ako sa may upuan ko sa may harap at magrereview para sa quiz mamaya.


Kahit ganoon ang trato nila ay hindi ko lang pinapansin, naiinggit parin sila kasi ako parin ang top sa klase. Sabihin man nila na sipsip ako sa mga guro, ginagawa ko lang lahat na makakaya ko at may bonus motivation pa. Kumuha na lang ako ng kwaderno sa Filipino at nagpatuloy sa pagbabasa kaysa sa atupagin ko sila.


"Hi Good Morning Class. May bago kayong classmate, please come inside." Dumating na pala si Ma'am hindi ko manlang namalayan. Napalingon siya sa may pintuan, may lalaki sa labas na papasok papunta sa akin. Hindi na ako nagulat. Ang gwapo niya, lalo pa siyang tumangkad sa porma niya. Hindi pa siya nakasuot ng uniform namin kung makalakad akala mo may fashion show lang? Nakatayo na siya sa harapan, I throw a glance on him. Nakatitig rin siya sa akin.


"Please introduce yourself hijo."


"..." Wala kaming narinig kahit isang salita, tahimik lang siyang nakatayo at nakatingin sa paligid, sa sobrang kaba siguro kaya hindi na makapagsalita. Ngumiti siya sa akin habang nakapamulsa akalain mong may pictorial siya sa isang magazine kung makapose.


"You're done scanning me right? Just call me Ken." Swabe lang. I just rolled my eyes at sinabi sa sarili, walang pinagbago. Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko kanina. May naramdaman akong init na katawang tumabi sa akin. Nanlamig ako. Himala may umupo sa tabi ko.


"Wala pang naglakas loob na umupo katabi ni Sam. Bukod sa kanya, hindi niya naman pala alam." Rinig ko pang sabi ng lalaking kaklase ko sa may likod. Oo walang nagtangka o may nagplano manlang na maki-upo sa akin. Kahit sa group work eh parang may hangin lang akong katabi at hindi sila makipag-usap sa akin. Si James lang daw ang may karapatan na tumabi sa akin at walang ng iba. As if naman gusto kong papaupuin siya.

Crazy Little Thoughts: PAPERS (One shot Collection)Where stories live. Discover now