God knows kung gaano ko na kagusto magka jowa sa personal, 'yong nasa malapit ko lang, para maranasan ko naman ang mga kilig na nababasa ko sa libro. Pero hindi ganun kadali eh.

So here I am, risking in a long distance relationship, kahit madalas sa ldr ay nabibigo. Hoping pa rin ako na magtatagal pa kami ni Nard.

Actually siya lang 'yong boyfriend ko na umabot ng two months, ang iba almost one month, pero kadalasan talaga weeks lang, minsan nga one week lang.

Nakakatawa nga eh. Minsan napapaisip ako, is love is for me? Or pang lifetime ba ang contract ko sa pagiging single?






Nandito na ako ngayon naglalakad sa malawak na hallway ng first floor sa Arts & Design Building 7. May apat na palapag ang building na 'to at halos sa mga students na makikita dito ay bibong-bibo, parang hindi napapagod kakatawa at makihalubilo sa iba.

Isa ang building na ito sa mga maiingay dahil sa tunog ng mga musika, mga instruments, at kung ano-ano pa dahil nga Arts & Design, may mga arts related activity na ginaganap sa bawat room.

Thanks God nalang dito sa first floor ang room namin dahil hindi masyadong maingay dito, unlike sa itaas.

Pagkapasok ko sa classroom namin ay wala masyadong ingay dahil kaunti palang kaming nandito. Nakita kong nag-uusap sa likod ang mga kaibigan kong sina Hweb Last at Jason Chec.

Sila lang dalawa dito sa classroom ang nakakaalam na bisexual ako.

Pumunta ako sa likod dahil dito ang pwesto naming tatlo, hindi pa rin nila ako napapansin kahit nasa harapan na nila ako. "Looks like it's a good cup of tea..." pabirong sabi ko.


Sabay naman sila napalingon. "Christian...nandito ka na pala, good morning..." magkasabay din nilang nasabi.

Umupo ako sa gitna nila at nakasimangot pa rin. Hanggang ngayon kasi naiisip ko pa rin ang ginawang hindi pag reply sa akin ni Nard.

"Oh anong meron sa mukha? Ba't ang aga mo 'ata nakasimangot?" Tanong sa akin ni Hweb.

Napabuntong hininga ako habang naging malayo ang tingin. "My boyfriend, Nard, sineen lang niya ako kanina, hindi man lang nag reply," sagot ko.

"Eh baka may ginagawa lang," sabi ni Jason.

"Hindi naman siya ganun before eh, napaka sweet niya to the point na nagiging clingy na siya, kahit nga nasa klase tayo tumatawag siya, makailang ulit pa ako sinasabihang "I love you" ngayon parang...hindi ko na alam..." muli akong napabuntong hininga at napayuko nalang.

Natahimik sila at parang nagtitinginan pa.


Napakamot sa ulo si Hweb, ang protector sa aming tatlo, kapag may gulo handa siyang tulongan kami, mabilis uminit ang ulo niya, pero mabait naman siya.

At katulad ko ay bisexual din siya. Naging mag kaibigan kami nong grade 6 palang kami, ipinagtanggol niya ako no'n at naintindihan niya ang situation ko, dahil bisexual din siya.

Siya 'yong unang nakakaalam na bisexual ako. Itinago ko sa lahat, dahil hindi rin naman nila maintindihan, ang iba bakla pa rin ang tingin sa akin kahit makailang ulit ko na pinapaliwanag ang kaibahan nila.

Kaya minabuti ko nalang na itago pagtungtong ko ng high school, hanggang ngayong senior high.


"Sabi ko naman sa 'yo 'di ba mag jowa ka ng nasa malapit lang, para alam mo mga ginagawa niya, baka mamaya nagluko na 'yan..." sabi niya.

Dahan-dahan ko siyang nilingon. "Hindi naman siguro..."

"Naku, ganyan na ganyan din ang sinabi mo no'n sa mga nagdaang jowa mo, pero ano, nag cheat lang din..." nakita ko na ang inis sa mga mata niya.

"Pasensya ka na sa sasabihin ko, pero nagpapakatanga ka na sa ldr na 'yan, eh hindi mo nga alam kung anong mga ginagawa nila, hindi mo alam kung sinong mga makakati ang nakapaligid sa kanila..." parang tinataasan na niya ako ng boses.

Napahawak ako sa dibdib. "Grabe ka naman sa tanga, sakit mo naman magsalita..." napa busangot ako.

"Because I'm your friend, okay, and as your friend I'm gonna be honest to you...Christian concern lang ako, dahil ilang beses ka na lumapit sa amin na halos umiiyak na," tugon niya.


Biglang hinawakan ni Jason ang bisig ko. "Christian, kung mag jojowa ka naman lang, 'yong taga dito lang, para at least nakakasama mo," sabi naman niya sa akin.

Sa aming tatlo siya ang tunay na straight, kaya lang medyo chix boy, nagpapareto sa kahit sinong magagandang babae.

Sa kabila no'n ay may mga bagay kaming nagustohan sa kanya, kaya niya makipag sabayan sa amin, sa mga trip namin, kaya niya mag bading-badingan, at higit sa lahat ay support niya kami.

Napakunot-noo ako. "Eh hindi ko nga alam paano lumandi sa personal, I only flirt in online..." sabi ko.

Napailing naman siya. "Well that's the problem nga...kasi kahit ako medyo nahihiya din sa mga babae, kaya sa online nalang minsan nakakahanap ng ka-talking stage," mukhang naintindihan naman niya ako.

Nagtinginan kami ni Hweb at dahan-dahan namin nilingon si Jason. "Weehhh..." sabay namin na sabi.

Napakamot sa ulo si Jason. "Oo nga, kukulit niyo..." inis niyang sabi.

Tumango kami ni Hweb. "Well, sabi mo eh." Natatawa pa rin kami habang tinitignan siya.


Natahimik na kami at parang nauubosan na ng sasabihin, halos nagtitinginan na nga lang kami.

Biglang naalala ko ang nakita ko kaninang si Kit, excited akong sabihin ito sa kanila. "Alam niyo may chika ako..." naging abot tenga ang ngiti ko.

Nakita ko ang gulat sa mga mukha nila dahil siguro sa biglang pagbago ng mood ko. Dali-dali silang mas lumapit pa sa akin.

"Ano 'yon acckla?" Agad na sabi ni Jason.

"Go chika na..." parang sabik na sabi ni Hweb.

Sasabihin ko na sana sa kanila nang biglang pumasok na si Ma'am at mukhang wala na naman siya sa mood, kaya nagsi-ayos ang lahat sa pagkaupo, pati kaming tatlo dito na hindi natuloy ang chismisan.




Boyfriends Season 1 | Heartful Academy 2Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz